Flashback 2.
"What was that for?" Di makapaniwala kong tanong noong nasa loob na kami ng kanyang sasakyan. Umigting ang kanyang panga at humigpit pa ang hawak niya sa manibela.
"Pinakita ko lang na may nag mamay ari na sa'yo kaya huwag na siyang umasa." Galit niyang sagot.
"My God. Dylan. You don't have to do that." Inis ko ng sabi sa kanya. Marahas siyang napatingin sa akin. I held his face. "Kahit na hindi mo gawin iyon, 'sayo lang talaga ako. So stop your nonsense jealousy. Sa'yo lang ako. Okay?" Mahinahon kong paalala. Binitawan niya ang manibela at niyakap niya ako ng mahigpit. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko.
"You are mine. Forever." Malambing niyang sabi. I combed his hair using my fingers.
"Uhuh. I am yours. Forever. And you are mine too, right?" Malambing kong tanong pagkatapos. Kumalas siya sa yakap niya sa akin at pinakatitigan ng mabuti. He brushed his thumb on my cheek.
"Yes. I am yours as much as you are mine baby." He then kissed me passionately. "Hmmn. Where do you want us to eat?" Malambing niyang tanong pagkatapos niya akong halikan.
"Kahit san'." Sagot ko habang nakatingin sa labi niya. Humalakhak siya. Napanguso na lamang ako noong hagkan niya ako.
"Don't tempt me right now, babe. You're still on your period." Bungisngis niyang bulong sa tenga ko. Itinulak ko naman siya sa hiya.
"Wala akong ibig sabihin sa pagtingin sa mapula mong labi." Nanlaki ang mga mata ko noong maunawaan ang aking sinabi. Muli siyang humalakhak.
"Damn. You're the only one who can make me this happy." Natutuwa niyang sabi bago ako hinalikan ng mabilis sa labi. Pinaandar na niya ang sasakyan at nagmaneho.
"I'm shifting my course." I finally informed him after a long drive and silenced inside the car.
"Hmn?" Inilapit niya bahagya ang kanyang tenga para marinig ng mas malinaw ang aking sinabi. I breathe hard before repeating what I said.
"I'm changing my course. Ayoko ng nursing." Ulit ko. Napatingin siya sa akin na tila hindi makapaniwala sa narinig bago muling tumingin sa daan.
"Bakit naman? Akala ko ba pangarap mo yun?" Tila nalilito pa niyang sabi.
"Hindi. Ayoko pala. Gusto mag FA. Gusto ko magtravel sa buong mundo." Determinado kong sagot. Mahona siyang natawa.
"Babe. You don't need to become an fa to travel the world. Ako bahala sa'yo. We'll travel the world soon." Sigurado niyang saad. Napairap naman ako sa kawalan.
"I want to earn money for my travels." Mapride kong sabi. He took my other hand and brought it to his lips. He kissed the back of my hand.
"I will work for dad's company right after I graduate. And in no time, I'll be taking over his position as the President. And you know what came into my mind to why I should really work hard to get that seat?" Tinignan niya ako saglit bago tumingin sa daanan. "Ikaw. Ikaw ang nasa isip ko. I want to work my ass off so I can give you all what you've wanted. A comfortable life? Endless travels? Complete family? Name it baby, and I'll give everything to you." Nakangiti niyang saad habang sinasabi iyon, imagining things.
BINABASA MO ANG
In Between (Completed)
RomanceTYCOON SERIES III Crushed by her first love, Brooke turned herself into a fierce and independent girl. Far from the dependent in love and fragile girl, she became the fantasy of men. A woman who dates and flirts but does not fuck. She made a rule...