13

1.2K 25 1
                                    

Flashback 7.

"Congratulations, baby."

I proudly said as I got nearer. Graduation day niya ngayon. Niyakap niya ako. Katatapos lang ng graduation nila. Ang bilis lumipas ng araw.

"Thank you, babe."

He happily said. Hinalikan ko siya sa pisngi. Umakbay siya sa akin pagkatapos habang nakikipaghand shake siya sa mga taong bumabati sa kanya.

"I am so proud of you son."

Tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa akin para mayakap ang ama.

"Thanks dad."

Masayang saad niya kay tito.

"Congrats anak."

Naiiyak namang sabi ni tita, mommy ni Dylan.

"Thanks mom."

Sunod nuyang niyakap ito bago ako inakbayan ulit.

"We're going to dine in, I'll just invide Serena."

Nawala ang aking ngiti pagkarinig sa pangalan na iyon. Napasulyap sa akin si Dylan at lalong humigpit ang pagkakaakbay niya kaya napatingin ako sa kanya. He looked apologetic though. Nag iwas ako ng tingin at pinilit ibalik ang aking sigla.

"Hija, is it okay if I invite her?"

Malambing na tanong ni tita sa akin. And who am I to say no?

"Tita. Okay po. Wala naman po akong karapatang humindi."

Nahihiyang sabi ko. Ngumiti sa akin si tita.

"Of course you have, girlfriend ka ng anak ko. You always have the right to agree and disagree."

Nakangiting saad niya pa. Pilit akong ngumiti sa kanya. Tumango na lang ako.

"Mom. You don't have to invite that brat. You know how possessive she is to me. Baka gumawa pa ng eksena. Awayin pa niya si Brooke."

Sita ni Dylan. Pinanlakihan ko siya ng tingin. Tumungo siya sa akin para lang irapan. He squizzed my shoulder. Nawala ang ngiti ni tita.

"Pero hijo. She's a part of our family."

Pilit naman ni tita.

"Hon. I think, it's better not to invite her. Tska isa pa, araw naman ito ng anak natin. Pagbigyan mo na. He wants to spend the dinner with us and Brooke."

Napangiti si Dylan sa sinabi ng kanyang daddy.

"Hmmn. Alright then. No Serena for today."

Pagsukong payag niya kaya lalong lumapad ang ngiti ni Dylan.

"Oh, why don't you call your mama and papa, then?"

Napatingin si tita sa akin noong sabihin niya iyon. Nagkatinginan kami ni Dylan. Tumango siya. Tumingin ako kay tita ulit.

"Uhh. Sure po. Tawagan ko lang po sila. Excuse me po."

Tumango silang tatlo. Noong medyo makalayo na ako ay tumawag ako kay mama.

"Oh, anak napatawag ka? Kamusta ang graduation ni Dylan?"

Hyper na sagot tanong ni mama.

"Maayos naman po. Ma,"

"Oh."

"Iniinvite nga po pala kayo nina tita for dinner."

Saglit na nawala si mama sa kabilang linya.

In Between (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon