12

1.1K 27 1
                                    

Flashback 6.

"Babe. This is not the way to langit park."

Siguradong saad ko habang nakakunot noong nakatingin sa labas ng pintuan ng kanyang sasakyan.





"May bagomg way akong nalaman. Short cut."

Nakangising sulyap niya sa akin.




"Short cut? Eh isang oras na tayong bumabyahe ah. Forty minutes lang naman ang travel time nun."


Kunot noo ko pa ring sagot. Ngumuso siya. Sinapak ko siya sa braso.


"Aray naman."

Reklamo niya pero may bahid pa din ng tuwa sa kanyang mukha.


"Saan mo ako dadalhin? Alam ba nila mama to?"

Sinamaan ko siya ng tingin.


"Wala ah. Matulog ka na lang muna. Lapit na tayo."

Pag iba niya sa usapan.


"Saan ba kasi tayo pupunta. Malapit na lumubog ang araw eh!"

Halos mapapadyak na ako sa paa dahil sa prustrasyon.


"Relax. Makakarating tayo on time. I'm telling you."

Sigurado niyang sabi. Sinimangutan ko siya. He reached for my hand and kiss the back of my palm.



"Stop worrying alright? Maaabutan natin ang sunset. Kelan ba kita binigo?"

He winked at me and so I melted. Nawala ang inis ko. Sinapak ko na lang siya sa braso.


"Baka maging wifezilla ka pag kinasal na tayo ah?"

He playfully asked. Inirapan ko naman siya kaya natawa siya.

"But seriously, even if you punch me or what, I will still be your willing slave, baby."

Napakagat ako sa labi upang pigilan ang umuusbong na kilig. Tang ina talaga tong lalakeng to oh. Humahalakhak siya at muling hinalikan ang kamay ko. Hindi na niya binitawan pa iyon all throughout the drive.



"Andito na tayo. Wake up."

Nagmulat ako ng mga mata. Nakatulig pala ako?! Tinulungan niya akong lumabas sa kotse noong mahimasmasan ako. Medyo malabo pa ang pagkakakita ko sa paligid dahil sa kagigising ko lang.


"What are you doing?!"

Gulat na tanong ko noong takpan niya ang mga mata ko gamit ang kanyang nga kamay.


"Shh. You'll know later."

He hushed me near my ear, his lips almost touching my neck. Damn.




"Andito na tayo. Bibilang ako ng tatlo, then you can open your eyes, hmmnn, 'kay?"

Utos niya sa akin.

"Oo na."

Tamad kong sagot. Hinalikan niya ang balikat ko.

"No cheating, or else, we'll make love right here, under the sunset."

Malambing niyang sabi. Natawa naman ako sa sinabi niya.


"Is that a threat or an offer? You know how my mind works, Dylan. And you know there's a huge possibility that I'll cheat so you're giving me that kind of a choice. You, asshole."

In Between (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon