34

1.3K 28 10
                                    

"Good job, Ms. Brooke. That's a wrap for today. Mr. Sandoval will surely be happy if he hears the news that you are doing great in just a week of training. You deserve the position so well."


Masayang saad ng trainer ko sa akin. After the dramatic encounter with Dylan, I started with my training. Isang week na siyang hindi nagpakita or nagparamdam. Not that I cared tho.


"Thank you too Ms. Palaez. I would have made this possible without your exemplary guidance and trainings. You are such an inspiration to everyone who aspires to be a private cabin crew. See you tomorrow, Ms."



I said after. Nginitian niya naman ako. Nagring ang kanyang cellphone kaya nagpaalam na din siya ng tuluyan. Tumalikod na din ako at pumunta sa may locker room para magbihis. Nang matapos ay naglakad na ako palabas ng training center. I smiled once I saw a familiar figure. Madali akong naglakad papunta sa kanya. I hugged him from behind. Natigil siya sa pagsasalita mula sa kausap sa kabilang linya. Humarap siya sa akin. I smiled even more.



"Alright, I will call you later, Adam. Goodbye man."



Paalam niya sa kausap bago inilagay sa bulsa ang phone. Hinapit niya ako sa bewang sabay kinintalan ng magaang halik sa labi.



"How was your training for today?"


Malambing niyang tanong. I planted a soft kiss in his lips before answering.



"I'm doing well sabi ni Ms. Palaez."

Tumango tango siya sa akin bago ako inaya ng umalis.

"You must be really tired again, then. Saan mo gustong kumain?"

Tanong niya habang iginagaya niya ako sa big bike niyang dala.

"Anywhere with you, baby."

Nakangiti kong saad. Sinilip naman ako sabay ngisi.

"Huwag mo ako sinasagot ng ganyan at baka iba pa kainin natin pareho."

Halakhak niyang sabi. Inilagay niya sa ulo ko ang helmet bago sumakay.

"Hop in baby."

Utos niya noong mailagay na din niya ang helmet sa ulo niya. Noong maayos na akong makasakay ay pinasibat na niya ang kanyang sasakyan. We ended up in Tagaytay. Inilagay niya ang isang coat sa aking balikat. I uttered a thanks. Niyakap niya ako mula sa likuran sabay halik sa gilid ng aking ulo.

"Still cold?"

He solemnly asked.

"Not that I am already wrapped with your warm embrace."

Ngisi kong sagot. Humigpit ang yakap niya. Maya maya pa ay iniharap niya na ako sa kanya. Inayos niya ang aking takas na buhok at inilagay sa likod ng aking tenga. He kissed my temple.

"Breathtaking."

He said out of the blue while looking at me, intently.

"Ang ganda mo talaga."

Dagdag pa niya na siyang ikinahalakhak ko sabay hampas sa kanyang braso.

"Bolero. Tell me. Ano gusto mo?"

Tatawa tawa kong tanong.

"Pikit ka muna."

Utos niya. Napangisi naman ako bago siya sinunod.

"Open your eyes."

Lumawak ang ngisi ko bago nagmulat ng mga mata. Nanlaki ang mga mata ko noong makitang nakaluhod na siya.

In Between (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon