17

1.3K 30 2
                                    

<present>

I fell asleep once I got home. Sa sobrang daming bumabagabag sa isipan ko pagkatapos ko siyang makita matapos ng ilang taon, ni minsan ay hindi na siya nawala sa isipan ko. At the same time, I felt so guilty and sorry for Shaun. Kailangan kong bumawi sa kanya. Alam ko kung gaano siya naaapektuhan ngayon. Ramdam ko ang tampo niya kahit hindi man niya sabihin.



Nagising ako noong maramdaman kong tila may humahaplos sa pisngi ko. Noong magmulat ay mukha agad ni Shaun ang nakita ko. A genuine smile formed on my lips. He smiled back. Naupo ako at isinandal ang ulo sa head rest. Umusog naman siya palapit sa akin bago inabot ang labi ko para mahalikan. I closed my eyes and kissed him back.



"Kanina ka pa?"

I asked once he broke the kiss.



"Halos kadarating ko lang."

Maiksing sagot niya. He has his own key in my condo anyway kaya nakapasok siya.




"Hmn. Kumain ka na ba?"


I asked while tracing his face with my fingers. Ang kamay naman niyang isa ay nakahawak sa pisngi ko.



"Not yet. Hinihintay kitang magising. I want to ask you for a date."


Malaki ang ngiti niyang sagot. Napaisip naman ako. Siguro ito na ang pagkakataon ko para makabawi.






"I'm sorry kanina. Ayaw ko lang naman masira ang pangarap mo."


Malungkot kong sabi. Napailing iling siya sa akin at napabuntunghininga.



"Baby, I'm sorry too. I understand how hard it was on your part. I am sorry if I got mad. I am actually planning to retire from the band."


Napatanga ako sa sinabi niya. He smiled and hush my lips when I was about to say something.




"Ayaw kong pag awayan nanaman natin ang desisyon kong ito Brooke. I am doing this hindi lang dahil sa relasyon natin, kundi dahil I am getting old. I want a family. With you."




Namungay ang mga mata niya habang tinitigan ako. He caressed my cheek using his thumb.





"I'm sorry."


Natigil siya sa narinig. Kumunot ang noo niya pero bago pa man siya makapagsalita ay naunahan ko na siya.



"I am sorry for being too paranoid about us being seen by people. I want us to publicly date too. I just want to be careful baka kasi masira ang pangalan mo dahil sa akin."





Nahihiya kong saad.




"Baby, I don't care what others will say. All I care is you."



Seryoso niyang sabi sa akin. Niyakap ko na lang siya.


"I know. I love you."



"I love you more, baby."



Sa condo lang kami kumain. He told me na ayaw na niya akong mastress o mag isip ng kung ano na baka isipin ko nanaman daw ang sasabihin ng mga tao. So, to lessen my paranoia, we ended up in the condo. Siya ang nagluto and I watched him expertly do the cooking.





"Ang swerte ng mapapangasawa mo. Ang galing mo sa lahat ng bagay."


Parang tangang puri ko habang nakahilig ako sa may island counter at pinapanuod siya sa pagluluto. Napatingin siya sa akin na may kasamang kunot noo.



In Between (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon