24

1.1K 31 6
                                    

" Your job is to serve him inside the plane as his personal cabin crew. And after that, you don't have any responsibilities with him."

Shaun. Shaun.

Agad kong naitulak si Dylan pagkaalala kay Shaun.


"Brooke?"

Wala sa sariling tinignan ako ni Dylan. Halatang nagulat sa ginawa ko. Napalunok siya. Napahilamos ako ng mukha. Wala na din naging imik si tatay pagkakita ng ginawa ko. Agad na may pinindot siya upang may magsara sa pagitan. Maang akong napatingin doon. Hindi ko na nakita si tatay dahil may malaking harang na doon. Nakasara na. Tiim bagang akong napatingin kay Dylan na tila wala pa din sa sarili.

"This is wrong."

Halos bulong kong sabi. Umigting bigla ang kanyang panga sa narinig mula sa akin.


"How can a wrong feel so right? If this is wrong, Brooke. Then I don't want to be right. I've been choosing the right things before, and what did it lead me? I lost you in the process of doing the right thing. And it hurts. It kills me everytime I remember you. I love you. I know you are confused. I know you're thinking about your now, he's all you've got when you were broken. I understand that. I want to let you go. I tried. God knew. But I can't. I just can't! Damn it. I can't let you go. I am in love with you."

May tumulong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Hinawakan niya ang aking mga kamay at doon niya isinubsob ang kanyang mukha. Mahigpit ang hawak niya na tila ba doon niya na idinidipende ang sarili. Napaiyak na din ako sa mga narinig ang sa kalagayan niya.


"Dylan. We're done years ago. This is what you chose for us. You left me. I still carry these scars. They were embedded inside me. But we are done. Shaun is my now. You're part of my past. Hanggang doon na lang. Mahal ko si Shaun. Please don't confuse me. I love him. And I don't want to hurt him just because of you. If there is one thing we need now, that's closure."

Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hinalik halikan pa niya iyon. Sumikip ang aking dibdib sa nakikita. Humikbi siya pero nauwi iyon sa hagulgol.


"I can't! I don't want that damn closure! Ayoko. Hingin mo na saken lahat. Huwag lang yan.! Ayoko."


Niyakap niya ako ng mahigpit pagkatapos at isinubsob ang ulo sa gilid ng aking leeg.

"Dylan."

Hirap kong sabi sabay tulak sa kanya palayo.

"Ayoko!"

Desidido niyang sagot. Napakagat ako sa labi para pigilan ang sariling luha.

Shaun. Shaun. Oh God. Shaun.

Paulit ulit iyon sa aking isipan. Damb it. This is wrong.! Pumiglas ako. Nanghihina siyang lumayo sa akin. Nakayuko siya sabay punas sa kanyang sariling luha. Napalunok ako bago magsalita.


"Dylan. I accepted the job because of my boss. But if you continue doing this, then I will not have a choice but drop the agreement. Hahayaan ko na lang ang boss kong mawalan ng trabaho. Tutal hindi ko naman siya responsibilidad."

Malamig kong sabi. Though inside me, I am so damn ripped.



"Don't worry. This will be the last. But I will not give up on us. Mark my word, Brooke. Babalik ka sa akin. Dahil akin ka lang."

Madiin niyang saad. Hindi na siya muling nagsalita. I heard the engine starts. Naging tahimik na ang paligid buong biyahe hanggang sa makarating kami sa mismong runway ng mga eroplano. Kumunot ang noo ko.

"Nagbibiro lang si sir Lanlan kanina. Sa Miami talaga kayo papunta, anak."

Napatingin ako kay tatay bago kunot noong tinignan si Dylan. Nag iwas ito ng tingin bago naunang lumabas.


"Mag iingat kayo doon ha? Namiss kita anak. Sana kung ano man ang naging gusot niyo noon ay maayos niyo na. Mahal na mahal ka ng batang iyon. Kung alam mo lang ang sakripisyong ginawa niya mapabuti ka lang, paniguradong maaawa ka. Gustuhin ko mang sabihin sa'yo pero wala akong karapatang manghimasok. Ipapanalangin ko na lamang na magkabalikan kayo."

Napahawak ako sa sentido. Pilit akong ngumiti kay tatay at nagpaalam na. Pilit na huwag isipin ang mga sinabi niya.


Pagkalabas ko ay nakita ko si Dylan kausap ang dalawang nakauniporme ng pang pilotong damit. Must be the pilots then. Lumapit ako sa kanila. Napansin naman ako agad ni Dylan.

"This is Brooke. I personally hired her. She's a flight attendant and starting from today, she will be with us in every flight."

"It is a pleasure to finally meet you Ms. Brooke. I am captain Kid Bernaze."

"And I am first officer Andi Chavez."

Pareho nilang magalang na pakilala.

"Hello po. Thank you for the warm welcome."

I smiled and willingly accepted their hands for a warm greetings.


"We need to get going."

Malamig na singit ni Dylan. Nauna na siyang umalis para makapunta sa loob ng eroplano. Sinalubong siya ng dalawang security. Humalakhak naman ang dalawang piloto. Napatingin ako sa kanila kaya natigil sila pero ang mga ngiti ay naiwan sa kanilang mga labi.


"Shall we madam?"

Iminwestro ni capt Bernaze ang kanyang kamay upang igayak ako.



"See you in Miami, baby. I am on my way to tha airport."

Basa ko sa message ni Shaun pagkapasok ko ng eroplano. Napabuntunghininga ako bago piniling ibalik sa bag ang phone. Nilapitan ko si Dylan na ngayon ay tahimik na nagtitipa ng kanyang laptop. Nakakunot pareho ang kanyang mga kilay.



"May I have my uniform?"

Natigil siya sa pagtipa at iniangat ang ulo para matignan ako.


"Ma'am, follow me."

Napatingin ako sa nagsalita. Kumunot ang noo ko pagkakita sa isang nakaunipormeng babae.


"You have a flight attendant. What will be my role here then?"

Pagtataray ko. Napahilot siya sa kanyang sentido sabay tanggal ng kanyang eyeglasses.



"She'll be leaving after she gives you the uniform. This is her last day of work."

Tila iritado niyang sabi na siyang nagpalaki ng mga mata sa akin.

"Wait. Don't tell me...."

Tiim bagang siyang tumitig sa akin.

"Yes. I fired her. And replaced you instead. Now go and follow her."



"You are impossible! You can't just fire her!"

Sigaw ko sa kanya. Umigting ang kanyang panga sabay hampas ng kamay sa na mesa na nasa harapan niya.

"I own this airline. I do have the right to fire people whenever I want to. I gave her another job. Don't worry. Happy now?!"

Timpi niyang sabi. Natahimik naman ako bigla.

"Now. Just follow her. Please."

Napatango na lamang ako bago tumalikod para sundan ang babae. Damn it. Where did I put myself into? This is danger!


In Between (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon