39

1.8K 27 2
                                    

"What is that?"

Yakap na tanong ni Shaun mula sa aking likuran. Hawak na naming pareho ang isang invitation letter.

"May party next week."

Sagot ko. May gaganapin kasing annual party sa airline na napasukan ko kaya naman nakakuha ako ng isang imbitasyon.

"Pwede ba magsama ng date?"

Nakangising tanong niya. Ibinaba ko naman ang letter bago siya hinarap.

"Yes. Pwede ka ba?"

I massage his nape.

"Pwede ba akong makita kasama mo?"

Tanong niya pabalik hawak ang braso ko na nasa kanyang leeg.

"Bakit hindi?"

Sagot ko sa kanya. Bigla ay kinikilig siyang napangiti. Isiniksik niya ang kanyang ulo sa aking leeg.

"Can we finally go together in public, baby?"

Natutuwa niyang sabi.

"I guest, it's just time."

Seryoso kong sagot naman. Humalakhak siya sa sobrang saya bago ako niyakap ng mahigpit.

"You don't know how much this means to me."

Pabulong niyang sabi bago ako masuyong hinalikan.

...

"You look beautiful in that gown, baby."

Halik niyang bulong sa akin noong makita ako. Niyakap niya ako ng mahigpit bago lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako.


"Thank you."

Ngiti kong sabi. Tulala lamang siyang nakatingin sa akin. Pinantaasan ko siya ng kilay.

"Hey, okay ka lang?"

Taka kong tanong. Napakurap kurap naman siya bago inabot ang aking kamay para halikan.

"Yes. You, you just took my breathe away. Damn baby, pwede bang iuwi na lang kita at huwag na tayong pumasok pa sa loob?"

Natatawang sinapak ko siya dahil sa pinagsasabi niya.

"Heh. Baliw. Tara na sa loob."

Natatawa ko siyang hinila. Panay ang reklamo niya at hiling na umuwi na lang kami para daw siya lang ang makakita sa kagandahan ko. Baliw.

"Damn. Paparrazi! Baby is it okay if you have me as your date tonight?"

Nag aalala niyang bulong habang yapos ang bewang ko. May mga reporters kasi. Bago kami makapasok kailangan muna naming dumaan sa kanila. Napatingin ako kay Shaun at nginitian siya. Hinawakan ko siya sa kamay at pinagpatuloy ang paglalakad.

"I am ready to tell the world that you are my guy."

Natatawa kong saad bago siya tinignan. Namumula ang kanyang pisngi habang kinakamot ang likod ng ulo. Napatawa lalo ako dahilan upang mabaling ang atensyon ng media. Agad nilang nakilala si Shaun. Well, I must admit, he's really quite famous huh.


"Mr. Montenegro. Who is this lovely girl with you? Is she part of the DBS airline celebration? What are you doing here if she's not from here?  Or are you secretly investing in the company that's why you are here?"

Magkakasunod na tanong ng mga nakapaligid na media sa kanya. Hinapit naman niya ako lalo sa kanya at hindi pinansin pa ang mga iyon. Agad naman may biglang dumating na mga nakasuit na lalake at pinagilid ang mga media personalities upang maayos kaming makadaan. Mula sa loob ay dinig pa din namin ang kagustuhan nilang makakalap ng impormasyon mula sa amin.

In Between (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon