16

1.2K 28 2
                                    

Flashback 10.

Hindi na namin muling napag usapan ang nangyari. Days turned into weeks. Weeks turned into months. Months turned into years. And we were doing just fine. Wala namang nagbago. Mas naging clingy at sweet siya which I like the most about him. Dumating yung point na mas lalo din akong naobsess sa kanya.

"I love you baby."

Hingal kong saad sa kanya pagkatapos niya akong halikan. He groaned before resting his head to mine. Binisita ko siya sa office niya. Nakakandong ako sa kanya habang pinapaikot niya kami sa swivel chair niya.

"I love you too. So much."

He passionately said. I grinned before kissing him again. Nanatili ako sa opisina niya ng ilang oras bago tuluyang nagpaalam sa kanya dahil may conference meeting pa siya. Nagpasya akong pumunta sa mall para sana mag unwind hanggang sa mapadpad ako sa isang suit section ng department store. Si Dylan agad ang naalala ko pagkakita sa isang blue suit. Bagay na bagay iyon sa kanya. Excited akong lumapit doon.




"Good afternoon ma'am."



Nakangiting bati sa akin ng isang sales lady. Malapad ang ngiti kong bumaling sa kanya.





"Do you have a larger size for this?"


Masayang tanong ko.




"Ichecheck ko lang po saglit ma'am."


Magalang na saad niya bago umalis para maghanap ng hinihingi kong size. Ilang sandali ay bumalik din suya kaagad bitbit ang nakabalot pang suit. Ipinakita niya iyon sa akin. Mas lalo akong natuwa noong makitang saktong sakto iyon para kay Dylan.





"I'm gonna buy this one."



Matamis kong ngiti sa saleslady. I left the departmeny store and decided to visit a salon.




"Good day miss."



Bungad ng isang bading pagkapasok ko sa salon.




"Hi. I want a new hair cut."



Ngiti kong saad. Ngumiti naman sa akin ang bading bago ako inaya patungo sa upuan. Hinawakan niya ang aking buhok.




"Nako ang ganda ganda ng buhok mo miss. Bakit ka magpapagupit?"


Hinayang na hinayang nitong litanya.




"I just want a new look for my boyfriend."



Tatawa tawa kong sabi. Ngumuso ang bading halatang kinilig yata sa sagot ko.





"Nako miss baka lalong main love sayo yang si jowa. Baka di ka na pakawalan."



Tawa niyang sabi. I grinned.




"Hindi naman mangyayari yan talaga. Sobrang in love yun sa akin."



Tawa kong sagot. Humagikgik siya sa naging sagot ko.




"Hanggang saan po ba ang gusto niyong haba ng buhok miss?"



Nakangiti niyang tanong.




"Gusto ko yung hanggang bago balikat."



Tumango siya bago sinimulan ang trabaho. Ilang minuto ang lumipas bago siya natapos.





"Ayan. Ang ganda mo pa po lalo miss. Bagay na bagay sa'yo."



Masayang napapalakpak pa ang bading. I smiled with content upon seeing the result. I gave him a tip before bidding goodbye. Naglibot libot pa ako pagkatapos. Noong mapagod ako ay tumingin ako sa aking relo. Nanlaki amg mga mata ko pagkakita kung anong oras na. Mag aalas otso na pala. Napadami din yata ako ng bili. Pagkakita ko sa mga dala kong paperbags ay napangiwi ako. Lagot ako neto kay Dylan. Ayaw pa man din  non na nagiging magastos ako. Mabilis akong nagtungo sa may taxi bay ng mall at pumara ng taxi. Wala kasi akong dalang sasakyan. Sinabi ko na lang sa driver ang lugar. Isang oras din ang itinagal ng byahe dahil sa traffic. Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang agad sa unit namin. Pagkaswipe ko ng key card ay madilim na paligid ang nabungaran ko. Napalunok ako. Mabilis ang tibok ng puso ko. Pigil hininga akomg naglakad papunta sa kwarto namin. Napapikit ako noong lumikha ng ingay ang pintuan pagkabukas ko. Noong magmulat ako ay likod niya ang nakita ko. Nakatalikod siya habang may hawak ng baso ng alak. Nakatingin siya sa may window glass, tanaw ang buong ganda ng siyudad dahil sa mga ilaw ng mga buildings. Ang isang kamay ay nakalagay sa kanyang itim na slacks. He is still on his suit.





In Between (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon