Chapter 11: Winner of the Game
Liam's POV:
Nandito kami ngayon tahimik na nilalakbay ang Everest pero binasag ni Iris isa pa sa isip bata dito "Laro tayo guys para di boring dito" napatingin naman kami sa kanya bukod sina Kai at Hell na may sariling mundo "anong laro! Dali ang boring kasi" napangisi naman si Iris na nakakaloko halatang may binabalak.
"Laro tayo ng paunahang makapunta sa tuktok, ang prize ng nauna ay pwedeng magpabili ng kahit ano pagdating sa DAA o pwedeng magutos ng kahit ano sa kahit sino yung kasama lang natin ha! For a day/week/month basta bahala ka kung ano ang gusto mo, ano game!?" sabi niya
Nagsitanguan kami at nagsignal na si Iris ng go kaya nagsitakbuhan na kami at naiwan naman si Hell na parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Iris pero si Kai tumakbo na rin para makahabol ayaw gawing utusan eh at nagunahan na kami papunta sa tuktok iniiwasan ko ang mga nahuhulog na mga yelo galing sa itaas para hindi ako bumagal.
Hell's POV:
Pagkatapos sabihin ni Iris na go ay nagsipagtakbuhan na sila papunta sa ibabaw ng Mount Everest, habang ako naglalakad lang, siguro nangangalhati na siguro ako ng sinumon ko ang ice wings ko na mukhang crystals dahil sa sobrang makinang ito at dahil dun sa ibabaw ako ng mga ulap dumaan at tinago ko na rin ang aura ko baka kasi may kalaban sa paligid.
Nang makarating ako sa ibabaw ng walang kahirap hirap ay napansin kong umilaw yung singsing na binigay sa amin ni Headmistress Sarah kaya hinanap ko kung nasaan ito, ang una kong paghahanap wala pero ang sumunod ay nakita ko na rin ito na nasa loob ng isang glacier dito sa bundok na itok
Ginamit ko na ang apoy kong kapangyarihan para matunaw ang yelo kasi wala pa naman ding tao dito at wala pa sila kaya walang makakakita at inilagay ko ito sa lalagyan dito sa bag ko na super secured at hightech at ako lang ang makakabukas nito.
Nung bumalik ako sa pinakatuktok ay wala pa rin sila kaya gumawa ako ng igloo at matutulog na sa loob nun habng naghihintay sa kanila
Bago ko makalimutan, nanalo nga pala ako sa laro nila.
Silver's POV:
Nandito kami malapit na sa tuktok ng bundok natatagalan lang kami dahil madaming nanlalaglag na mga tipak na yelo at ang nangunguna sa amin ay si Luke na malaki ang ngisi sa bibig sarap ipaipit sa mga nahuhulog na mga yelo eh.
Nakarating kami sa tuktok na nakangiti na parang tanga si Luke at nagsasayaw na parang baliw na parang takas sa mental at inaasar pa kami dahil siya daw ang nanalo kung tutuusin pwede siyang unahan ni Kai pero tamad, wala pa ang nakakahanap ng gemstone ni isa sa amin.
"Teka guys parang may kulang" saad ko sa kanila "si Hell wala pa dito" natataranta na kami at di mapakali sa pwedeng mangyari sa kanya pero napagusapan namin na maghintay ng 15 minutes pero walang Hell ang dumating.
Nagsimula na ulit kami magpanik dito at sinigaw na namin ng ilang beses ang pangalan ni Hell pero wala parin hanggang sa may sumigaw ng "shut up, your noisy" sa amin at pinuntahan namin si Hell na humihikab pa sa likod namin.
"Hell san ka galing? Bakit ang tagal mo? Nanalo tuloy si Luke-na-takas-mental" medyo natawa ang iba kasama na ako sa sinabi ko at si Luke na ang sama ng tingin sa akin "where? Igloo why? Sleeping"
Ah natutulog siya kaya ang tagal niya......wait natutulog it means "ang nanalo si Hell hindi si Luke-na-takas-mental" again pinagtawanan namin si Luke na nakabusangot ang muka na parang kinuhaan ng lollipop na bata "lesson learned wag maging OVERCONFIDENT pagnagkataon" sabi ni Zuri sa kanya na nagpipigil ng tawa.
"Nakita mo ba ang gemstone?" Tanong ni Kai dito, tumango lang siya bilang sagot at linabas ang isang kulay asul na bato sa bag niya "I'll hold it until we get back" seryosong saad niya at saka binalik yun sa bag niya.
Next Bermuda Triangle, ano kaya ang mangyayari sa amin?
----------End of Chapter 11------------
BINABASA MO ANG
Devil Angels Academy: Fallen Angel
FantasyA girl who is the last Fallen Angel. Borned to be Queen of the Immortal Realm. She's the Queen of the GangKuFiaSsins Underground Society. A noble and a respected student of Devil Angels Academy. All bow down their heads unto her magnificent power. T...