Chapter 22: Summoning Day
Thaddeus's POV:
Pagkatapos ng laban namin ni King Vlad ay umuwi na rin ako sa condo ko at hihiga na sana sa kama nang may nakita akong sulat na may kasamang bote.
"Inumin mo ito, makakatulong ito para maging mortal ka pero may sumpa ito"at tumingin ako sa isang maliit na bote na may itim na likido.
"Para mabali ang sumpa ay dapat mahanap mo ang taong mamahalin ka hanggang kamatayan, siguraduhin mo na magiging responsable ka sa mga gagawin mo" at biglang nawala ang sulat na nasa kamay ko.
Zuri's POV:
"Sa-" pero bago pa man matapos ni Luke ang sasabihin niya ay lumabas na si Hell at sumunod na si James sa kanya kaya tiningnan ko si Cielo pero inilingan niya lang ako.
"Sasabihin ko man lang sana na kung saan tayo magtetraining dahil wala tayong pasok simula ngayon hanggang bago magsummoning day pero lumabas na sila" sabi ni Luke habang nakatayo pa rin.
"Sigurado ako na may pupuntahan yun si Hell kaya tayo-tayo lang ang magkakasama, so....saan tayo pupunta?" tanong ni Silver sa amin kaya nag-isip na kami kung saan.
"Sa gawang dimension mo nalang Cielo para sama-sama tayong magtraining para sa Summoning day" childish na sabi ni Iris kay Cielo kaya walang nagawa si Cielo kundi gumawa ng portal papuntang kung saan.
"Go in" at nanguna nang pumasok yung mga babae kaya sumunod na rin kami pero di namin inaasahan ang sumunod na nangyari.
Nahulog ako sa ibabaw ni Iris at aksidenteng nahalikan siya.....NAHULOG AT NAHALIKAN KO SI IRIS.
Sa sobrang gulat namin ay di kami nakagalaw agad pero agad din akong umalis sa ibabaw niya at pumunta kung saan magtetraining dito sa ginawang dimension ni Cielo, p-pe-pero y-yu-yung la-labi n-niya a-ang l-lambot.
Pearl's POV:
Pagkatapos ng eksena nila ay nauna na si Zuri papunta kung saan kami magtretraining na mababakas pa rin ang gulat sa mukha niya habang naiwan dito si Iris na nakahiga pa rin at nakanganga.
"Hoy! babae, tumayo ka na dyan nagmumukha ka nang tanga dyan na nakanganga" pero tila walang naririnig si Iris sa sinabi ko kaya sinipa na ni Silver ito.
"Ano ba!" inis na sigaw ni Iris na nakatayo na ngayon " anong ano ba! tara na! iniwan na tayo dito oh!" sabay turo ni Silver kila Luke na papunta na kung saan pumunta si Zuri.
"Ay, oo nga pala may training pa pala tayo" sabay tawa niya at inunahan na kami "tingnan mo ito, pagkatapos natin hintayin iiwan nalang tayo" sabay habol na namin ni Silver kay Iris na tulalang naglalakad papuntang talampas kaya pinigilan ko ito.
"Magpapakamatay ka ba talagang babae ka?!" sabay na sigaw namin ni Silver sa kanya "scripted ba yan?" tanong niya sa amin "hindi! kasi wala naman kaming hawak na script" sabi ni Silver.
"Malay niyo pinag-usapan niyo kanina" napatampal nalang ako ng ulo ko gawa ng pagkaslow nitong babaeng ito.
"Tara na nga kanina pa tayo hinihintay ng mga yun" sabi ko tsaka kinalagkad itong babaeng ito, mahirap na baka paglingon namin ay nahulog na ito.
"Aray naman Pearl!" inis na sabi niya sa akin pero binalewala ko lang ito.
Nakarating kami sa pagtetrainingan namin ng nagsisimula na sila, si Liam at Luke nagiisparring si Kai naman at si Cielo nagbabasa ng libro.
Nagsimula na kaming tatlo sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay-bagay na pwede naming tamaan, pinagsama-sama na rin namin ang aming mga kapangyarihan sa paggawa nito para mas mahirap itong sirain.
Silver's POV:
Lumipas ang ilang araw, bumalik na rin kami sa DAA dahil ilang oras nalang at magsisimula na ang Summoning Ceremony.
Ilang minuto nalang at magsisimula na ang Summoning Ceremony pero pinatawag kami ng headmistress kaya nagunahan na kami sa office niya para masaya.
"Guardians, alam kong pumunta pa kayo sa ibang dimension para makapagpractice pero sad to say, di na kayo masummon ng guardian niyo".
"Bakit ganun! nagpakahirap na nga ako eh pero hindi naman pala magsasummon. Huhuhu" heto nanaman si Iris na childish
"Bakit headmistress kami hindi na kailangan magsummon?" tanong ni Liam habang nakatingin kay Pearl. Daming isda sa paligid, hahaha
"Kasi meron na kayong mga guardians" habang tinitingnan niya kami isa't-isa "the dragons" nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Kai at nagtawanan "oo nga pala, hahaha".
"Ang gagawin niyo nalang guardians ay magpalabas kayo ng kapangyarihan sa gitna ng stadium kasama ang mga dragon niyo" at pinaalis na niya kami sa office niya.
"Ano ang gagawin niyo?" tingnan nila ako at sabay-sabay na sinabing
"secret" at tumakbo na sila kung saan-saan."Sama naman nila, tinatanong ko man lang kung ano ang gagawin nila para mamaya" mapunta nalang ako sa kwarto para makapag-isip ng pwedeng gawin.
Luke's POV:
"Max, ano kaya ang pwedeng gawin natin mamaya?" tumingin siya sa akin at ngumiti "magaasaran!" tumawa siya ng malakas, buti nalang at nasa kwarto kami kasi kung hindi pagtitinginan na ito ng mga tao dahil mapagkakamalan itong baliw.
"Alam ko na!" at tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama "alam ko na din!" nagkatinginan kami at sabay sinabi na "maglalabas ng kapangyarihan/magkukulitan!" tiningnan ko naman siya ng masama dahil nagiging makulit na siya pero tumawa lang ang loko.
Pumunta na rin kami sa stadium kasama ang ibang guardians pero di ko pa rin nakikita yung dalawa "uy mga brad, yung dalawa?" tumingin sila sa akin at umiling.
"ARE YOU READY DEVANIANS?" malakas na sigawan ang sinagot nila "i said, ARE YOU READY DEVANIANS?" mas malakas na sigaw ang ibinigay nila kaya nakisigaw na rin kami bukod sa dalawang tahimik.
"Magsisimula na ang ating ceremony na sisimulan ng pagpapalabas ng mga kanilang mga guardians ang Guardian " malakas na hiyawan ang isinigaw nila.
"Uunahin natin ay si......" nakatingin siya sa malayo habang bumubunot sa isang bowl na kulay ginto "Zuri" bumaba na siya habang nagsisigawan ng kung ano-ano ang mga fan girls niya.
Pagkababa niya ay pinalabas niya kaagad si Mike ang kaniyang dragon sa normal form niya at pinapunta ito sa ibaba kaya parang lumindol ng kaunti.
Makalipas ng ilang sandali ay may narinig kaming ungol ng dragon sumunod ang mga maliliit na butas ang nangyayari pero nung tiningnan namin si Zuri ay kampanteng nakatayo lamang siya nakatingin sa ibaba.
May biglang lumalabas na mga bato at parang mukhang falls ito dahil hindi ito tumitigil, ilang sandali ay nawala na yung mga bato at lumabas na si Mike sa human form niya na may hawak na parang mga bomba.
Nagkatinginan silang dalawa at binato ni Mike yung mga bomba at pinagbabato ito ni Zuri nang mga daggers at bawat matamaan ay may lumalabas na mga fireworks.
Ang pinakahuli niyang tinamaan ay sumabog ito ng napakalakas at may mga lumabas na iba't-ibang kulay ng rosas kaya naguunahan ang mga fangirls niya sa pagkuha pero isang rosas ang napukaw ng atensyon ko, at iyon ay ang kulay asul na rosas na nasalo ni Iris na namumula.
Pagkatapos nun ay umakyat na siya at umupo sa pwesto niya kanina. Sumunod ay si Pearl tapos ako, Liam, Silver, Kai, Iris, Cielo, James at Hell, tapos sumunod na yung ibang mga students.
Ang iba ay merong lion, zebra, cobra, depende ang kulay nila sa mahika ng kanilang master.
Umuwi na rin kami para makapagpahinga dahil maraming mahika ang nagamit namin at natulog na.
Hindi ko talaga makakalimutan ang ginawa nila James at Hell dahil sila lang ang bukod tanging sayaw ang ginawa.
Ang sayaw na ginagawa lamang ng mga anghel at santanas.
Sino at ano ba kayo?
-----------End of Chapter 22----------
BINABASA MO ANG
Devil Angels Academy: Fallen Angel
FantasyA girl who is the last Fallen Angel. Borned to be Queen of the Immortal Realm. She's the Queen of the GangKuFiaSsins Underground Society. A noble and a respected student of Devil Angels Academy. All bow down their heads unto her magnificent power. T...