Chapter 21: GangKuFiaSsins Underground Society
Vlad's POV:
Pagkadating namin ay sa madilim na pwesto kami ni Queen tumayo, biglang nagdilim ang paningin ni Queen sa unahan kaya tumingin din ako doon.
Nakita kong may nakaupo sa trono namin at bukod dun ay gayang-gaya ang itsura ng damit namin na sinusuot namin tuwing pupunta kami dito na pang hari at reyna.
Kaya pagkatapos maglaban ng mga naglalaban ay tumalon kami simula dito sa pinaka itaas hanggang sa ibaba.
Gulat ang rumehistro sa mga mukha ng mga gangsters, mafias, yakuzas, at mga assanssins pati na rin ang mga nagrereynareynahan at naghahariharian dito sa GKFS.
Ngunit pinapanatili nila na hindi sila natatakot at pinapakitang wala silang pake sa amin dahil alam nila na hindi sila ang tunay na hari at reyna dito.
"We challenge you to beat us in a battle" sabi ko sa kanina gamit ang malamig kong boses kaya pumutla yung mga mukha nung hari.
"If we win, you will remove your mask" sabi ni Hell gamit ang sweet na tono pero ramdam mo pa rin ang lamig sa likod nito "kung kami naman ang nanalo buhay niyo ang kapalit" sabi naman nung bitch na nagrereynareynahan kay Hell at nagsmirk .
"Deal?" tila nang-aasar na sabi ni queen bitch "deal" sagot ni Hell gamit pa rin ang kanyang sweet na tono meaning nagiging mapanganib na ang mga gagawin niya na isang maling hakbang mo lang ay patay ka na.
"S-s-si-si-simu-" bago pa man ituloy ng announcer ang sasabihin niya ay binatuhan siya ni Hell ng mga daggers kaya dumikit siya sa dingding pero humihinga pa rin naman kahit papaano.
Unang umatake yung mga fake sa amin kaya iniiwasan ko ito "puro iwas ka na lang ba!? lumaban ka nang patas" inis na saad niya sa akin kaya tumigil ako sa pagiwas at sinalo ang suntok niya na tatama sana sa mukha ko.
Nagsmirk ako at binali ang kamay niya "ahhhhh!" sigaw niya na halatang nasasaktan kaya bigla akong natawa.
"Hindi ka naman malakas pero ang lakas ng loob mong agawin ang pwesto na matagal nang akin" sabi ko habang tumatawa pa rin.
Nabigla naman siya sa sinabi ko pero agad din yun nawala "hindi na ako nagpapaloko sa isang katulad mong sinungaling dahil marami na kaming nakalaban na ganyan ang sinasabi pero hindi sila ang tunay na hari at reyna" ako naman ang nabigla ngayon kaya di ko namalayan na sinuntok niya ako sa tiyan kaya medyo sumakit ito.
"Sabi na nga ba eh isa ka ring si-" pero bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya ay sunod-sunod ko na itong sinuntok at sinipa kaya napaubo siya nang dugo.
"May binatbat ka rin pala naman kahit papaano pero di pa rin ako magpapatalo sa isang tulad mo na nagmamagaling" sabi niya habang nagpupunas ng dugo.
Di na ako nakapagtimpi pa at sineryoso ang laban kaya nahihirapan siyang makisabay sa bilis ko at nahihirapan di siyang sanggain ang mga atake ko sa kanya.
"Ano! Ikaw nga itong walang binatbat eh!" sigaw ko sa kanya nung natumba siya dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya.
Pagkatapos ko sa kanya ay tinanggal ko na yung maskara niya pero di na ako nagulat kung sino siya "Thaddeus Erbert Urlwin Granville, a top assassin and a mysterious one because he always wear masks and also a devil in disguise" sabi ko sa kanya gamit ang telepathy kaya nagulat siya "K-K-king V-V-Vlad?!" sabi niya sa akin gamit din ang isip kaya napasmirk ako bigla.
"Sino siya?" sabi nang isang mafia member na halatang interesado sa kanya.
"Bago kaya siya dito?" an Assassin said then looked away.
BINABASA MO ANG
Devil Angels Academy: Fallen Angel
FantasyA girl who is the last Fallen Angel. Borned to be Queen of the Immortal Realm. She's the Queen of the GangKuFiaSsins Underground Society. A noble and a respected student of Devil Angels Academy. All bow down their heads unto her magnificent power. T...