Chapter 15: Desert Hunt
Someone's POV:
"Is my papers ready?" I asked her coldly "yes king... there are just some adjustments that need to be fixed" she replied so I signaled her to leave.
Just wait for me, I will be back for you, Thalia, my love.
3rd Person's POV:
Naghiwa-hiwalay ang magkakaibigan upang mas madali ang kanilang paghahanap dahil medyo malaki ang kanilang hinahanapan ng light gemstone.
Si Zuri sa hilaga, Kai sa silangan, Silver sa kanluran, Pearl sa timog, at yung iba ay sa mga ikalawang direksyon kasama ang kanilang mga dragon.
Si Hell ay naiwan sa gitna at imbis na sa hilagang-silangan siya pumunta ay sa ilalim siya pupunta dahil may nararamdaman siyang presensya at may parang gumagalaw dito.
Kaya pagka-alis ng kanyang mga kasama ay pumunta na siya sa ilalim gamit ang kanyang pagiging sand manipulator.
Pagkababa niya ay tama ang hinala niya, nasa isa siyang maze na may nakasulat na Greek words at symbols at may nakita siyang isang piraso ng papel na may nakaguhit na mapa ngunit putol ito.
Sa harap nito ay may nakasulat na mapa at ang likod naman ay may mga putol na salita, pumunta na siya sa isang direksyon upang mahanap ang iba pang parte ng mapa.
Bumalik na ang magkakaibigan upang ibahagi ang kanilang mga nalaman o nakita at sa gitna ulit sila nagkita-kita pero napansin nila na wala pa si Hell.
Kaya inabangan nila ito dahil nagaalangan sila kung hahanapin pa ba nila nito kahit triple pa ang lakas nito kahit pagsamasamahin ang kanilang mga kapangyarihan.
Hell's POV:
"Give it, now" utos ko sa kanila upang ibigay na ang isang piraso ng mapa para mahanap ko na yung light gemstone at para matapos na kaagad ang misyon na ito upang makatulog na ako sa malambot kong higaan.
Ang totoo niyan ay kaya ko naman na mahanap kaagad yung light gemstone gamit ang mga abilities ko pero ayaw ko dahil walang saya kung gagamit ako ng kapangyarihan.
Iniwasan ko ang mga atake na ibinibigay nila sa akin gamit ang sariling lakas ko, yung hindi ko pa ginagamit ang kapangyarihan ko "just surrender child/your to slow/your not worthy to have the map".
Nginisian nila ako at dahil sobrang nanggigigil na ako sa kanila ginamit ko na ang paborito kong scythe kaya mabilis ko silang natalo.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakbay ko upang mahanap pa ang dalawa pang piraso ng mapa at patamahanap na ang light gemstone.
Ang pangatlong piraso ng mapa ay nahanap ko sa ibabaw ng isang aktibong bulkan na may mga lava meteors pa na lumalabas mula rito kaya iniwasan ko nalang ito at mabilis na kinuha ang mapa.
Ang ika-apat naman na piraso ay nakita kong hawak-hawak ng mga black demons kaya mabilis ko silang hinabol at pinugutan ng ulo kaya naging abo sila.
Pinagsama-sama ko ang mga piraso ng mapa at may isang kakaibang liwanag ang dahilan kaya napapikit ako.
Pagkamulat ko ay nakita ko ang mapa na magkakadikit at ibang lugar ang naandito kaya pinulot ko ito at tiningnan, mapa ito ng Antartica ang dahilan kung bakit uminit ang ulo ko.
"Fuck this stupid map" napamura na lamang ako dahil sa inis, ikaw ba naman ang kanina pang paikot-ikot sa isang maze at ang akala mong mapa para makita ang hinahanap mo sa isang lugar na katulad nito ay mapa pala sa ibang lugar. Bwisit.
Nagpatuloy na lamang ako ng paglalakbay upang mahanap ang gemstone na yun at luckily nakita ko na rin sa wakas.
Nasa gitna ito ng mga suicidal traps, deadly creatures at kung ano-ano pang nakakamatay, I simply walk at madali ko ring iniwasan ang mga bagay na umaatake sa akin.
Lahat ng nadadaanan ko o madadaanan ko pa lamang ay nasisira o namamatay gawa ni Xavier na promoprotekta sa akin at hindi pinapansin na naiirita ako sa ginagawa niya sa akin.
Nang makuha ko na ang gemstone ay pinasakay na ako ni Xavier sa kanyang likod at nagteleport na papunta sa itaas para makipagkita sa kanila.
Nagtransform na muli si Xavier sa pagiging choker at ako naman ay naglalakad papunta sa sasakyan ko.
Nakita ko silang lingon ng lingon kung saan-saan na parang may hinahanap pero hindi ko na lamang sila pinansin, napalingon sa akin si Zuri dahil malamang naramdaman niyang may papalapit kaya tinuro niya ako na kinalingon ng iba.
Tumakbo sila papunta sa akin kaya mabilis kong iniwasan ang mga yakap nila at dumerederetso na lamang papunta sa shotgun seat ng sasakyan ko at nahiga na para matulog, naramdaman ko namang pumasok na sila kaya natulog na ako.
------------End of Chapter 15------------
BINABASA MO ANG
Devil Angels Academy: Fallen Angel
FantasyA girl who is the last Fallen Angel. Borned to be Queen of the Immortal Realm. She's the Queen of the GangKuFiaSsins Underground Society. A noble and a respected student of Devil Angels Academy. All bow down their heads unto her magnificent power. T...