Chapter 20

548 21 0
                                    

Chapter 20: Announcement

Pearl's POV:

Since nung lumipat sina Cielo at James sa dorm namin two weeks ago ay medyo napapalapit na kami sa kanila at may mga nalalaman na rin kami tungkol sa kanila tulad ng kung ano ang kapangyarihan nila.

Kay Cielo ay ang main power niya ay Time at ang abilities niya ay teleportation, invisibility, at ang pinakahuli ay dimension manupilator

Si James naman ay metal manipulator pero magaling siya dahil bihasa na ang paggamit niya nito dahil daw simula pagkabata pa lamang niya ay inaaral na daw niya ito.

Yun pa lamang ang nalalaman namin, medyo nagiging suspicious ako sa kanila dahil kung tinatanong namin silang tatlo tungkol sa past nila ay bigla na lamang nila binabago ang usapan para bang may malaking tinatago.

Nasa room na kami ngayon hinihintay ang una naming prof. ngayong umaga pero medyo natagalan ata kaya as usual.

Sina Silver at Luke ang nangunguna sa kaingayan, kinukulit naman ni Iris si Zuri na kunyaring naiinis pero nasasayahan dahil pinapansin siya ni Iris.

Pasimpleng sulyapan nina Kai at Cielo, kung sumusulyap si Kai iiwas si Cielo kung si Cielo naman ay iiwas si Kai di nalang kasi mag-aminan, si Hell naman ay natutulog sa likod, si James naman ay, di ko ba alam kung tulog yan o sadyang nakapikit lang.

Last but not the least ang katabi kong malandi ay nakikipaglandian sa dalawa niyang fans na malandi, bitch, whore, hipon, slut, LAHATIN NIYO NA PARA DI KO NA ISA-ISAHIN.

Pero paki ko ba kung ano ang gawin niya sa buhay niya WALA AKONG PAKE KASI WALA NAMANG KAMI.

Vlad's POV:

Habang pinakikinggang ko ang kaingayan nila na aabot na sa kabilang mundo ay pinakikiramdaman ko rin ang paligid kasi may mga nararamdaman ako na tinatagong aura ng black demons, oo black demons dahil kahit anong higpit mo sa sekuridad ng isang lugar ay may mga makakalusot pa rin dito.

May nararamdaman akong aurang paparating, ito na siguro yung professor namin para sa first subject ngayong umaga.

"Good morning class" kaya agad na bumati yung mga stupidyante bukod sa Guardians at kaming tatlo, wala kasing good sa morning kung ang ingay ng mga kasama mo sa klase.

"We all know na gaganapin ang Summoning day next wee-" bago pa naman matapos ni Mr. professor ang sasabihin niya ay tumili ng malakas ang mga stupidents. Bwisit sila.

"Quiet class!" sigaw ni prof. pero parang walang naririnig ang mga stupidyante kaya sa sobrang inis ko ay gumawa ako ng katana (since metal power naman ang gagamitin ko) at hinagis yun sa harap na lumikha ng malakas na ingay kasi sa bakal ko siya pinatama kaya yun tumahimik sila.

"Gagawin natin ang summoning day next week kung saan maaari niyo nang isummon kung ano ang magiging guardian o makakasama niyo hanggang sa pagtanda niyo".

"Maaaring malakas ang makuha niyo pagtama ang ginawa niyong mga hakbang at pwede ring malakas ang makuha niyo dahil malakas kayo".

"Wala na rin kayong pasok simula ngayon hanggan bago mag summoning day para madami pa kayong time magplano kung ano ang gagawin niyo, class dismissed".

Pagkatapos ng mahabang speech niya ay lumabas na rin siya kasabay ng unahan ng mga stupidyante lumabas dito sa room.

"Sa-" pero bago pa matapos ni Luke ang sasabihin niya ay lumabas na si Queen kaya sumunod na ako sa kanya dahil ang prize na gusto niya ay maging sunod-sunuran niya ako.

"Go to my room at exactly 12:00pm and wear your GKFS attire" tumango na ako kaya nagteleport na sya.

Papunta ako ng cafeteria para kumain ng tanghalian kasi 11:03am palang, habang dumadaan ako sa hallway, yung mga nakasalubong ko ay either tatabi sila o kaya naman ay yuyuko.

Nakakatakot pala ako pero mas mabuti na yun para di ako lapitan ng mga stupidyante na maiingay at nakakabwisit ng buhay.

Pagkatapos kong kumain ay nagtake out na rin ako para kay Queen at pagtingin ko sa orasan ay 11:50pm na kaya nagteleport na ako papunta sa kwarto ko at nagbihis, baka malintikan pa ako kay Queen pagnagkataon.

Kumatok na ako sa kwarto niya at binuksan niya ito suot na ang kayang
pang Queen sa Gangkufiassins Underground Society o mas kilalang GKFS.

Gumawa ng portal si Queen kaya pumasok na kami dito at pagkalabas namin ay bumungad ang maingay na sigawan ng mga tao sa loob.

Welcome back to us.

------------End of Chapter 20------------

Devil Angels Academy: Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon