Chapter 26

397 21 2
                                    

Chapter 26: First Kiss

Silver's POV:

Nakaka dalawang hakbang pa lamang ako ay nagulat ako nang hilahin niya ako at halikan. My first kiss from my first love.

"Mahal din kita Silver, simula noong una tayong magkakilala, akala ko nga ako lang ang may nararamdaman sa ating dalawa, akala ko nga kayo na ni Zuri dahil sa sobrang kasweetan niyo sa isa't-isa, pero madami talagang namamatay sa maling akala".

Mga salitang binitawan niya na mas napaiyak sa akin, hindi dahil sa lungkot o galit kundi sa saya.

"Kaya tahan na, wag ka nang umiyak" pero di pa rin ako tumigil dahil sa sayang nararamdaman ko

"Sige ka, iiyak din ako pag hindi ka tumigil" nagkukunyaring umiiyak na siya kaya napalo ko na lamang siya ng mahina.

"Ano, saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin habang kami ay naglalakad papunta sa kung saan "sa amusement park nalang tayo Luke" at nagsimula na kaming maglakad papunta sa amusement park.

BEST DAY EVER!

Nang nasa amusement park na kami ay sinakyan namin ang iba't-ibang rides at naglaro ng mga games dito, pero si Luke ay gusto sa mga pambatang rides kaya nagbanggaan na naman kami.

May nabangga ako lalaki kaya humingi ako ng paumanhin dito "sorry po di ko sinasa-" napatigil ako ng pagsasaluta dahil sumingit si Luke "anong di sinasadya!"

"Di naman talaga eh ikaw kaya itong kanina pa akong kinukulit na dun sa mga pangbata na rides ang sasakyan!" ganti ko sa kanya.

"Anong ako! Ikaw kaya yung pumipilit na dun sumakay!" nagbabanggaan na naman kami ni Luke kaya hindi ko na pinansin yung nabangga ko "bahala ka na nga sa buhay mo!" inis na saad ko "bahala na talaga ako sa buhay ko sinasabi ko bang ikaw ang bahala sa buhay ko?" bara ni Luke sa akin, pagtripan ko kaya ang bakulaw na ito.

"Sana di na ako umamin at tinanggap ang nararamdaman para sa akin ng isang katulad mong maingay at walang ibang ginawa kung hindi kulitin at asarin ako."

Bigla nalang ako tumakbo pero bago yun ay tumingin ako doon sa dalwang magkasama na nakabangga ko at tama ang hinala ko.

Nagkunyaring umiiyak ako kaya naramdaman kong hinabol ako ni Luke papunta dito sa bench na malayo dun sa nabangga ko.

"Sorry na Silver" bigla naman akong napatawa ng malakas dahil sa sinabi ni Luke "hi-hindi ka ga-galit?" nagtataka niyang tanong sa akin.

"Bakit naman ako magagalit kung pinagtritripan lang kita" natatawa ko pang saad sa kanya "tsaka ginawa ko yun para makita ang reaksiyon nung dalawa."

"Bakit mo naman gustong makita ang reaksyon nung dalawa na hindi natin kilala?" tanong niya sa akin "hindi nga ba?" pang-aasar ko sa kanya.

"Sino sila?" seryosong tanong niya kaya nagseryoso din ako "secret" seryoso kong sagot dahilan ng pagtawa ko ng malakas dahil sa naging reaksyon ni Luke.

"Sino nga!" medyo naiinis na niyang tanong kaya sinabi ko na "si Kai at Cielo" kaya napaltan ang reaksyon niya galing sa naiinis papunta sa nababaliw dahil tawa ng tawa.

"Kaya pala may tinitingnan ka kanina pa Silver" natatawa niya pa ring saad, makalipas ang ilang oras ay napagdesisyunan na namin bumalik kaya bumalik na kami.

"Silver pikit ka may surprise ako sa iyo" ginawa ko nalang ang sinabi niya kasi mahilig ako sa surprises, nagulat na lamang ako ng halikan niya ako pero nakapikit pa rin ako.

May naramdaman akong nakalagay sa leeg ko kaya tiningnan ko iyon "ito.... ito yung kwintas na gustong-gusto ko" bigla ko nalang siya niyakap "thank you, thank you talaga Luke, I love you so much."

Masaya niya akong tiningnan ng maghiwalay kami sa pagyayakapan "I love you most Silver" at ang mga sumunod na nangyari ay hinatid na niya ako sa kwarto naming mga babae.

Pearl's POV:

"Ano ba kasi! bitawan mo nga ako! susunod naman ako, kaya wag mo na akong hilahin!" sigaw ko sa bwisit na lalaking ito habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin.

Paano ba naman kasi, may lumapit lang na lalaki sa akin kanina upang ipaabot yung towel niya na nasa tabi ko.

Iniabot ko naman sa kanya pero bago ko yun nagawa ay lumapit na ang lalaking ito, tinamaan ata ng magaling dahil bigla nalang sinuntok yung lalaki at bigla akong hinila paalis doon.

"Bitawan mo na nga sabi ako!" ngunit parang hindi niya ako narinig dahil patuloy pa rin sila sa paglalakad papunta kung saan at patuloy pa rin siya sa pagmumura ng mahina ngunit sapat na iyon para marinig ko.

Tumigil kami sa isang malaking bato at umupo siya dito kaya tumabi na ako sa kanya para umupo, kung nagtataka kayo kung bakit ako umupo sa tabi ng lalaking ito ay yun man lang ay dahil..... aba!, nakakangalay kayang tumayo.

Pinanood ko lamang ang tubig, mapayapa ito, sobrang mapayapa.
Nang tumingin ako sa direksiyon niya upang malaman kung humihinga pa siya kasi kanina pa siya tahimik, ay ang bagay na hindi ko dapat ginawa.

Na-nagkadikit ang aming mga labi, nakatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata pero siya ay isang malambot na expresiyon lamang habang nakatingin sa akin.

Maya-maya ay nagsimulang gumalaw ang kanyang mga labi ngunit ako ay nanatiling gulat ang reaksiyon, parang statwa na hindi gumagalaw na mas lalong kinalambot ng expresiyon niya.

Humiwalay na rin siya at tumingin sa papalubog na araw pero ako ay nanatiling nakatingin sa kanya "sapat na ba iyon para sabihin ang nararamdaman ko sa iyo Pearl?"

Tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin sa papalubog na araw, ngunit parang napipi ako dahil hindi ako makapagsalita, napabuntong hininga na lamang siya

"Alam mo ba kung bakit palagi kitang inaasar at kinukulit makalipas ang ilang araw ng pagkikita natin? dahil lang naman yun sa gusto kong malaman kung bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nagkikita tayo."

"Ng makumpirma ko na may gusto ako sa iyo ay aaminin ko na sana kung hindi ko lang nalaman na man hater ka."

Tumawa siya pero ramdam ko pa rin ang sakit na nararamdaman niya mas lalo na at nagsimula nang pumatak ang kanyang mga luha.

Jindi ko pa rin mahanap ang lakas ng loob para makapagsalita kaya nanatili na lamang akong tahimik.

"Pinilit kong iwasan at alisin ang nararamdaman ko para sa iyo kasi ayokong masaktan kaya palagi akong may mga kasamang babae pero wala din nangyari, parang may sariling isip ang katawan ko at mata ko dahil palaging nasa iyo ang atensyon."

"Bawat araw na lumilipas, akala ko unti-unti na itong nawawala ngunit nagkamali ako, mas lalo itong lumalala, bawat araw, bawat oras, bawat minuto, bawat segundo ilaw lang ang nasa isip ko."

"Akala ko nga nababaliw na ako, kasi palaging ikaw na ang hanap ko pero hindi pa pala, medyo nasa katinuan pa ako" at tumawa siya muli, paano siya nakakapagbiro ngayon kung ganito ang eksena.

"Hindi ko nga alam kung bakit biglang umiba ang ugali ko simula noong nagkita tayo, dati wala akong pake sa mga tao sa mundo pero ngayon, nagiging possessive na ako" patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.

"Alam ko naman Pearl na hindi mo kayang ibalik sa akin ang nararamdaman ko kaya ako nalang ang magaadjust para sa iyo" tumayo na siya at humarap sa akin kay kitang-kita ko ang mga namumula niyang mga mata.

"Simula ngayon lalayo na ako sa iyo, hindi na kita kukulitin, guguluhin o kahit ano pa, kaya paalam na Pearl, ang Liam na makikita mo simula bukas ay iba na."

"Pero pwede ba akong humingi ng isang kahilingan, isang goodbye wish?" tanong niya sa akin, tumango na lamang ako dahil hindi ko na maramdaman ang halo-halong emosyon na bumubuo sa akin.

"Pwede ba kitang mayakap?" tumango ako kaya niyakap niya ako "goodbye Pearl" at mas lalo niya pa itong hinigpitan at ilang segundo ang nakalilipas ay bumitaw na siya at umalis na walang paalam.

Di ko alam pero may naramdaman akong tumutulo sa aking pisngi kaya tiningnan ko ito, isa itong luha at nagtuloy-tuloy na iyon hanggang sa inabot ako ng gabi sa bato na yun kaya bumalik na ako sa kwarto namin at dumerederetso sa kama at doon nagsimulang umiyak.

----------------End of Chapter 26----------------

Devil Angels Academy: Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon