Chapter 27

382 18 2
                                    

Chapter 27: I Love You

Zuri's POV:

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa may dalampasigan upang magpahangin kasi wala rin naman akong ginagawa at gagawin sa kwarto namin kaya bakit pa ako mananatili doon.

Nagmumuni muni ako ng biglang nabasa ang sando kong puti kaya mabilis na uminit ang ulo ko "ano ba ang problema niyo!" natakot naman ang dalawang babae sa pagsigaw ko sa kanila kaya sorry sila ng sorry pero wala akong pakialam.

"Sorry po talaga, di po namin sinasadya na mabasa kayo" paghihinging paumanhin ng babae na nasa harapan ko pero imbes na maawa ako ay mas lalong uminit ang ulo ko dahil kanina pa sila sorry ng sorry, nakakabingi na.

"Hindi ko tinatanggap ang mga walang kwenta niyong sorry! anong magagawa ng sorry niyo sa damit kong nabasa!" galit na sabi ko kaya halos umiyak na yung mga bwisit na babae na nasa harapan ko, kaunting pasensya nalang ang natitira sa akin kaya kung umiyak pa yang dalawang yan, sapak ang makukuha nila sa akin.

"Lalaki! humingi ng sorry yung mga babae galit ka pa, mabuti nga at nagsorry pa kesa sa hindi" sigaw sa akin ng isang babae na kanina ko pa nararamdaman na nasa likuran namin at nakikinig, napalingon ako dito kaagad dahil sobrang inis na ako at may masasapak na talaga ako.

"At sino ka na- Silver?" napatigil ako ng saglit dahil si Silver ang nasa harapan ko "sorry talaga mga babae dahil sinungitan kayo ng kaibigan ko" paghihingi paumanhin niya doon sa dalawang babaeng paiyak na "a-ayos la-lang" sagot nila.

Hinatak ako ni Silver palayo doon sa mga babae na masasapak ko na kung di lang siya dumating "grabe ka naman Zuri, simpleng bagay, pinapalaki" pangungulit ni Silver sa akin.

"Kasi ba naman Silver, basain ba naman ang sando ko, nabakat tuloy ang 8 pack abs ko" nagpout ako kaya nagkunyari siyang nasusuka "grabe ka naman Silver sa akin totoo naman eh" mas lalo akong nagpout "wag kang magpout mukha kang pato" kaya napatawa na lamang kami. Pagtripan ko kaya.

"Silver" tawag ko sa kanya at bigla ko siyang iniharap sa akin "ano?" tanong niya sa akin "wag kang malikot" tapos unti-unti kong nilalapit ang mukha ko sa mukha niya na kinablush niya. Mga babae nga naman.

"May muta ka pa" kaya pinagpapalo niya ako habang ako ay tawa lamang ng tawa "walang hiya ka talaga Zuri" at naghabulan na kami dito sa dalampasigan.

Nang mapagod kami ay naupo na kami na magkatalikod sa isa't-isa "bess, anong oras na pala" tanong niya sa akin kaya tiningnan ko na ang relo ko habang hinihingal pa rin.

"9:30 na Silver" sagot ko sa kanya "huh? bakit wala pa si Luke dito, sabi niya 8:30 kami magkita" tumayo na siya kaya tumayo na rin ako "si Iris din wala pa, asan kaya yung dalawa".

Nagsimula na kaming maghanap dito sa beach nang may narinig kaming nagtatawanan na pamilyar ang mga boses kaya napalingon kami dito.

Nakita namin si Luke na naka-akbay kay Iris at nagkakatuwaan pa, ang sakit, ang sakit palang makita ang mahal mo na may kasamang iba at masaya pa sila, may biglang naka-alpas na luha sa mata ko kaya dali-dali kong pinunasan at pinaltan ko ng galit ang expresyon ko, galit dahil may nararamdaman akong galit sa puso ko kaya pinabayaan ko na lamang.

Habang papalapit na sila sa amin ay masaya pa rin sila pero nang tumapat na sila sa amin ay naging seryoso kaagad ang kanilang expresyon "tinitingin-tingin niyo?" mayabang na tanong ni Luke na kinainis ko.

Akmang susugudin na ko na si Luke dahil sobrang naiines ako sa kanya ng pinigilan ako ni Silver kaya hinatak niya si Luke papunta sa kung saan man.

Naiwan kami ni Iris dito na magkatitigan kaya tinitigan ko siya, nakita kong may bahid na lungkot ang kanyang mga mata kaya medyo lumambot ang aking expresyon na kinaiwas niya ng tingin.

Devil Angels Academy: Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon