Chapter 30: Warning
Hell's POV:
Nagising ako bago pa man sumikat ang araw kaya nagjogging ako palibot ng resort at ginawa ko na rin ang mga morning rituals ko pagkatapos nito.
Nang matapos na ako sa mga ginawa ko ay pumunta na ako sa kusina upang maggayak ng almusalan namin ng maramdaman kong may paparating.
"Magluluto ka Hell ng almusalan" tanong niya habang kumikinang pa ang mga mata niya at parang bata na nakatingin sa mga gamit.
"Wanna help?" pumunta siya agad sa tabi ko at nagsimula nang magprepare para sa kanyang gagawin.
Nagsimula na akong magluto ng sunny-side eggs, bacon, sausages, at fried rice. Nang matapos na ako sa mga ginagawa ko ay napatingin na lamang ako kay Cielo na hirap na hirap gumawa ng macaroons kaya tinulungan ko na ito.
Makalipas ang isang oras ay natapos na rin kami sa aming ginagawa at sa di inaasahang pangyayari ay natabig niya ang mixing bowl kaya nakalikha ito ng malakas na ingay "Clumsy as ever" medyo natatawang saad ko.
"Naalala mo pa ba Hell noong mga bata pa tayo" tanong niya habang kinukuha ang natabig niyang mixing bowl "yeah" sabi ko habang inaalala ang nangyari noong mga bata pa kami.
Naandito kami ngayon sa kusina ng kaharian, nagbabatuhan ng harina at naghahabulan kami ni Cielo kaya ang mga tao dito ay di mapigilan na mapatawa sa ginagawa naming dalawa.
"Tamaan mo naman ako Hell, di mo ako matamatamaan kasi" at dinilaan niya ako "nah, you're the one who can't hit me".
Nainis siya kaya binatuhan niya ako ng mga kamatis na nasa tabi niya "irritated are we?" at nagbatuhan na kami ng mga kamatis kaya mas lalong nagtawanan ang mga taong nasa paligid namin.
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" biglang dumating si Mommy kaya napayuko kami ni Cielo kasama ang ibang mga tauhan dito, akala namin magagalit si Mommy pero kabaligtaran pala
"Bakit hindi niyo man lang sinasabi sa akin na may food war dito?" at nagbatuhan na kami ng mga kamatis, eggs, flour kasama ang mga tauhan na naandun.
"Akala ko talaga noon na pagagalitan tayo ni Tita dahil sa ginawa natin pero makikisali lang naman pala" natawa siya sa kanyang sinabi at ako di maiwasang mapangiti sa kanyang sinabi.
Naghain na rin kami ni Cielo na sakto para sa aming sampu "wake the boys up" at lumabas na siya sa kwarto namin kaya ako pumunta sa bedroom at gnising yung mga babae.
Noong una ayaw pa nila bumangon pero nung sinabi ko na nagluto ako agad silang bumangon at nagunahan sa banyo.
Ilang minuto ang lumipas ng bumalik na si Cielo kasama ang mga lalaki at saktong pagkadating nila ay ang paglabas ng mga babae mula sa banyo, yung totoo, naligo ba talaga sila at sobrang bilis?
"Kainan na!" at nag-unahan na silang umupo sa mga upuan na nakapalibot sa lamesa at naiwan kami ni Vlad na napailing na lamang sa kanila.
"Ang sarap mo talagang magluto Hell!" masayang saad ni Iris habang kumukuha pa ng ulam "kaya nga! turuan mo naman ako" at nagpupppy eyes sa akin si Silver "ako rin Hell please!" sabay na saad nina Pearl at Iris.
"Ask Cielo, she baked the macaroons" napatingin sa akin bigla si Cielo ng masama kaya nginisian ko na lamang ito.
"Pwede ba Cielo?" napatingin sa kanya yung tatlo "fine" at nagtatalon na sa tuwa yung tatlo kaya napatawa na lamang sila.
Sila na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan tutal sila naman ang halos kumain ng mga niluto namin ni Cielo.
Pumunta ako sa terrace upag magpahangin ng may napansin akong kulay puting paru-paru na papunta sa direksyon ko.
Nang nakalapag ito sa palad ko ay bigla ito naging sulat at biglang nawala kaya napatakbo na ako papunta sa sala upang sabihin sa kanila ang nabasa ko "we need to go back NOW!" napatingin sila sa akin na may halong pagtataka ang mukha.
"Bakit Hell?" tanong sa akin ni Kai "Black Demons are attacking the academy" gumawa kaagad ng portal si Cielo at agad silang nagsipagpasok dito.
"Maraming salamat sa inyong kaagad na pagdating mga Guardians kahit hindi pa tapos ang inyong bakasyon" masaya ngunit may bakas ng lungkot na saad nang Headmistress nang makita namin siya sa may mga dorms na tinutuluyan ng mga studyante "ayos lang, nasaan ang mga kalaban?" tanong ni Zuri.
"Sa ngayon ay nasa harapan sila ng academya at sinisira ang barrier kaya ang ibang mga Professors ay pinapatibay ang barrier, ang iba naman ay nilalabanan ang mga kalaban habang ang mga studyante naman ay nasa kani-kanilang dorms at binabantayan ng ibang mga professors para masiguro ang kaligtasan nila" mahabang saad niya.
"Maraming salamat sa impormasyon Headmistress" pasasalamat ni Luke "walang anuman, mag-iingat kayo" tumakbo na sila papunta sa labas ng akademya kaya nagteleport na kaming tatlo nina Cielo at Vlad.
Lahat nila pinalabas ang kani-kanilang mga dragon at sinugod ng sabay-sabay ang mga kalaban na madadaanan nila.
"Bakit ganun parang hindi sila nauubos?" tanong ni Liam habang iniiwasan ang mga atake na gaing sa kalaban "wag nalang tayong panghinaan ng loob" pangpapalakas ng loob na saad ni Kai.
Pinalabas ko na rin si Xavier pero ang kulay niya na gamit ay hindi ung tunay niya na kulay ang kulay ginto dahil mas lalo aong paghihinalaan ng mga kasama ko, ganun din si Vlad, pinalabas niya si Xia katulad ni Xavier, hindi ang tunay na kulay ni Xia ang gamit niya.
"Kill them all" utos ko kay Xavier na kaagad niyang sinunod. Malapit na naming mapatay ang mga kalaban na dapat kanina pa mga patay kung ginamit lang namin ni Vlad ang tunay namin na lakas which is hindi dahil nga paghihinalaan kami kaya medyo natagalan kami.
May mga natira ngunit hindi sila umaatake sa amin "consider this as a warning" saad ng nasa unahan ng mga ito at may biglang lumabas na itim na usok at bigla na lamang sila nawala na parang bula, bumalik na rin ang mga dragon nila sa pagiging tattoo at ang amin naman ay naging accessory.
"Wa-warning? ibig ba-bang sabi-sabihin ma-may pa-parating p-pa?" paputol-putol na tanong ni Iris na bakas ang takot sa kanyang mga mata "shhh" pagpapakalma sa kanya ni Zuri habang yakap-yakap ito.
"Ayyiiieee! ano yan?! may dapat ba kaming malaman?" mapang-asar na tanong nina Luke at Silver, sinamaan na lamang sila ng tingin ni Zuri.
"Baka kami ang may dapat malaman sa inyong dalawa! bakit magkaholding hands kayo?" mapang asar na tanong din ni Iris. Diba naiiyak ito kanina bakit nangungulit na agad?
Napatingin naman si Luke at Silver sa isa't-isa at nagsamaan ng tingin "wag ka ngang chansing kumag ka!" sigaw ni Silver kay Luke.
"Wow ha! ako pa ngayon ang chansing habang ikaw nga yung kaninang halos yakapin na ako sa takot" at magsisimula na sana ang World War kung hindi lang sana umalis si Liam.
"Problema nun?" takang tanong ni Luke at tiningnan si Pearl "may nangyari bang masama Pearl kahapon?" tanong ni Iris kay Pearl
"WALA!" at umalis na lamang din ito bigla "uso ba magwalk out ngayon?" nang walang sumagot sa tanong ni Silver ay nagwalk out na rin ito "hintayin mo ako Pilak!" hinabol ito ni Luke.
"Una na kami" umalis na rin sina Zuri at Iris. Naiwan kaming apat dito sa labas na umiiling na lamang dahil sa mga palabas na ginagawa nila "para silang mga bata" natatawang saad ni Kai "kaya nga" pagsang-ayon dito ni Cielo.
Umalis na rin ako doon at humiga na sa kama ko upang makapagpahinga na at gusto ko na ring matulog kahit umaga pa lang at kahit mga ilang oras pa lang nakalipas simula ng magising ako. That's life I guess?
----------------End of Chapter 30----------------
BINABASA MO ANG
Devil Angels Academy: Fallen Angel
FantasyA girl who is the last Fallen Angel. Borned to be Queen of the Immortal Realm. She's the Queen of the GangKuFiaSsins Underground Society. A noble and a respected student of Devil Angels Academy. All bow down their heads unto her magnificent power. T...