Chapter 35 (Part1): Sports Everywhere
Silver's POV:
"Ang sakit pa rin ng katawan ko" napahiga na lamang ulit ako sa kama ko dito sa kwarto dahil sobrang sakit pa ng katawan ko pagkatapos namin asikasuhin ang booth namin.
"Lumabas ka na dyan Silver at kakain na nang agahan" nakinig kong sigaw ni Pearl sa labas ng kwarto ko habang kumakatok "sige, susunod na lang ako" sigaw ko pabalik "ikaw bahala" narinig kong may mga yabag na papalayo sa kwarto ko.
Bumaba na rin ako pagkatapos kong maligo at suotin ang jersey ko na damit na ipinamahagi na sa amin kahapon para mamaya sa sports ko na lalaruan.
Pagkababa ko ay nakita ko silang kumakain na ng agahan at yung iba ay patapos ng kumain "gayak ka na pala Silver akala ko hindi ka na babangon sa higaan mo" heto nanaman siya, nang-aasar na naman.
Tahimik na lamang akong naglakad sa hapag-kainan upang kumain at nilampasan siya kaya napa-tsk na lamang siya. Uso ba ngayon ang tsk at tss?
"Alis na ako, may practice pa kami bago magsimula ang game, bye bye" kumaway na sa amin si Iris "sama na ako Iris" kinuha na ni Liam ang mga kailangan niyang dalhin "sama na rin ako" sumunod na si Luke sa kanila at umalis na rin.
Makalipas ang isang oras ay tumayo na rin si Cielo kaya nilapitan ko ito at sinabi na "sabay na tayong tatlo Cielo tutal magkakalapit man lang ang mga lugar kung saan tayo maglalaro" tumango si Cielo sa akin kaya lumapit na rin sina Kai, Pearl at Zuri sa amin at na teleport kami papunta sa field.
"Thank you Cielo" pasasalamat ko sa kanya bago ako umalis doon at pumunta sa lugar kung saan ako maglalaro at nag simula na mag warm-up dahil naandun na ang mga makakalaban ko at dahil malapit na ring magsimula ang laro.
Sinuot ko na rin ang mga gamit ko sa larong ito at hinintay na pumito ang field captain na naka assign sa amin ng mga kalaban ko.
3rd Person's POV:
Pumunta si Iris sa isang volleyball court habang suot-suot ang jersey niya na kulay white na may kaunting black na may number four sa likod.
Nang makarating siya dito ay kitang-kita niya ang mga kateam niya na kulay black na may kaunting white ang suot, kabaligtaran ng suot niyang damit.
"Libero namin! practice na tayo" may halong kulit na saad ng team captain nila "ok captain" tumakbo na siya papunta sa mga kagrupo niya at nag simula na silang magpractice hanggang sa pumito na ang referee, signal na magsisimula na ang unang laro nila laban sa ibang akademya.
Si Liam ay pumunta sa isang soccer field at nagsimula na silang magpractice, si Liam ay isa sa mga strikers dahil mabilis siyang tumakbo at malakas din ito.
Nagsipagdatingan na rin ang mga kalaban nila noong nasa kalagitnaan sila ng practice kaya itinigil nila ito at pumunta na ang referee sa gitna at pumito. Hudyat na magsisimula na ang laro.
Habang si Luke naman ay pumunta sa isang basketball court malapit lamang sa volleyball court, nang makarating siya dito ay isang sigaw kaagad ang narinig niya "bilisan mo na!" sigaw ng coach nila.
Tumakbo na si Luke papunta sa court at bago pa sila magsimula ng practice ay pinagalitan muna ng coach ng basketball team si Luke "ikaw pa naman ang captain ball ng grupong ito, ikaw pa ang laging huli dumating!" isa sa mga binanggit nito.
Maganda ang naging daloy ng practice nila Luke hanggang sa may dumating na mga studyante galing sa ibang akademya at pumito na rin ang referee.
Isinuot na ni Silver ang mga gamit na gagamitin niya sa Archery katulad ng armguard, chestguard, quiver na may laman na mga arrows, finger tab at iba pa.
Kinuha na niya rin ang bow niya at pumunta sa shooting line ng pumito ng dalawang beses ang field captain nila, nang pumito ito ng isa ay nagsimula na siyang maglagay ng isang arrow sa string ng kanyang bow at hinatak ito papunta sa ibaba ng kanyang baba.
Tumingin siyang maigi sa kanyang target gamit ang kanyang sight at pinakawalan ang arrow at saktong bull's eye ito.
Sa kabilang banda naman kung nasaan si Cielo, ay nakasakay ito sa isang kabayo kung saan kailangan niyang manalo sa isang paunahan makapunta sa finish line. In other words, equestrian ang laro na pinili niya.
Nakasakay siya sa isang white na may pagkasilver hair na kabayo the way she like it at nagsisimula na silang ipakilala ng announcer.
Pumwesto na siya sa isang starting gate at hinintay bumukas ang gate pati na rin ang signal ng referee, nang nagsignal na ito at bumukas na rin ang gate ay agad niyang pinatakbo ang kanyang kabayo.
Pumasok si Kai sa isang kulay itim na Hennessey Venom F5 at isinuot ang kanyang helmet pati ang mga kailangan pa niyang suotin para sakaling maaksidente siya.
May pumuntang isang magandang babae sa harapan ng mga kotse, ngumiti ito at itinaas ang maliit na flag na hawak nito, nang ibinababa ng babae na nasa harapan nila ang flag na hawak nito ay nagsimula ng magpatakbo ng sasakyan si Kai na ngayon ay nangunguna sa kanyang mga kalaban.
Nagpalit na si Pearl ng swimming attire niya at pumunta na sa gilid ng swimming pool na paglalaruan niya ng mga kalaban niya.
Naghanda na si Pearl dahil magsisimula na ang kanyang laban sa swimming, pumwesto na siya at ng pumito na ang referee ay nagdive na siya sa tubig at nagsimula nang lumangoy ng mabilis.
Isinuot na ni Zuri ang kanyang body armor, gloves at iba pa dahil magsisimula na ang laban niya sa taekwondo.
Tiningnan niya ang kanyang kalaban habang nakafighting stance at agad na sinipa ito sa ulo ngunit naiwasan ito ng kalaban niya ngunit plano niya talaga iyon kaya tinornado kick niya ito at dahil sa hindi inaasahan ng kanyang kalaban ang atake niyang ito, natamaan ang kalaban niya nito.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Devil Angels Academy: Fallen Angel
FantasyA girl who is the last Fallen Angel. Borned to be Queen of the Immortal Realm. She's the Queen of the GangKuFiaSsins Underground Society. A noble and a respected student of Devil Angels Academy. All bow down their heads unto her magnificent power. T...