Chapter 35 (Part2)

251 11 1
                                    

Chapter 35 (Part2): Sports Everywhere

3rd Person's POV:

Kitang-kita ang naiibang kulay ng damit ng isang manlalaro sa volleyball court kung saan kasalukuyang may nagaganap na palaro doon.

Kabaligtaran ang kulay ng suot niyang damit sa mga kasama niya sa isang bahagi ng court, itong manlalaro na ito ay walang iba kung hindi si Iris.

Mainit ang nagiging laban ng mga grupo ng mga manlalaro mula sa ibang akademya at sa grupo nila Iris sa larong nagaganap pero nananatili pa rin ang mas laang na puntos sa grupo nila Iris hanggang sa may nangyaring hindi nila inaasahan.

"Stephanie!" napatakbo na lamang ang mga kagrupo ni Iris kasama na siya at ang coach nila papunta sa kagrupo nilang natamaan sa mukha kaya dumugo ang ilong nito at nahimatay bigla dahil malakas ang naging palo ng kalaban nila na ngayo'y nakangisi sa kanila.

Isang malaking kawalan iyon sa grupo nila Iris mas lalo't captain ball pa naman si Stephanie at dahil na rin ay isang mabuting captain ito sa kanila kaya hindi nila maiwasan na hindi malungkot dahil sa nangyari.

Agad ring pumunta ang ilang healers at ibang staffs papunta kila Iris at inilagay si Stephanie sa isang higaan na kulay puti na may gulong sa ibaba at nagteleport sila papunta sa infirmary upang gamutin ito.

Pumito na muli ang referee kaya nagsimula na muli ang kanilang laban, simula ng nawala ang kanilang team captain, nagbago ang aura na nakapalibot kay Iris.

Mula sa makulit at childish na aura na nakapalibot kay Iris, naging malamig at nakakapangilabot ang aura na nakapalibot dito, patunay na nagseseryoso na si Iris.

Itinapon ng kabilang grupo na ngayon ay magseserve ang bola sa ere at tumalon upang hampasin ito, agad na ni receive ito Iris at pinapunta sa setter nila.

Pumunta sa unahan ang ace spiker at nakahanda nang tumalon upang ispike ang bola pati na rin ang mga blockers ng kabilang grupo upang iblock ang bola ngunit nagulat ang lahat bukod sa grupo nila Iris ng drinop ball ng setter ng grupo nila ang bola.

Tanging bagsak lamang ng bola ang maririnig sa volleyball court hanggang sa nagsalita ng walang emosyon si Iris "simula pa lang yan" at nagsigawan ang mga tao na nasa loob ng vollyball court.

Habang naglalaban ang grupo ng manlalaro sa volleyball ay naglalaban din ang mga manlalaro ng soccer sa isang field.

"PASS!" maririnig mo ang malakas na sigaw ng isang lalaking nakakulay dilaw at kulay kahel ang damit sa isa niyang kasamahan na kasalukuyang tumatakbo papunta sa kabilang bahagi ng field na may sinisipang bola.

Agad itong sinunod ng kanyang kasamahan niya kaya ipinasa ito sa kanya ang bola at ng malapit na sila sa goal line ay sisipain na niya sana ito ng may biglang umagaw sa kanya ng bola, "damn" mura pa nito habang hinahabol ang lalaking umagaw sa kanya ng bola.

Ang lalaking umagaw sa kanya ng bola ay isang binatang naka kulay itim at puting jersey na ngayo'y tumatakbo papunta sa kabilang bahagi ng field.

"GET HIM!" malakas na sigaw ng lalaking kanina lamang ay nagmura sa kanyang mga kasamahan, at ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi ang lalaking umagaw sa kanya ng bola, si Liam.

Napatawa na lamang si Liam dahil sa naging reaksyon ng kanyang kalaban na kinatili ng mga babaeng nanonood ng kanilang laban.

At dahil sa angking bilis ni Liam dahil siya ang tagapag hawak ng kapangyarihang kuryente, nahihirapan ang mga kalaban niya na makipagsabayan sa kanya kahit pa gumamit sila ng kanilang mga kapangyarihan.

Nang malapit na si Liam sa goal post ay agad na naghanda ang goalkeeper doon upang saluhin ang tira ni Liam, hinaluan ni Liam ng kaunting kuryente ang bola kaya parang umiilaw ito.

Nang sisipain na niya sana ito ay may biglang may lumabas na batong pader kaya nakaharang ito sa goal pero ngumisi lang si Liam at sinipa ng pagkalakas lakas ang bola at nagkaroon ng malaking butas sa pader at pumito ang referee.

Nginisian ni Liam ang mga kalaban nito at nagdirty finger sa team captain ng kalaban nila kaya sinamaan siya nito ng tingin na mas lalo niyang kinangisi kaya napatili muli ng malakas ang mga babaeng nasa paligid.

Malakas naman na sigawan ang maririnig mo mula sa basketball court, pumito ang referee kasi nagtimeout ang coach ng isang grupo ng manlalaro kaya pumunta ang magkabiang grupo ng manlalaro sa kanilang mga pwesto.

Makikita mo ang isang lalaking nakaupo sa bench na tumatagaktak ang pawis habang sunod-sunod ang lagok sa hawak niyang bote na may lamang tubig.

Napatingin siya sa orasan malapit sa kanya at ng malaman niyang malapit ng matapos ang timeout ay tumayo na siya at babalik na sana sa court kung hindi lang siya tinawag ng coach nila kaya agad siyang lumapit dito.

"Bakit coach?" tanong niya dito kaya sinamaan siya ng tingin ng tinatawag niyang coach "anong bakit?! Ayos ayusin mo ang paglalaro mo Mr. Savero! Baka ikaw pa ang dahilan ng pagkatalo niyo!".

Halos pumutok na ang ugat niya sa leeg pero tumungo lamang ang tinatawag niyang Mr. Savero na walang iba kundi si Luke na ngayo'y pinipigilan ang sarili na huwag tumawa.

Pumito na rin ang ang referee kaya tumayo na ang mga kasamahan niya at pumunta na sa court kasama siya na nagpipigil ng tawa kaya nagmumukha siyang may mental illness.

"Nagmumukha kang tanga diyan Luke!" pang-aasar sa kanya ng team captain ng kabilang grupo na nakabantay sa kanya.

"Pinaka tanga ka sa lahat! Wag kang magpapatalo" pang-aasar pabalik ni Luke habang nakangisi kaya hindi napansin ng kabilang team captain na nawala na si Luke sa paningin niya at huli na siya ng namalayan niya yun, naishoot na ni Luke ang bola at 3-pointer ang kinalabasan nun.

Lumapit si Luke sa ngayon ay nanggagalaiti sa galit na team captain ng kabilang grupo habang nakangisi ng nakakaloko "diba, tama ang sinabi ko, ikaw ang PINAKA TANGA sa lahat!".

Diniinan pa nito ang pagkakabigkas sa pinaka tanga kaya mas lalong nagalit ang kabilang team captain "bwisit kang hayop ka Luke" mahinang bigkas ng kabilang team captain.

"Maghintay ka lang, baka di mo namalayan, natalo na pala kita" nakangising nakakaloko na saad ng kabilang team captain kaya nacreepehan ang mga kagrupo niya.

Kasalukuyang kinukuha ni Silver ang kanyang mga palaso mula sa target board na kanyang dapat patamaan, at ng makuha na niya ang mga palaso niya ay lumingon na siya upang bumalik sa shooting area.

Pumito na muli ang field captain ng dalawang beses kaya pumunta na sa shooting line si Silver at ng pumito muli ito ng isa ay nagsimula na itong maglagay ng palaso sa kanyang pana.

Ito ang kanilang 3rd set sa elimination round kaya ang magiging score nilang walo ay ang magdedesisyon kung sino-sino ang maglalaban sa semi-finals at sa finals.

Sa girls division lang ang sinalihan ni Silver kaya hindi masyadong marami ang makakalaban niya at isa pa doon ay 90 meters ang layo ng target nila mula sa kanila.

Hinila muli ni Silver ang kanyang pana at nakakabit na doon ang huli niyang palaso sa set na ito at ng pinakawalan niya ito ay tumama ito sa kulay dilaw na bilog na ikalawa ang pwesto mula sa gitna.

"Wanna ride?" tumingin si Silver sa isang babaeng nasa loob ng isang kulay bughaw na bubble na nakangiti sa kanya at tulad niya, may quiver ito sa kanyang bewang.

"Sure! why not" pumasok na rin si Silver sa loob ng bubble at lumipad sila papunta sa target boards, masaya silang nagkwekwentuhan tungkol sa kung ano-ano.

Kakatapos lang ng semi-finals at ng nalaman nila na sila ang magkalaban sa finals round ay nag good luck sila sa isa't-isa at nagsimula na silang magpakawala ng palaso.

To be continued.....

Devil Angels Academy: Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon