Chapter 25: My Feelings for You
Luke's POV:
Kasalukuyan akong naglalakad papunta kila Silver na kwarto, ng nasa tapat na ako nito ay kakatok sana ako ng mapansin ko itong nakaawang.
Nakita ko si Iris na nakatingin sa bintana kaya naglakad ako papunta dito "Iris nasaan si Sil- ano nangyari sa iyo? bakit ka umiiyak? sinong may gawa?" sunod-sunod at natatarantang mga tanong ko sa kanya.
Pinaka iingatan kasi namin sa grupo ay si Iris kasi masyado siyang iyakin at siya rin ang pinaka bata sa grupo na ito kaya we treat her like a gem.
"Anong nangyari nga nangyari sa iyo Iris bakit ka umiiyak?" tanong ko muli sa kanya pero imbis na magsalita siya ay may itinuro lamang siya sa bintana kaya tumingin ako dito.
Nagulat nalang ako ng makita si Silver at si Zuri na magkasama at di lang yun magkaHOLDING HANDS PA SILA AT TUMATAWA, parang..... parang may naramdaman akong kirot sa may dibdib ko.
Nakatingin lang kami ni Iris sa kanila at nagulat na lang ako ng iharap ni Zuri si Silver sa kanya at nilapit ang kanyang mukha dito na parang hinalikan kaya iniharang ko ang kurtina para di na namin sila makita.
Mas lalong sumakit ang kirot sa dibdib ko at mas lalong lumakas ang hagugol ni Iris.
Kinuha ko ang kamay ni Iris at pinunasan ang mga luhang pumapatak pumapatak sa kanyang mga mata gamit ang panyo ko.
"Ayos lang yan Iris, baka hindi talaga siya ang para sa iyo" hinalikan ko ang noo niya at niyakap siya ng mahigpit.
Nang makatahan na siya ay nagpaalam na ako sa kanya na magpapalit ng shirt kasi nabasa na dahil sa kakaiyak niya sa akin pero di siya pumayag kaya sinama ko na siya at mabuti naman walang tao sa kwarto namin kaya iniwan ko na siya sa may sala at binigyan ng makakain.
Pagkatapos kong magpalit ay sinama ko na siya papunta sa ibaba para makapaglibot-libot. Siya nalang ang isasama ko dahil BUSY yung dapat kong kasama.
Tumingin ako sa relo ko at napanisin na 8:30 na, ang oras na pinag-usapan namin ni Silver na magkikita kami sa may dalampasigan pero alam ko namang hindi yun sasama, magkasama ba naman sila ni Zuri at di lang yun, magkahalikan pa kaya bahala na siya dun.
Silver's POV:
Kasalukuyan akong naglalakad dahil napa-aga ang gising ko para sa lakad namin mamayang 8:30 ni Luke at dahil wala pa siya ay nakatambay ako dito sa may dalampasigan nang may bigla akong nakitang mga babaeng sorry ng sorry sa isang lalaki kaya nilapitan ko ito.
"Sorry po talaga, di po namin sinasadya na mabasa kayo" paghihinging paumanhin ng isang babae dun sa lalaki na nakatalikod sa akin.
"Hindi ko tinatanggap ang mga walang kwenta niyong sorry! Anong magagawa ng sorry niyo sa damit kong nabasa!" galit na sabi nung lalaki na parang pamilyar yung boses, halos umiyak na yung dalawang babae kaya tinawag ko yung lalaki baka makasapak na kasi.
"Lalaki! humingi ng sorry yung mga babae galit ka pa, mabuti nga at nagsorry pa kesa sa hindi" sigaw ko sa kanya dahilan ng mapalingon ito sa akin.
"At sino ka na- Silver?" napatigil siya ng saglit, sabi na nga eh, si Zuri "Sorry talaga mga babae dahil sinungitan kayo ng kaibigan ko" paghihingi paumanhin ko dun sa dalawang babae na paiyak na "a-ayos la-lang" sagot nila.
Hinatak ko na si Zuri paalis dun baka makasapak na kasi "grabe ka naman Zuri, simpleng bagay, pinapalaki" pangungulit ko sa bestfriend ko na mainitin ang ulo.
"Kasi ba naman Silver, basain ba naman ang sando ko, nabakat tuloy ang 8 pack abs ko" nagpout pa siya kaya nagkunyari akong nasusuka "grabe ka naman Silver sa akin totoo naman eh" mas lalo siyang nagpout "wag kang magpout mukha kang pato" kaya napatawa na lamang kami.
"Silver" tawag niya sa akin at bigla niya akong hinarap sa kanya "ano?" tanong ko sa kanya "wag kang malikot" tapos unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
"May muta ka pa" kaya pinagpapalo ko siya "walang hiya ka talaga Zuri" at naghabulan na kami dito sa dalampasigan.
Nang mapagod kami ay naupo na kami na magkatalikod sa isa't-isa "bess, anong oras na pala" medyo umiinit na kasi.
"9:30 na Silver" sagot niya sa akin "huh? bakit wala pa si Luke dito, sabi niya 8:30 kami magkita" kaya tumayo na ako "si Iris din wala pa, asan kaya yung dalawa".
Nagsimula na kaming maghanap dito sa beach nang may narinig kaming nagtatawanan na pamilyar ang mga boses kaya napalingon kami dito.
Nakita namin si Luke na naka-akbay kay Iris at nagkakatuwaan pa, parang nadurog ang puso ko sa nakikita ko at may naramdaman akong galit na bumubuo sa aking sarili kaya napatingin ako kay Zuri, nakita kong may nakaalpas na luha mula sa kanyang mata na dali-dali niyang pinunasan at napaltan ng galit rin ang kanyang expresyon.
Nung malapit na sila sa amin ay biglang napaltan ang expresyon nila mula sa masaya papunta sa seryoso "tinitingin-tingin niyo?" mayabang na tanong ni Luke na mas lalong kinagalit ko.
Akmang susugudin na ni Zuri si Luke ng pinigilan ko ito kaya hinatak ko si Luke papunta sa dulo ng dalampasigan at binitawan rin nung makarating na.
"Ano ba ang problema mo?" tanong niya sa akin "naghintay lang naman ako ng isang oras sa dalampasigan kakahintay sa iyo kasama si bess na naghihintay din kay Iris" sarcastic na sabi ko sa kanya.
"Pake ko kung naghintay ka este KAYO ni Zuri sa amin tsaka mukhang enjoy na enjoy naman kayo, why bother na magpakita ako este KAMI sa iyo" sarcastic din niyang sagot na mas lalong dumurog sa puso ko.
"Nakita pa nga namin ni Iris na nagkakatuwaan kayo at hindi lang yun NAGHALIKAN PA KAYO" bigla ko na lamang siyang nasampal kasabay ng pagbuhos ng luha ko na kinabali ng leeg niya at mas lalong siyang nagmukhang walang pake sa akin.
"Tapos ngayon ikaw pa ang magagalit sa akin" sigaw niya sa akin "Sana pala hindi nalang kita minahal para hindi na ako umasa na mamahalin mo ako, sana pala pinigilan ko na noong una palang ang nararamdaman ko sa iyo pero hindi eh, mas lalo itong lumala" pinag-susuntok ko siya sa dibdib habang siya naman ay pilit na alalayan ako.
"Bitawan mo nga ako!" pero ayaw niya akong pakawalan hanggang sa nanghina na ako at pinabayaan na lamang siya na alalayan ako.
"Siguro kailangan na kitang pakawalan kasi sobrang sakit na, sobrang nasaktan na ako ng dahil sa'yo ng dahil nagpakatanga ako sa iyo, kaya paalam na Luke, kahit na umaasa pa rin ako na mamahalin mo ako" inalis ko na ang pagkaka-alalay niya sa akin at nagsimula nang humakbang palayo.
----------------End of Chapter 25----------------
BINABASA MO ANG
Devil Angels Academy: Fallen Angel
FantasiA girl who is the last Fallen Angel. Borned to be Queen of the Immortal Realm. She's the Queen of the GangKuFiaSsins Underground Society. A noble and a respected student of Devil Angels Academy. All bow down their heads unto her magnificent power. T...