Chapter 23: Vacation
Cielo's POV:
Ilang linggo na ang nakalipas simula noong ginawa nina Hell at Vlad yung Dance of the Angel at Dance of the Devil na pang anghel o santanas lamang dahil kung hindi ka anghel o santanas ay mamamatay ka.
Madaming nagulat nung ginawa nilang dalawa ang sayaw na ito at talagang nagrequest pa yung dalawa kung pwede silang magsabay kaya yun magkasabay silang magperform.
Nung una nag-iingay ang mga stupidyante dahil nakatayo lang sila sa harap pero nung nagsimula sila biglang tahimik at nganga sila eh, kaunti nalang pasukan ng langaw para magising sa katotohanan nung natapos na sila.
Habang nagtuturo ang boring namin na teacher sa History ata ay nag-iingay ang mga stupidyante dito o kaya naman ay naglalampungan, sarap sigawan kaso masasayang lang ang laway ko kasi di rin sila makikinig.
Pagkatapos ng boring na discussion ay nagbell na kaya pumunta na kami sa cafeteria ng sabay-sabay kaya kung hindi titili ang mga babae o kaya naman ay sisigaw ang mga lalaki ay tatabi nalang sila sa daan.
Hindi ba sila napapaos sa mga pinaggagawa nila sa buhay nila? pero di nalang nila dapat inaaksaya ang oras nila sa pagpapaganda/pagpapagwapo sa sarili nila kahit hindi naman talaga sila maganda/gwapo kahit back-to-back pa.
"See you tomorrow class" umalis na ang professor namin sa boring class ata? "attention to all Guardians" nakinig kami sa susunod na sasabihin nung nasa speaker.
"Please go to the headmistress's office, again please go to the headmistress's office" nagunahan sila na pumunta sa office at yung iba naman ay gumamit na nang kapangyarihan nila, hyper palagi sila.
Nang makarating kami doon ay humanap na kami ng upuan para makaupo na rin kami. Lumabas na ang Headmistress at tumayo sa harap.
"Kaya ko pinatawag kayong lahat ay sa kadahilanang bakasyon na kayo simula ngayon hanggang next week kumbaga ay isang linggo ang bakasyon niyo dahil sunod-sunod ang mga pinapagawa ko sa inyong mga missions kaya magempake na kayo para makaalis na rin kayo" tumakbo na sila palabas ng office kaya sumunod na ako sa kanila.
Pagkarating namin sa dorm ay nagsipasukan na sila sa kani-kanilang kwarto at saktong pagkapasok nila ay ang pagkalabas ni Hell sa kanyang kwarto habang nasa ulo niya si Xavier.
Bumaba siya at pumunta sa kusina kaya nagempake na rin ako ng mga kailangan kong mga gamit sa kwarto.
Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na rin ako dala ang isang maleta at pinakain ko na rin si Eonie para di magutom at pinabalik sa accessory form niya na ring, kulay silver siya na dragon ang itsura.
Pagkababa ko ay nagsisunuran na rin ang iba kaya nagsalita na ako"handa na ba ang lahat?" tumango naman sila kaya nagteleport na kami papunta sa gate kung saan naghihintay si head magsasayang lang kasi ng oras kung maglalakad pa kami o kaya naman ay kung tatakbo.
"Tandaan niyo guardians wag na wag kayong gagamit ng kapangyarihan sa Mortal Realm, gagamit lamang kayo nito kung kinakailangan" pumasok na kami sa portal at pagkalabas namin ay sa isang beach kami napunta.
Nagcheck-in muna kami at nagbayad upang makapagpalit na at makapagpahinga pero ewan ko lang sa mga yun parang gusto na atang lumangoy parang di nahilo sa portal eh.
Oo kahit ako, inaamin ko na nahihilo pa rin ako sa mga portal kahit na kapangyarihan ko rin ay ang gumawa ng portal patungo sa iba't-ibang dimensions.
"Dalian niyo na dali! Swimming na tayo, ganda pati ng panahon, pang sunbathing at swimming dali!" pagmamadali sa amin nina Pearl, Iris, at ni Silver "kayo nalang, ayaw ko".
Tumingin naman sila kay Hell na nagmemeditate "no thanks" kaya tumungo na lamang sila at naglakad paalis, i know na gustong-gusto nila kaming makasama kaya pinilit ko nalang si Hell na sumama sa baba kahit magbasa na lamang siya ng libro kasi yun din ang gagawin ko.
Lucky me napilit ko siya kaya nagpalit na siya sa kanyang bathing suit at same goes with me kaya sabay na kaming bumaba.
Pagkababa namin ay nakita namin na may mga nagkukumpulang mga tao mapalalaki man o babae sa isang sulok kaya napailing nalang kami ni Hell.
Sumingit kami sa mga nagkukumpulang mga tao at halos mga bitch, whore, slut, hipon, clown sa mga babae at mga casanova, player, manyak, fuckboy naman sa mga lalaki, nagalit pa nga yung mga babae dahil sumingit kami sa kanila.
Pagkarating namin sa harap ay nakita namin na nagtatampisaw na sila sa dagat kasama yung mga lalaki bukod kina Kai at Vlad na naka higa lang sa upuan na tinatakpan ng mga malalaking payong kaya nakiupo na rin kami sa kanila.
Makalipas ang maghapon ay napagdesisyonan namin na magcampfire kaya kumanta kami ng kung ano-ano at nagkwentuhan.
"Ano na gagawin natin?" napatingin kami kay Leo kasi bigla nalang nagsalita "pagusapan nalang natin kung ano ang gagawin bukas" sumang-ayon naman sila pero tiningnan ko si Liam dahil nakaramdam ako ng may masamang mangyayari dahil nakangisi siya ng nakakaloko.
"May naisip ako na pwede nating gawin bukas" tumawa pa siya na parang baliw " at ano naman yun aber?" nakataas na kilay na tanong ni Pearl "bunutan".
Nagtatakang tumingin kami sa kanya "kung magkaparehas na kulay sa loob ng papel ang nakuha ay yung dalawang yun ay magkasama bukas ng maghapon, ang rule ay wala dapat aangal kung sino man ang makakasama bukas dahil kung aangal ay dadagdagan ang araw na magkasama sila.........deal ba?".
Pumayag ako at ang iba pa sa kanyang munting laro kaya nagsimula na siyang gumawa nang mga papel, halatang planado niya to ahh....... magdadaya yan, gusto niya sigurong magkakasama yung mga ano.
.........basta."Bunot na" tumawa nanaman siya ng pangbaliw at nagsimula na kaming magbunotan, una siya sunod si Zuri, Luke, Kai, Vlad, Iris, ako, Hell, Pearl, at ang huli ay si Silver.
"Buksan na natin in 3......2......1" pagkabukas ko ng akin ay color pink ang nakuha ko "pink" sabay na sabi namin Leo kaya medyo nagkatitigan kami sa isa't isa ng ilang sekundo pero una na akong umiwas.
"Sino ang blue diyan?" tanong ni Silver "baka ako" napatingin kami sa kanya "wehhh, di nga" panghahamon ni Silver "maniwala" kulit naman nitong dalwang to "ano nga? blue ka ba talaga?" medyo naiinis na tanong ni Silver "di ako blue, di mo ba yan makita(sabay turo niya sa balat niya)puti yan PUTI".
Bago pa na mag-away yung dalawa ay pinutol ko na "si Silver at si Luke ang magkasama bukas, next?" tiningnan ko sila at nagsalita na si Pearl "sino naman diyan ang nakakuha ng black na kulay" tumawa nanaman siya.
Biglang tumayo si Pearl at nilapitan si Liam at pinagsasapak kaya wantosawa kami sa kakatawa pati nga si Hell at Vlad ngumiti pero saglit lang yon.
"Bwisit kang lalaki ka! nangdaya ka! hinayupak kang hayop ka!" hindi sana siya titigil at mananahimik sa tabi kung di lang sinabi ni Liam na "ehem! rule" at tumawa nanaman ang loko.
"Sino ang pula ang nakuha diyan" tanong ni Zuri sa amin "ako" taas kamay na sagot ni Iris kaya medyo napangisi si Zuri pero bigla rin yung nawala nung tiningnan ko siya.
"I guess na puti ang nakuha niyong dalawa" sabay-sabay na sabi naming lahat "tss/tsk" sagot lamang nila at nagwalk-out na.
Umakyat na rin kami at natulog pero di pa rin ako makaget-over na siya ang makakasama ko bukas.
It's a big day tomorrow kaya kailangan ko nang magpahinga.
------------Chapter 23-------------
BINABASA MO ANG
Devil Angels Academy: Fallen Angel
FantasyA girl who is the last Fallen Angel. Borned to be Queen of the Immortal Realm. She's the Queen of the GangKuFiaSsins Underground Society. A noble and a respected student of Devil Angels Academy. All bow down their heads unto her magnificent power. T...