Chapter 16: New Power
Hell's POV:
"You can now sleep" pagkasabi ko nun ay agad silang nagpasalamat at nagsipagtakbuhan papunta sa mga kwarto nila kasi antok na antok na sila, ikaw ba naman ang dire-diretsong maglakbay na wala pang tulog.
Umakyat na rin ako sa kwarto ko dito sa mansion.
Nagising ako ng 12 midnight at dahil hindi ako makatulog ay pumunta ako sa GKFS suot-suot ang pangreyna ko na damit at sinuot ko na rin ang aking maskara.
Pagkadating ko doon ay maingay ang paligid, may mga nagsisigawan, naghihiyawan at kung ano-ano pa.
Nakita kong may mga naglalaban sa gitna pero nagdirediretso lang ako papunta sa trono ko kaya napatigil ang mga naglalaban at ang mga nag-iingay ay biglang nanahimik kaya naging intense ang atmosphere ng paligid pero pinabayaan ko lamang sila.
Nang nakaupo na ako ay nanatili silang tahimik na parang takot gumawa ng ingay kaya nagsalita na ako "continue" nagsimula na uli ang paglalaban ng nasa arena upang tumaas ang kanilang ranggo.
Nang maboring na ako ay hinamon ko silang lahat na makipaglaban sa akin pero syempre dapat may prize kasi pagwala, wala talagang makikipaglaban sa akin.
Ang prize lang naman ay kung sino man na grupo o individual ang mabibigyan ako ng sugat, hiwa, galos, tama, sa akin ay papataasin ko ang ranggo nila pero iba-iba ang pagpapataas ko sa ranggo nila, depende kung malala ba ang natamo ko galing sa kanya o kanila.
Madaming sumubok pero wala halos nakasakit sa akin bukod sa mga top assassins, gangsters, mafias, at, yakuzas kaya umalis na rin ako pagkatapos nang huling tumanggap ng hamon ko dahil naiinip na ako at medyo inaantok na rin ako.
Naligo na ako at nagpalit na ng pantulog dahil 2:30 am na, maaga pa naman ako bukas gawa ng misyon namin.
Gumising ako ng maaga para maihanda na ang sarili para sa paghahanap ng gemstone ng may biglang may nagsalita sa utak ko.
"Hell" boses nila Cloudette, Aqua at, Sunny "yes?" tanong ko sa kanila habang kumakain kasama si Xavier.
"Punta ka dito may mahalaga kaming sasabihin" kaya gumawa na ako ng portal papunta sa kanila at nagbilin kay Xavier tungkol sa misyon ng mga kasama ko at sa pagpunta ko sa Gods ang Goddesses Land.
"Welcome back Hell" at ngumiti sila ng matamis sa akin.
Xavier's POV:
Master left me, naiwan tuloy ako sa mga kasamahan niya na nasa isang mansion na gawa ni Master galing sa yelo niya, malaki, maaliwalas sa loob at di kami nilalamig dahil sa apoy ni Kai.
Nasa ibaba ako sa dinning table umiinom ng kape at kumakain ng cake dahil nga kakaalis lang ni Master at kumakain pa ako nang biglang nakinig kong isa-isa nang lumalabas sa mga kwarto nila ang mga kasamahan niya at bumaba na.
"Xavier si Hell?" agarang tanong nila "gone somewhere" sagot ko sa kanila na kinatango nila "I'll be going, and also after eating breakfast you can start the mission" ayoko kasing sumama sa mga misyon kung di naman kasama si Master.
Pagkatapos ko yun sabihin sa kanila ay pumunta na ako sa kwarto ni master, at humiga na sa kama. Patulog na sana ako ng may naalala ako.
Iris's POV:
Halos malibot na namin ang buong Antarctica pero di pa rin namin mahanap-hanap ang darkness gemstone o kaya ay clue nito.
Nasa isang parte kami ng Antarctica ng may narinig kaming paparating kaya inihanda namin ang mga sarili namin baka kasi isa itong kalaban.
Si Xavier lang pala with his original form at may inabot siya kay Kai na isang pirasong papel at umalis na rin kaya sinundan na lamang namin si Kai kung saan siya pupunta dahil isa daw itong mapa.
Nasa ilalim kami ngayong ng Antarctica dahil dumaan lami sa isang kwebang nakatago kaya di namin agad napansin.
Nang nakita namin ang gemstone na napapalubutan ng mga yeti ay gumamit na ako ng windwalk kaya di ako napapansin at di nagigising ang mga yeti.
Pagkatapos namin makuha ay bumalik na rin kami sa mansion at ang nadatan namin pagpasok ay ang mga dragon na nagpaparty, naglalaro, nag-iinuman, wait.... ANO NAGIINUMAN si baby Vivi ko.
Si Hell at Xavier ay wala dito kaya nakisaya na kami sa mga dragon habang hinihintay yung dalawa.
Hell's POV:
Nag-eensayo kami ngayon para mas lalong mahasa ang paggamit ko sa bago kong kapangyarihan, ang kapangyarihan ng anghel o mas kilala sa tawag na Angel Power.
Ineensayo rin namin ang paggising sa isang dragon na nasa isang mahimbing na tulog, kung si Xavier ay mula sa isang dragon egg, siya naman ay nasa malayo at mapayapang lugar na, in other words, nasa Heaven siya.
At dahil masyado na akong hasa sa paggamit ng mga kapangyarihan ko at magaling din akong matuto, madali ko itong naggawa ng ayos kaya natulog na ako.
Nagising ako ay nakahiga na ako sa kama ko dito sa Antartica, tineleport na siguro ako nila Terro.
Naramdaman ko naman na may katabi ako kaya tiningnan ko ito, nakita ko naman si xavier na mahimbing na natutulog kaya pinabayaan ko na siya.
Bumaba na rin ako at pumunta sa kusina upang kumain ng hapunan. Nakita ko naman sila na nakihiga sa sofa, sahig at yung iba naman ay nakaupo sa upuan pero pake ko ba.
Ginising ko na rin sila pagkatapos kong kumain upang makabalik na kaagad kami sa DAA at maibigay na kay headmistress yung mga gemstones.
Ginamit ko na yung portal na ibinigay ni head sa akin at nauna na sa kanila kasi inaantok pa talaga ako at nagteleport na pagkarating.
Ibinigay ko na kay head yung mga gemstones at nagteleport na sa kwarto upang matulog ulit.
----------End of Chapter 16-----------
BINABASA MO ANG
Devil Angels Academy: Fallen Angel
FantasyA girl who is the last Fallen Angel. Borned to be Queen of the Immortal Realm. She's the Queen of the GangKuFiaSsins Underground Society. A noble and a respected student of Devil Angels Academy. All bow down their heads unto her magnificent power. T...