"Nanay..."
Nagising ako sa haplos ni Angel. Minulat ko ang aking mga mata upang masilayan ang maganda nitong mukha. She is really an Angel.
Ang amo ng kanyang mukha,ang kanyang mga mata ay nagniningning sa kulay abo,matangos na ilong at mahahabang pilikmata. Mala gatas na kutis at kulay lupa na buhok.
"Good morning Angel..." Bati ko sa kanya at hinalikan ang kanyang leeg. Humagikhik ito, nakikiliti talaga into sa leeg. Dito ko madalas ito halikan upang marinig ko ang kanyang malutong na hagikhik.
"Kanina ka pa ba gising?" Anong ko dito.
"Opo,nanay. Kanina pa Kita pinagmamasdan, ang Ganda mo nanay." Sabi nito at yumakap sa akin.
"Mas maganda ang Angel ko..."
"Sige na nga pareho Tayo, hihi." Humagikhik uli ito.
Gustong gusto ko talaga ang hagikhik at tawa nito,napapawi lahat ng paghihirap ko. Gaano man ka gastos magkaroon ng anak na may sakit tulad niya,hindi parin matutularan ang sayang hatid nito sa akin.
Limang taon na si Angel, before I had her I was a messirable like hell. I was a prisoner by my own relatives since I was seven. Sa pagkakatanda ko buhay prinsesa ako dati bago na ambush ang mga magulang ko.
I was abused, mentally, physically and emotionally. Hindi nila ako pinaaral,hindi pinapalabas at ginawang alipin sa sarili Kong bahay. Natutu ako ng mga bagay sa pamamagitan ng pakikinig sa radyo at TV na nabubuksan ko lang din kapag wala ang aking tiyahin at tiyuhin. Kapag hindi ko nakuha ang gusto nilang pinagagawa sa akin ay sinasaktan ako ng aking tiyuhin at hindi pinapalabas ng silid,ibig sabihin wala din akong Kain buong araw. Hanggang sa natutu akong magtabi ng mga pagkaing hindi madaling mapanis. Tinatago ko ito sa likod ng aparador upang hindi nila makita kapag nag iinspeksyon sila sa silid ko. Hanggang sa nag labing walong taong gulang ako, may pilit silang pinapapirmahan sa akin na hindi ko sinunud kaya bininta nila ako sa pinagkakautangan nilang tao. Ginawa nila akong kabayaran ng kanilang utang.
Noong una ay hindi ko alam Kung ano ang gagawin ko doon sa silid ng hotel. Binihisan, inayusan at pinakain ng masarap na tila ito na ang huli Kong pagkakataon. Pgkatapos noon ay may pinainom sila sa akin na ikinahihina ko. May dumating na lalaki, siguro sa tantya ko ay mga pitong taon ang tanda nito sa akin. Noong una ay pinagmasdan niya lang ako at pinagmasdan ko din siya. Hanggang sa pinaghubad niya ako at pinasayaw, ang Sabi niya ay paliligayahin ko siya kaya natakot na ako. Nang hindi ako tumalima sa sinabi niya ay pinunit nito ang damit na suot ko pati ang mga undies ko. I'm all naked in front of him crying, begging not to touch me. Pero hayop siya, pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko at kinuha sa akin ang pinakaiingatan ko.
Nang gabing iyun wala akong ibang hinangad kundi ang mamatay nalang, Paulit ulit niya akong binaboy kahit pa umiiyak ako buong magdamag habang ito ay parang lion na gutom na gutom. Nagkalat ang dugo sa boung Kama, para akong patay na buhay habang nilalapa niya. Kaya hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha niya.
Kahit masakit ang buo Kong katawan ay pinilit Kong tumakas. Sinoot ko ang polo nito at ang kanyang boxers. Kahit pinagtitinginan ako ng mga tao ay dahil talagang kalunos lunos ang sinapit ko ngunit ni isa ay walang tumulong sa akin. Ang kanilang tingin ay mapanghusga at nandidiri.
Lakad takbo ang ginawa ko upang makalayo lang sa lalaking iyun at sa aking mga kamag anak na walang mga kaluluwa. Hanggang sa naubusan na ako ng lakas at nahimatay sa daan. Inisip ko nalang na sana ay malalagutan na ako ng hininga tutal ay wala na akong pamilya at pati ang mundo ay pinagkaisahan ako. Ngunit isang matanda ang tumulong sa akin, dinamitan at ginamot ako.
Ilang araw akong hindi makausap ng matino,tulala at ayaw kumain. Na dehydrated ako kaya dinala nila ako sa ospital. Doon ay ayaw ko ng gumising at lahat ng gamot ay hindi ko iniinom at nagwawala ako minsan. Isang sampal ang nagpamulat sa akin muli.
Si Monique, anak ito ng matandang tumulong sa akin.
"Ang kapal naman yata ng mukha mo,wala na ngang oras para sa akin si nanay dahil ikaw ang inuuna niya tapos ito pa igaganti mo? Mahirap lang kami kaya kailangan din namin na kumayod kaya wag kang pabigat!" Galit nitong Sabi.
"Hindi ko naman sinabi na tulungan niyo ako, gusto ko na ngang mamatay!" Umiiyak Kong sabi.
"Hindi sulusyon ang pagpapakamatay, dahil Kung magpapakamatay ka sa impiyerno ang bagsak mo! Mas mahirap at mas masakit doon.kaya mamili ka, dahil handa kaming tulungan ka Kung tutulungan mo din ang sarili mo." Sabi nito.
"Bakit niyo ginagawa sa akin ito?"
"Dahil hindi kami masamang Tao at may konsensya kami. Kung sino man ang may gawa nito sayo hindi sila Tao."
Tama siya hindi nga siguro mga Tao ang mga kamag anak ko. Pera ng daddy ko lang ang nais nila. Possible nga din na sila ang nagpapa ambush dito. Mga halang ang kaluluwa nila lalo na ang lalaking bumaboy sa akin.
Unti Unti Kong ginapang ang sarili ko upang makabangon sa tulong ni Monique at ng nanay niya. Ngunit Kung kailan pa ako muling nakatayo ay nalaman Kong buntis ako. Muling gumuho ang mundo ko. Wala akong Alam sa mundo pero binigyan ako ng responsibilidad sa maling pagkakataon. Ilang beses ko itong tinangkang ipalaglag ngunit palagi akong napipigilan ni Monique at ng nanay niya.
"Ining hindi kasalanan ng bata ang na nabuhay siya sa ganitong pagkakataon. At hindi niya kasalanan ang kasalanan ng ama niya sayo. Ang bawat bata ay biyaya, tandaan mo yan." Sabi ng nanay ni Monique.
Hindi pa rin ako nakinig sa kanila, naging pabaya ako at hindi sinunud ang mga payo ng mga doctor ng baranggay sa akin. Nagtrabaho ako bilang tindira sa isang kainan doon sa looban na tinitirhan nila Monique. Oo isang skwater area pero doon ko nakuha ang kalayaan ko. Minsan nga ay tumatagay ako ng alak kahit malaki na ang tiyan ko kaya nasisita ako palage ng mga taga roon.
Hanggang sa napa aga ang panganganak ko, pitong buwan pa lang ito ay nilabas ko na siya. At doon ako nagsisi sa kapabayaan ko,hindi ko pa man ito nahawakan ay isinugod na ito sa ER dahil mahina ang puso nito. Awang awa akong nakatingin sa anak ko sa incubator na may nakasaksak na oxygen at ibang life support.
Wala akong kwentang Tao, wala akong pinagkaiba sa aking mga kamag anak. Sarili Kong anak ay pinahamak ko. Hindi masukat ang pagsisisi ko sa ginawa ko,Tama si nanay Lilia walang kasalanan ang anak ko sa kasalanan ng mga taong sinisisi ko sa sinapit ko. Kaya mula sa araw na iyun ay pinangako kong gagawin ko ang lahat bumuti lang ang lagay ng anak ko. Kaya napunta ako sa ganitong trabaho, wala naman kasi akong pinag aralan. Ngunit may mukha at katawan naman akong pwedeng pagkakakitaan Sabi nga ng mga bakla doon sa amin. Mabilis ang Pera dito at naipapagamot ko si Angel sa magandang ospital.
Ang pinag iipunan ko ngayon ay ang para sa kanyang heart surgery. Mahal ito kumpara sa gamutan niyang niraraos ko araw araw,gabi gabi sa club. Nag iipon ako dahil bago pa man ako malusyang ay naipagamot ko na ang anak ko.
At ngayong nakita ko uli ang ama niya ay nabuhay muli ang matagal ko ng nilibing na galit.
❤6.6.17
BINABASA MO ANG
Leora The Stripper [COMPLETED]
Romance-stand alone- Leora Mitch Legaspi is the long lost daughter of the great tycoon couple who is ambush by vigilantes. Itinago siya ng kanyang tiyahan sa bahay at pinalabas na nawala ito mula noong mamatay ang mga magulang, when she reached the age of...