May nakahain ng pagkain sa mesa para sa amin ni Angel, si Monique kasi ang tagaluto kapag agahan dahil may pasok ito sa isang Mall. Matalino si Monique ngunit kapus sila pera Kung kaya ay highschool lang ang natapos nito. Namasukan ito bilang sales lady limang taon na ang nakakaraan. Noong naipanganak ko si Angel at pumanaw naman ang nanay niya. Kaya kaming dalawa nalang mula noon ang magkaramay sa isa't isa."Yura, alis na ako. Babye Angel..."
Lumabas ito mula sa silid na nakabihis nang unipormi nila.Humalik ito Kay Angel at lumabas na ng apartment namin.
"Nanay,pwede po ba akong makipaglaro Kay Jaica at Allyson sa labas?" Tanong nito habang pinaghanda ko ito ng pagkain sa kanyang pinggan.
"Dito nalang kayo maglaro,baka kasi malingat ako sayo. Isa pa hindi ka pwedeng mapagod."
Matagal na talaga niyang gustong maglaro sa labas ngunit natatakot ako na baka sa sobrang enjoy niya ay aatakihin na naman ito. Bawal sa kanya ang sobra.Sobrang saya,sobrang lungkot. Bawal mapagod at ma stress. Kaya hanggat kaya ko siyang pigilan ay pinipigilan ko,bata kasi hindi maiiwasang maengganyo sa laro at masobrahan. Hindi ko din siya pinapalabas ng apartment, hanggat maaari ay dito lang sila ng mga bata din na kapitbahay namin sa loob ngunit minsan ay mas gusto nila sa labas dahil nakakapagtakbo sila.
"Alam ko naman po yun nanay. Hindi po ako tatakbo,pangako." Pangungulit nito.
"Mausok kasi, ito nalang gusto mo bang mamasyal? Punta tayong mall,doon sa pinagtatrabahuan ng tiya Monique mo."
Sabi ko dito."Talaga nanay!? Sige po."masaya nitong sabi.
Nakakagaan talaga ang ngiti niya. Parang lahat ng hirap at pagod ay naitataboy niya. She is really an Angel.
Inayusan ko ito at nilagyan ng blush on ang pisngi. Maputla na kasi ito, sa sobrang puti niya ay nagmistula itong multo. Kaya nilalagyan ko ng bush on ang kanyang pisngi at kids lipgloss naman sa kanyang labi. Ikinunsulta ko na ito sa kanyang pediatrician at okay lang naman daw lalo pa't minsan lang naman.
I also prepare myself. Makeup and all stuffs that I've learned from the type of work. Light lang naman ang ginamit Kong mga make up dahil hindi naman ako si Lala, ako si Leora na isang ina.
Nang kinuha ko ang wallet ko ay nakita ko doon ang perang binigay ni Mr. Pineda kagabi. I realized na siya pala ang Lolo ng anak ko. Hindi ko alam Kung magagalit ba ako sa koneksyon nila sa tatay ng anak ko. Tinulungan niya ako mula ng magkakilala kami, ikinikwento ko pa nga sa kanya si Angel minsan. Pero hindi ko sinabi ditong may sakit sa puso ang anak ko kaya nga raw humanga siya lalo sa pagiging single mother ko kahit hindi naman daw ako mukhang mother.
Sinadya ba ito ng tadhana upang magkita kami uli? Kung magkikita uli kami? Sasabihin ko ba dito ang tungkol Kay Angel? Siguro hindi,dahil galit ako dito sa ginawa niya. Ngunit hindi naman niya siguro gagawin iyun Kung hindi rin dahil sa mga kamag anak Kong mukhang pera.
Ngayon inakala pa niyang may relasyon kami ng tatay niya. Galit ito sa akin, well the feeling is mutual. Sana lang hindi na siya mapadpad pa sa lugar namin,kahit si Mr.Pineda dahil tahimik naman ang buhay namin kahit mahirap.
Dinala ko si Angel sa mall,hindi ko siya pinalakad dahil takot akong mapagod ito. Binuhat ko lang ito sa buong pamamasyal namin. Hindi naman kasi siya tulad ng isang normal na limang taong gulang na bata ang laki. Para lang itong tatlong taong gulang at payat, dahil sa maintenance nito ay mabagal ang kanyang paglaki.
Gusto niya sa arcade Kaya doon kami nagtagal, inalalayan ko lang ito upang hindi masyado maglikot.
Bumili din kami ng laruan na hindi branded, mahigpit kasi ako sa pera dahil ang mahal ng mga gamot niya at nag aaral na rin ito ngayon,andami ng gastusin.
Nagpabili din ito ng damit,kaya pinagbigyan ko tutal malakilaki naman ang binigay ni Mr. Pineda. Kumain kami at nag ikot ikot uli.
Bago umuwi ay pinuntahan muna namin si Monique sa kanyang department.
"Angel!!" Malaki ang ngiti nitong nakita kaming palapit sa kanya.
"Tiya..."
"Naku, ipinasyal ko muna mukha kasing nabobored na sa bahay dahil gusto ng lumabas." Sabi ko dito.
"Tama ka diyan, kagabi pa yan gustong lumabas." Sagot naman nito.
Sa mga appliances it na assign at medyo marami ang tao ngayon dahil weekend.
"Naku, baka nakakasturbo kami sa trabaho mo ha." Sabi ko dito.
"No probz manay wala si manager."
Tumawa ito."Nanay, ano po ba ito?"
Tanong ni Angel na tinuro ang dishwasher."Dishwasher yan Angel, para yan sa mga taong tamad maghugas ng pinggan tulad ng nanay mo." Sagot ni Monique dito kaya hinampas ko ito sa braso at napahagikhik ito.
"Walangya ka talaga."
"Ang gaganda naman ng mag ina."
Dinig namin sa di kalayuang sabi ng isang ginang kaya siniko ako ni Monique."Ikaw na ang maganda." Bulong nito sa akin.
Namula naman ako, madalas ko naman iyung maririnig lalo na sa first impression ngunit kapag nalaman na nila ang trabaho ko ay nandidiri na sila, minsan nga ay ndadamay pa ang anak ko.
"Manlalait din yan kapag nalaman na nila ang trabaho ko kaya hayaan mo na."
"Nanay..." Dinig Kong tawag ni Angel.
Lumingon ako dito na hawak ko lang sa aking bisig. Nagulantang ako ng makitang hawak nito ang kanyang dibdib nito.
"Anak anong nangyayari sayo?." Taranta Kong tanong dito, tumahip na yung kaba sa dibdib ko.
"I can't...breathe...na..nay."
Utal nitong sabi."Jusko, Monique dadalhin ko siya sa ospital sumunod ka mamaya ha..."
Nagmamadali akong tumungo sa exit ng mall at pumara ng taxi. Pinaypayan ko ang nanghihina Kong anak. Umiiyak na ako sa takot at kaba.
Nang marating namin ang ospital ay pinatawag ko agad ang pediatrician nito. Buti at on duty pala kaya na asikaso niya agad ang anak ko.
"Doc, anong nangyayari sa kanya?"
Umiiyak Kong tanong habang nilalagyan ng oxygen ang anak ko."Sandali lang po Miss Legaspi e checheck ko muna." Sagot nito.
Jusko wag niyo pong hayaan na may mangyaring masama sa anak ko, maawa po kayo.
❤6.11.17
BINABASA MO ANG
Leora The Stripper [COMPLETED]
Romance-stand alone- Leora Mitch Legaspi is the long lost daughter of the great tycoon couple who is ambush by vigilantes. Itinago siya ng kanyang tiyahan sa bahay at pinalabas na nawala ito mula noong mamatay ang mga magulang, when she reached the age of...