"Saan ka nakakuha ng pera Yura? Sinong malaginto ang puso ang nagbigay nito syo?"
Giit ni Monique ng napunta siyang ospital pagkatapos ng shift niya."Hindi bigay yan Monique,may kapalit yan. At kahit anong kapalit tatanggapin ko para lang mabuhay ang anak ko." May ngitngit Kong sabi.
"Ano? Jusko,sa laki ba naman ng perang ito ay hindi ko ma imagine Kung ano ang kapalit nito." Nag alala nitong sabi. "Nababaliw kana Yura!" Napalakadlakad ito sa silid ni Angel na parang natatae.
"Tumigil ka nga! Nahihilo ako sayo!" Sabi ko dito habang naghahanda ng hapunan namin.
Bukas ng umaga ang opetasyon ni Angel, nai set ko ito agad pagkadating ospital kanina. Bukas ipapa in cash ko din ang pera upang ediposito sa ospital. Hindi ito mumurahing ospital, I won't risk my daughter's life para lang makamura Kaya doon ako sa mga eksperto kahit pa nagkabutas butas na yung bulsa ko.
"Ako ang kinakabahan sayo Yura, it's sounds danger." Madrama nitong sabi.
"Danger na Kung danger, mailigtas ko lang yung anak ko. Wala ng ibang mas importante pa sa akin kunde siya." Lumapit ako dito at hinimas ang kanyang buhok saka hinalikan.
Pumungay ang kanyang mga mata sa ginawa ko Kay Angel.
"Naku Angel magpagaling ka talaga dahil yang nanay mo hindi ko na alam ang gagawin."
Buntong hininga nitong sabi.Habang patungo kami sa operating room na pagdadalhan ni Angel ay para akong mahimatay sa kaba,kagabi ay gumising ito ngunit hindi nagsalita. Bumuka lang ang kanyang mata at may tumulong luha dito na mas nagpalugmuk sa akin.
'pagaling ka anak, hihintayin ka ni nanay.'
Hanggang sa maipasok na ito sa operating room ay umiiyak parin ako. Tatlong magagaling na doctor sa puso ang oopera sa kanya.
"Doc,kayo na ho ang bahala." Umiiyak Kong sabi.
"Don't worry miss Legaspi,gagawin namin ang lahat." She assures me.
Habang pumapatak ang oras ay mas lalo ako pinapatay ng kaba. Ano na Kaya ang nangyayari sa loob.
"Magpirmi ka nga Yura! Hindi lang ikaw ang kinakabahan! Diyos ko."
Tumingin ako sa kanya na bakas sa mukha ang pag alala kaya umupo ako sa tabi niya.
"Kakayanin Kaya ni Angel, Monique? Ang bata pa niya." Tuluyan na akong nanlambot sa ideyang paano Kung hindi kakayanin ni Angel?
Dinala ako ni Monique sa chapel at doon ay taimtim kaming nagdasal.
Hiningi Kong malalampasan ng anak ko ang operasyon at sa akin nalang yung sakit. Totoo nga ang sinabi nila noon na ang ponakamasakit na karma ay ang makita ng magulang na nahihirapan ang anak. Bakit hindi ako nag ingat noon? Lahat na nag pagsisisi ko ay ginawa ko na pero hindi sapat iyun upang mawala ang sakit ng anak ko.
Sana bigyan ako ng huling pagkakataon ng panginoon at mailigtas si Angel. Kahit anong hirap basta't sa akin lang huwag lang sa anak ko.
Tumagal ang operasyon ng walong oras at sabi ng doctor ay successful naman, bumaba kanina ang kanyang vital signs ngunit na revive naman nila. Successful nga ang operasyon ngunit unconscious naman ito.
Sabi ng doctor ay normal lang daw ito. Hihintayin nalang daw namin ang paggising ni Angel.
Medyo gumaan yung pakiramdam ko nang malaman ligtas ang anak ko. Kahit na magtatagal kami dito sa ospital ay okay lang Kaya pa naman ng natirang pera ni Pineda.
Hindi ko alam Kung ano ang magiging set up namin ni Pineda, paano niya ako pagbabayarin? sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol Kay Angel? Maniniwala Kaya siya? Paano Kung mamasamain lang niya ang tungkol Kay Angel?
Hindi, hindi ko muna sasabihin sa kanya. Hahanap muna ako ng tiyempo.
Kinabukasan ay nakatunganga ako ng tawag
Mula sa di kilalalng numero. Hindi ko ito sinagot,baka kasi mga kabataan lang na gusto makipag kaibigan o Kaya ay txtmate.Tumawag ito ng paulit ulit at nirereject ko naman. Kung May kailangan ito ay magpakilalala siya,sira!.
On the seventh ring ay isang text message iyun galing sa parehong numero.
09xxxxxxxxx
Why are you not picking up, damn it.
Nanlaki ang mga mata ko. Sino to?
09xxxxxxxxx
You think you can ran from me? I'll search that fucking hell just to find you, now picked up!
Jusko, ramdam ko sa mensahing iyun ang galit niya. May ideya na ako Kung sino ito, wala na akong kilalang lion bugod sa taong yun. Kaya nga muli itong tumunog ay sinagot ko na.
"Where the hell are you?!!"
Iyun agad ang bati nito sa akin. Bakit ba ang hilig nitong maninghal? Pinagdamutan yata ito ng mundo ng kailagayahan."Sorry, nasa ospital kasi ako."
Mahina Kong sabi dito at dahan dahang lumabas ng silid ni Angel. Si Monique ay natutulog sa may sofa dahil sa puyat ito."What are you doing there?" Galit parin ang boses nito.
"May dinalaw lang, kaibigan ko."
Pag ra rason ko."Just make sure that it's not a guy."
I can hear his gritted teeth."Babae!" Agap ko.
I heard him violently sigh.
"Susunduin kita Kung saan ka man ngayon,may appointment ka sa isang OB." Kalmado na ito.
"OB? Bakit? Wala naman akong sakit ah."
Pag aalma ko. "Sobrang pang iinsulto na itong ginawa mo, ganon ba ka dumi ang tingin mo sa akin?" Nag iinit nayung ulo ko sa inis dito."Of course I have to make sure. Baka Kung anong sakit ang nakuha mo sa mga lalaki gumagalaw sayo." Pang iinsulto pa niya.
"Hindi ako tulad ng iniisip mo...fine! I'm going to that OBYGNE! Para sa protection ko mula sayo!" Sa galit ko ay binabaan ko siya ng tawag. Etinext ko nalang Kung saang ospital ako at sinabing sa labas ako maghihintay.
Ginising ko si Monique upang mag paalam.
"Saan ka pupunta?" Pungas pungas nitong sabi dahil inaantok pa.
"Mag uumpisa ng magbayad. Pakibantayan nalang si muna siAngel,hah. Tawagan mo nalang ako Kung may mga problema." Sabi ko dito habang nagbibihis sa harap niya. Wala naman kaming hiya sa isa't isa, sumasayaw nga ako sa harap ng mga lalaking walang saplot sa harap pa Kaya ng kaibigan Kong halos kapatid ko na.
"Mag iingat ka Yura." Humalik ito sa akin bago ako umalis.
❤6.17.17
BINABASA MO ANG
Leora The Stripper [COMPLETED]
Romance-stand alone- Leora Mitch Legaspi is the long lost daughter of the great tycoon couple who is ambush by vigilantes. Itinago siya ng kanyang tiyahan sa bahay at pinalabas na nawala ito mula noong mamatay ang mga magulang, when she reached the age of...