chapter 36

33.2K 801 20
                                    


Jallin

Lumalabo na yung paningin ko for the third bag of blood. Nanghihina na ako, halos wala na akong lakas upang pisilin iyung bola sa aking kamay pero kailangan. My son needs my blood.

My son.

Kanina nang marinig ko mula sa mga labi ni Yura na anak ko si Gelo ay nanghina ako, how could I not know? I'm such a stupid person, another child of mine I abandoned. Kulang pa itong dugo ko para makabawi sa kanya,sa kanila.

I imagine how hard it to Yura, mag isa niyang ginapang si Angel noon na may sakit pa, napilitan siya sa mga bagay na dapat ay hindi niya ginagawa pero kailangan. I can't imagine how she cries in times of hardship, at noong magkasama kami kung ano anong pagbibintang ang mga sinabi ko.

I want her to hurt me, gusto kong ibalik niya sa akin ang mga sakit na pinadama ko sa kanya noon, sa tingin ko hindi sapat kung magsisi lang ako. I think I need to feel her sufferings just to get even.

Tatlong bag ang kinuha sa akin, sa bodyguard nila ay dalawa. Sa ngayon ay sapat na muna iyun, nagrerequest nalang sila kung kukulangin.

I never prayed my entire life, ngayon lang na nasa bingit ng kamatayan ang anak ko. Lahat ng kilala Kong Santo ay tinawag ko na at nag attend ako ng misa dito sa chapel ng ospital. Tinawagan ko ang aming family doctor upang makatulong, gawin nila lahat para sa anak ko kahit magbayad pa ako ng kahit magkano.

Kahit hinang hina ako,nakuha ko paring pumunta sa unit ng anak ko. He is monitored by doctors and nurses every second. Si Yura ay nakatulog sa sobrang puyat ngunit nasa labas lang ng unit ni Gelo at nakahiga lang sa hita ni Santi na nakapikit din. Si Angel ay inuwi na kasama ang yaya nito at dalawang bodyguard.

I felt insecure again, ako sana ang nasa posisyon ng lalaking iyun. Ngunit naisip ko na mas safety siya sa lalaking iyun, hindi ko siya nasasaktan. Si Dad ay umuwi na muna, pinapahinga ko siya dahil darating na si Mommy, pinaalam kasi namin na nakita na namin si Yura at Angel. I Know how she wanted to see her granddaughter lalo na siguro kung nalaman niya ang tungkol kay Gelo.

He is my childhood figure, hindi maikakailang anak ko siya. He got my everything, from the shape of my face, the nose, the lips and even the eyelashes and brows,Im not sure of his eye color but definitely he has my features. Unlike Angel, masasabi mo lang kung tutukan mo siya. She got Yura's feature but when you just stared at her she looks just like me also. She's really an Angel.

Isang linggo kaming nakipagbuno sa dengue ni Gelo hanggang sa naging ligtas na siya. I saw how Yura takes care of him, worries about him. Wala na nga siyang tulog madalas kahit marami naman kaming nagbabantay, she is really hands on kahit inaalagaan din niya si Angel. Para na nga siyang robot sa paningin ko, and Mom is so proud her ganoon daw ang mga nanay kapag anak na ang pag uusapan. Nagkausap na din sila ni mommy at masaya akong walang problemang namagitan sa kanila.

I could feel the light ambiance to them. Araw araw kaming nagkikita pero parang hindi niya ako matignan, nag thank you siya sa akin noong naabunuhan na ng dugo si Gelo mula sa akin ngunit hindi ko tinanggap yun, hindi na niya dapat iyun ginawa, nakukulangan pa nga ako sa ginawa ko sa anak ko. Yun lang ang naging pag uusap namin, napakailap na niya.

Angel is now playing her  violet guitar to entertain her brother. Kahit mahina pa ay pilit na tumatawa ang bata na parang walang pinagdaanan, but he's recovering, Wala na ang virus sa kanyang katawan.

"Did you like it, Gelo?" She giggled pagkatapos kumanta ng Japanese song na pambata. Nagsipalakpakan naman ang mga naroon sa kanyang silid,wala na ito sa ICU Kaya pupwede na kaming nagpalibot dito.

Nandoon sa tabi niya si  Yura na nakahawak sa kanya. Nandoon si Mommy at Daddy, si Santi at kaming dalawa ni Angel.

Gelo clapped his hands many times. He seems so happy. Kanina ay kumain na rin siya nang subuan siya ni Yura.

"He's so adorable... Kamukha mo talaga siya Sean." Mom said.

"Lola, ganyan din po ba kakulit si tatay noon?" Angel light up the mood.

"Bakit? Makulit ba si Gelo? Mukhang hindi naman ah." Mom pinch his chubby cheeks softly.

Hinarap niya si Angel at kinarga ito.

"Yang tatay mo hindi lang makulit kunde super kulit. He wanted to play all the time kahit pa bedtime na." Sabi ni Mommy.

Napaisip tuloy ako, ganoon ba ako noon? I don't remember a lot my childhood mula noong maaksidente ako, mom said mula noong aksedinte ay naging grumpy na ako yun ang naalala ko. Kahit ang kapatid ko ay sinusungitan ko but that was before I'm teenager. Nagkaroon ako ng mga kaibigan at naaliw sa musika. Naging mabuting kapatid din ako at naging siryuso sa eskwelahan. Naging mainitin yung ulo ko mula ng palaging nag aaway sina Mommy at Daddy, my sister is always crying at ako lang ang lage nitong takbuhan. Puro nalang trabaho ang pinag aawayan nila Kaya nagsumikap ako sa Kompanya namin pagkatapos ko sa pag aaral, iniisip ko kung ipagkatiwala ni Mommy ang kumpanya sa akin ay magkakaroon na sila ng time ni dad, I even use drugs para lang magtagal akong parang walang kapaguran, I've been ruthless and wiser than mom, nakakagawa ako ng mga bagay na hindi ko rin inakala including what I did to Yura years ago, I stop for a while to find her pero hindi ko na siya mahanap Kaya yung konsensya ko na yun ay nawala siguro ay natanggap nalang niya ang sinapit niya kaya nagpatuloy ang buhay ko. Pero hindi rin huminto si Mommy at mas lalo silang nagka gap ni dad and  just in time my sister told me na may kabit si dad. And the rest is history.

Humagikhik si Angel at Gelo na akala mo ay nakakaintindi.

"Lola, can you tell us more about tatay when he's still young?" Angel said in excitement.

Napapalo ako sa aking noo, at ano ang sasabihin ni mommy? Na sobrang sungit ko? No way, I Just want my kids to know my good side, I don't want them to hate me.

"Mom!" Pipigilan ko sana si mom.

"O, don't worry son your kids just wanted to know how good their father is." Nakangising sabi ni mom.

Napailing nalang ako. I saw Yura glances at me pero bumawi naman agad.

Nagpaalam si Santi na kikitain daw si Geron, agad naman siyang hinayaan ni Yura. Aliw na aliw naman ang mga bata sa mga kwento ni mom. Hindi nagtagal ay nakatulog si Gelo Kaya sa sofa nagpatuloy ng kwentuhan si mom at Angel, sumali na nga si dad. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng kwento ni mom but it feels good hearing me as a sweet boy before. Hindi ko pa talaga naalala yun.

Tumayo si Yura at nagpaalam.

"Bibioi lang po ako ng makakain natin sa canteen." Sabi niya.

"Samahan na Kita!" Agap ko.

Napatingin siya sa akin, damn she's really beautiful. Linggo na kaming nagkakasama dahil Kay Gelo pero namimiss ko parin siya. My heart hurt everytime she turned her back on me pero hindi ako dapat magreklamo dahil wala akong narinig na reklamo sa kanya habang wala ako sa tabi niya noong ginapang niya ang mga anak namin.

Anak namin. I'm such jerk. May mga anak na ako wala parin akong kwenta.

I opened the door for her and followed her outside. We went to the canteen at umurder doon ng snacks, ako ang nagbayad at nagdala ng order niya. Hindi ko siya hinayaang may bitbitin.

"Yura!"

Bago kami pumasok ay tinawag ko siya. Napahinto ito at lumingon sa akin.

"Can we talk?" Sabi ko.

Namilog ang kanyang mga mata.

"I promise, I won't hold you." Assure ko sa kanya, baka kasi matakot siyang napagbuhatan ko siya ng kamay. No! I won't do that, never.

Napakurap naman siya at biglang naglaho ang pag aalinlangan ang mga mata.

"Okay."

She sigh and finally said.















❤8.11.17

Leora The Stripper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon