He bath me, he scrub my body with so much gentleness. I don't know, pero feeling ko pareho kami, iba ang sinasabi sa ginagawa. O nag a-assume lang ba ako?Pahilim kong pinilig ang aking ulo, stop thinking nonsense Yura!
Kahit sa pagbihis ay tinulungan niya ako, mas inuna pa nga niya akong magbihis kaysa sa kanya. Nagbihis naman siya sa harap ko sa loob ng closet niya na kasing laki ng silid ko sa apartment namin ni Monique.
Sabay kaming kumain sa mahaba niyang dining table, ang dalawang katulong ay nakatayo lang sa gilid. Medyo nahiya naman akong lumunok ng kami lang ang kumakain at may nakatingin. Sa amin, kahit pa dumaan ka lang ay aanyayahan ka ng sumabay sa pagkain, isa iyung kagawian sa mga taga looban.
"Eat up Yura..." Sabi niya kaya napatingin ako dito. Ngumuya siya ng pagkain saka uminom ng tubig. "Ayaw mo ba sa pagkain? May gusto ka ba? Papaluto tayo kung ayaw mo sa nakahain." Sunod sunod niyang tanong.
"Hindi, okay lang. Hindi lang ako sanay na may nakatinging hindi naman kumakain." Mahina kong sabi.
"They will eat after us. Kaya kumain kana." Maawtoridad niyang sabi kaya wala akong nagawa, sumulyap ako sa dalawang katulong at ngumiti lamang ang mga ito.
Sumunod ako sa kanya sa labas, magpapaalam kung pwede ba akong makalabas.
"Jallin!" Tawag ko dito at napakagat labi, unang beses kong tawagin siya.
Napahinto ito sandali bago lumingon sa akin. His cold eyes were locked on me.
"Ahm, pwede ba akong lumabas?"
Nakagat ko ang aking dila dahil kinabahan ako bigla.Tinitigan niya ako as if may mali sa sinabi ko.
"Of course, your not a prisoner here. But Don't you dare sneaking with your mens kung ayaw mong ikulong nalang kita dito, nagkaintindihan ba tayo?"
Napalunok ako.
"Bibisitahin ko lang yung kaibigan ko sa hospital." Sabi ko, hindi ko pwedeng sabihin na anak ko ang bibisitahin ko dahil pinangako ko na dati na hindi niya makikilala si Angel.
Kumurap ito at agad nag iba ang mukha niya, lumambot ito bigla. Namalikmata lang yata ako.
"Okay, mang Bobong will drive you there. Is it the same hospital na pinuntahan mo?" Tanong niya.
Sunod sunod akong tumungo.
"Okay... I'll leave you with the driver and be home before I'm home." May diin nitong sabi at tumalikod na. Kinausap nito ang lalaking may katandaan na, iyon siguro si mang Bobong. Tumango ang matanda at tumingin sa akin.
Sumulyap muna ito bago pumasok sa kanyang kotse at umalis.
"Good morning po ma'am. Ang sabi po ni sir Jallin ay ipagdrive kita sa hospital na pupuntahan mo." Magalang na sabi nito.
Nahiya naman ako sa pagtawag niya sa akin.
"Ahm, kayo po ba si mang Bobong?"
Tanong ko at tumango naman ito.
"Yura nalang po tawag niyo sa akin mang Bobong, hindi po ako sanay sa ma'am e." Ngumiti naman ito.
"Magbibihis lang muna ako,mang Bobong."
Excited kong sabi atSa salas ay nakita ko yung mga katulong na may hawak na panlinis.
"Ahm, hi po..."
Nagtabi silang dalawa at ngumiti sa akin.
"May kailangan po kayo ma'am?" Sabi noong kaidaran ko lang.
"Naku, wag niyo akong tawaging 'maam' hindi naman ako ang amo niyo e. Ako nga pala si Leora, Yura nalang para mas madali." Sabi ko dito.
"Ija, kahit ganoon ay katulong parin kami kaya tatawagin ka naming ganoon. Ako nga pala si Susing at siya naman si Mikay. Dalawa lang kaming regular dito, yung labandera kasi ay stay out."
"Ganoon po ba, paano ko po kayo tatawagin?"
"Sa akin mas gusto ko ang nanay Susing, malayo kasi ako sa mga anak ko. Kung gusto mo lang naman." Sabi ng matanda.
"Ako, Mikay nalang mukhang magkaedad naman tayo ma'am." May tunog pabiro ito.
"Walang problema...tutulong din ako sa bahay para hindi naman ako pabigat, kaso may pupuntahan ako ngayon e babawi nalang ako mamaya sa hapunan, ako sana magluluto kung okay lang."
"Naku wag kana mag abala, kami na bahala baka mapagalitan pa kami kung pagtatrabahuin ka namin, ang ganda mo pa naman ma'am." Sabi ni Mikay.
"Mikay, huwag nga yung ma'am nahihiya ako." Nakanguso kong sabi.
"Ay sige miss nalang, hindi ka pa naman misis ni sir Jallin e." Mahina itong humagikhik.
Nakakatuwa naman siya, masayahin. Mukhang hindi ako mababato dito.
"Pwede na rin. Basta mamaya tutulong ako, may pupuntahan lang muna ako."
"Sige miss, kaw bahala." Si Mikay.
Nakita kong siniko siya ni nanay Susing Kaya natawa ako, nag peace sign naman siya.
"Bihis po muna ako."
Nagmamadali akong tumungo sa taas at pumasok sa silid ni Jallin. Hindi ko ininda ang medyo makirot kong katawan, excited lang along makita si Angel.
Isang turtle neck long sleeve na kulay pula ang isinuot ko. Naku,nakakahiya pala mga chikinini ko, Kaya pala long sleeve din ang pinasoot sa akin ni Jallin kanina. Ang dami ko pang pasa, siguradong mag alala sa akin si Monique kaya itatago ko nalang. Pinarisan ko ito ng white slacks at flat na sandals,medyo shakey pa kasi yung katawan ko ayaw ko munang mag effort.
Nagpahatid ako ni mang Bobong sa ospital, may narecieve naman akong text Kay Monique na nilipat daw ng room si Angel kaya nagtanong muna ako sa nurse station sa bagong room number ni Angel.
"Angelina Legaspi, room 202 po ma'am."
Sinulyapan ko si mang Bobong, paano Kung sumama siya? Makikita niya si Angel, I'm sure magsumbong ito sa amo.
"Dito lang po ako ma'am kung ayaw niyo anong sumama."
Nabunutan ako ng tinik pero nakakahiya naman sa matanda.
"Pwede po naman kayong sumama sa taas kaso hindi ko kayo mapapapasok sa loob ng silid mang Bobong." Sinabi ko iyun upang iwas duda, hindi naman siguro ito magpupumilit pumasok diba? Mukhang naman siyang mabait.
"Okay lang talaga ma'am, sa kotse nalang po ako." Mas mabuti nga.
"Ikaw ho ang bahala mang Bobong. Pero baka matagalan po ako."
"Sige lang, iidlip nalang din ako." Nakangiti nitong sabi.
Hindi na ako nangulit, pabor iyun sa akin.
"Nasa room 202 lang ako mang Bobong..."
"Sige ma'am."
Naghiwalay kami ng landas, bumalik siyang kotse at tumungo naman ako sa silid ni Angel.
Binalot ng kalungkutan ang aking puso ng makitang wala paring Malay ang aking anak.
Hanggang kailan ka ba matutulog anak! Gumising ka naman oh.
Wala na ito sa ICU, isang private room ang inuukupa niya ngayon dahil nag iimprove na daw ang kanyang katawan.
Masaya akong nag iimprove na ito pero mas magiging masaya ako Kung gigising na siya.
❤7.9.17
BINABASA MO ANG
Leora The Stripper [COMPLETED]
Romance-stand alone- Leora Mitch Legaspi is the long lost daughter of the great tycoon couple who is ambush by vigilantes. Itinago siya ng kanyang tiyahan sa bahay at pinalabas na nawala ito mula noong mamatay ang mga magulang, when she reached the age of...