Nag take out ako ng lunch para sa amin ni Monique at binilhan ko na rin si mang Bobong na natutulog nga sa kotse. Naintindihan naman niya ako na kailangan kong magtagal ng kunti dahil walang watcher yung kaibigan ko,pagrarason ko nalang. Ang bait niya kaya nakokonsensiya ako.Around 3pm ay nagpaalam na ako Kay Monique na uuwi, hindi ko kasi alam ang oras ng uwian ni Jallin. Kailangan kung makauwi bago siya dumating.
"Mag iingat ka lage,Yura. Kahit mukhang maayos ka naman ay kinakabahan parin ako dyan sa napasukan mo." Paalala sa akin ni Monique.
"I will, Monique. Maraming salamat. Ikaw na muna uli bahala sa anghel ko ha." Gusto kong manatili dahil gusto kong ako ang una niyang makita sa kanyang pagdilat pero kailangan kong umalis sa tabi niya at pinipiga yung puso ko.
Nang isarado ko ang pinto ay tumulo yung luha ko, ayaw ko talaga siyang iwan pero kailangan.
"Ma'am!"
Nahigit ko yung hininga ko ng marinig si mang Bobong. Pinalis ko yung luha ko at inayos ang sarili bago ako humarap sa kanya.
"Ahm, mang Bobong!" Pilit kong pinasigla yung boses ko.
Nanlaki yung mga mata ko nang makita ang lalaki sa kanyang likuran. Halos hindi ako makahinga. Humarang ako sa pintuan ng silid ni Angel, abot abot ang hininga ko sa kaba.
"Are you done?" Pormal nitong sabi at sumulyap sa pintong nasa likuran ko.
"Ah,oo pa-paalis na nga ako e." Nauutal na ako sa kaba.
"Then let's go." Hindi pa rin nagbabago ang kanyang expression.
Nanginginig akong lumapit sa kanya, sigurado akong namumutla na ako. Hinawakan niya agad ang kamay ko nang makalapit ako dito at hinigit patungong elevator. Nakasunod lamang si mang Bobong ng tahimik.
"Sa akin siya sasabay mang Bobong, dumeritso kana sa bahay." Sabi niya na pormal parin.
Pilit ko paring pinapakalma yung sarili ko at inayos yung paghinga ko. Bakit ba para akong galing sa pagkalunod at ang hirap huminga.
"Sige po sir." Narinig ko sa matanda.
Nauna na si mang Bobong samantalang kami ay huminto sa isang building, hindi ito ang building na pinuntahan ko na sinasabing pag-aari ng daddy niya ngunit may nakalagay sa entrance na Pineda Corp. Ibig sabihin ay sa kanila parin ito. Hindi man kasing laki noong isang building nila pero building parin ito na may anim na palapag.
Pumasok kami sa building na higit parin niya ako, sumakay sa elevator at huminto sa 5th floor. May bumati sa kanya na sa tantya ko ay secretary.
"Good afternoon sir, Mr. Buenaventura has already arrived, his in the conference room sir." Anang magandang babae na nasa late thirties.
"I'll be there in a minute."
Tuloy tuloy kaming pumasok sa isang opisina. Pinaupo niya ako sa sofa doon.
"I'll be quick, stay here."
Sabi niya at iniwan na ako.Bakit niya ako pinuntahan sa hospital kung may trabaho pa siya? Napaka unpredictable talaga ng lalaking yun.
I scan the place. Mas lively ito keysa bahay niya. Mostly ay wooden ang kagamitan at mga kulay ay hindi masyadong dry. Nahinto ang mga mata ko sa divider ng kanyang mga awards. May mga plaques doon at mga litrato ng mga diko kilalang tao pero nasisiguro kong mga maempluwensya tao. Ang dami niyang awards na hindi ko maintindihan kong anong ibig sabihin. Napaka successful nga niya. Naisip kong paano kaya kung hindi na ambush yung mga magulang ko at nakapag aral ako, ano na Kaya ang narating ko ngayon. Siguro nagkakilala kami sa ibang pagkakataon at ibang sitwasyon. Posibling hindi rin ito namuhi sa akin, pero unfair ang buhay may mga bagay na hindi naayon sa gusto at nais mo.
BINABASA MO ANG
Leora The Stripper [COMPLETED]
Romance-stand alone- Leora Mitch Legaspi is the long lost daughter of the great tycoon couple who is ambush by vigilantes. Itinago siya ng kanyang tiyahan sa bahay at pinalabas na nawala ito mula noong mamatay ang mga magulang, when she reached the age of...