chapter 40

33K 901 40
                                    


"Are you kidding me bud?" Santi chuckled sarcastically. "Win her back? Kailan pa siya naging sayo?"

Jallin's eyes got vicious and dangerous towards Santi, I can see the shadow of him before when his angry.

Hindi siya nagsalita ngunit nakakamatay na tingin ang pinukol niya Kay Santi, kinabahan ako, may mga bata dito at baka magsapakan sila.

"Jallin!" Tawag ko dito ngunit parang hindi niya ako narinig.

"She's never been yours, at kung nakasama mo man siya noon ay dahil yun sa kasakiman mo!" Hay jusko Geron, nahawaan mo na ng kabaklaan mo ang kaibigan ko, hindi na marunong tumahimik nalang.

"Santi, tama na!" I warned him but never leaves my sight on Jallin. His expression never changed, mas lalo lang nagdilim ang paningin niya.

"Jallin!" Pangalawa kong tawag dito ngunit ayaw talagang makinig, para itong nag iipon ng lakas. Parang nakikita ko na ang apoy na nagpalibot dito. I have to move kunde hindi na siya mapipigilan.

I grabbed his arms at bahagyang hinimas ito. Sana eepekto.

"Jallin!"

Napakurapkurap ito, as if natauhan. Nakahinga naman ako at napigilan ko ito.

"I-I'm sorry..." Saad niya.

"Tatay!!" We heard Angel.

The tension breaks, he turn to our daughter Kaya napahinga ako. Bumalik siya sa kama ni Gelo at nagpatuloy kung ano man ang nilalaro nila.

I turn to Santi, nakangising aso ang loko.

"Anong ningisingisi mo dyan? Muntik mo siyang gawing halimaw e nandito ang mga bata!" I scold him.

Ngumisi parin ito.

"May gusto lang akong nalaman, Le. I'm sorry. I know that he can control his anger, nandito ang mga bata, may gusto lang talaga akong nalaman." He said.

Ano naman ang gusto niyang malaman? Kung gaano ka sama talaga si Jallin? Nababaliw na ba siya?

"Your crazy!" I said.

Hinila niya ang kamay ko nang akmang aalis na ako sa harap niya. Niyakap niya ako at bumulong.

"Believe me, I'm helping you by doing this."

Siguro kung hindi mo kilala ni Santi ay sweet ang ginawa niya pero sa akin ay nasanay nalang ako minsan sa kalambutan niya.

"Hindi, hindi yan nakakatulong. Paano kung nakita ng mga bata kung magiging bayolente siya?" Bulong ko dito dahil baka marinig kami ng mga bata.

Hindi parin niya ako binitawan.

"He won't do that..." Sagot niyang pabulong din.

Nainis ako dito. "Anong hindi? Muntik na yun kanina!"

"Eherm..." Someone interrupted.
"Hindi ito ang lugar para maglampungan."
He said in a very cold tone.

Agad kaming naghiwalay ni Santi. My heart is racing. Should I explain? But before I could say anything ay nilagpasan niya kami at kumuha ng tubig ref doon at nilagpasan uli.

Nagkatinginan kami ni Santi nang mawala na siya sa paningin namin at bumalik sa mga bata.

Ngumisi na naman si Santi. Ano ba talaga ang maganda sa mga nangyayari? Iniwan ko si Santi dahil naiinis na ako sa mga ngisi niya.

I ordered a dinner for us, sa hapag ay ang mga bata lamang ang maingay, walang nagsasalita sa amin ngunit nananantya ang mga titig ni Jallin at mapanuya naman ang Kay Santi. Jusko! Ano ba ang nangyayari sa mga taong to.

Leora The Stripper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon