Hindi ko na alam kung papaano patatahanin si Angel. Sabi ko naman na susunod ang tatay niya sa Japan pero ayaw niya paring umalis kami.
"Nanay, I want to stay. Ma mimiss ko si tatay at sina Lolo at Lola talaga." Sabi niya habang humihikbi.
"Bibisita naman sila doon, they promised you didn't they?" I said.
We're packing things kasi babalik na kaming Japan bukas. It's been three days since Gelo got out from the hospital and we really need to get back to Japan. May mga kailangan sa opisina at may pasok si Angel. Minamadali na nga kami ni Santi, nasanay na kami doon mamuhay pero iba parin pala dito at nalulungkot din ako kapag umalis kami bukas.
"Nanay, may bahay naman tayo dito, iwan niyo nalang ako dito. mamimiss ko talaga Sina Lola at Lolo, pati na ang mga friends ko sa looban. Matatagalan na naman tayo pagbalik dito." Umiiyak parin niyang sabi.
Naaawa na ako dito, kahapon pa ito nangungumbinsi sa akin na magpapaiwan siya dito kahit pinangakuan na siya ng dalawang matanda na susunod sila sa amin. Ilang baso ng tubig na ang naubos nito at dalawang tablitang pamapakalma, ayaw parin tumigil sa kakaiyak.
It really melt my heart, pero nandoon na sa Japan ang nakasanayan namin, nandoon din ang main office sa aming kabuhayan.
"Angel, sa susunod na buwan pa natin pwedeng tirhan ang bahay na pinaayos ko."
"E dito nalang po ako sa bahay ni Tito Santi, kasama ko naman si manang Ada at yaya Rosita." Pagmamatigas niya.
"How about your school?"
"I can do it on line,nanay." Pagrarason niya.
"Angel nakiusap lang ako sa school niyo ng ilang araw, it's not for good."
The arguments went on and on, hindi talaga siya papatalo. Ang dami niyang rason at ewan ko saan niya nalalaman ang mga ito.
Hanggang sa pumasok si Santi sa room niya at naabutan kaming nagtatalo parin.
"Hey,hey...what's going on?" Aparta ni Santi sa amin.
Naintindihan ko ang kagustuhan niya pero ilang linggo ko na ring napapabayaan ang negosyo, at ang pag aaral din niya. I miss staying here pero sa Japan ako nakapagsimula at doon bumangon, doon natutu at nagbago. Santi is there, it's my obligation to return his kindness to us, Kaya saan siya nandoon dapat ako para makabawi sa kanya.
"I don't wanna go back Tito, please!! I want to stay." She's begging now to him while hanging in his neck. Alam ni Santi na ayaw ni Angel sumama pero kailangan talaga.
She lay all her reasons to stay kaya napabuntong hininga na lamang si Santi.
"Ayaw mo na ba Kay Tito?" Santi asked. Napamahal na siya sa mga bata kaya ganoon. Mabigat sa kanyang loob ang mawalay sa mga ito.
"It's not that Tito, of course I wanna be with you too but- but-...." Naghanap siya ng mairarason pero nahirapan siya Kaya umiyak nalang din siya.
Nahihirapan narin ako sa kalagayan ng anak ko, I don't want to see her cry at lalong lalo na ang nahihirapan.
"Ssshhh, Angel tama na. Okay your staying." Santi declared Kaya namilog ang mga mata ko, hindi ko pwedeng iwan ang anak ko!
"Talaga Tito?" Nanlalaki ang mga mata niya sa tuwa.
"Santi?" Pagalit Kong saway.
Ngumiti lang ito sa akin at pinunasan ang mga luha ni Angel, pinainom niya ito ng tubig at pinatulog. Siguro sa pagod sa pag iyak ay madali itong nakatulog.
"Santi, I can't leave her!" Pigil kung sabi, baka magising si Angel.
"You won't..."
"What?"
BINABASA MO ANG
Leora The Stripper [COMPLETED]
Romance-stand alone- Leora Mitch Legaspi is the long lost daughter of the great tycoon couple who is ambush by vigilantes. Itinago siya ng kanyang tiyahan sa bahay at pinalabas na nawala ito mula noong mamatay ang mga magulang, when she reached the age of...