chapter 29

31.6K 816 17
                                    


Tulala ako sa byahe, hindi ko malaman kung anong damdamin ang dapat kong maramdaman. Natakot ako nang makita ko siya kanina, natatakot akong masaktan niya uli. Ngunit kahit hindi niya ako hawakan ay naninikip yung dibdib ko sa sakit. Parang hindi ako makahinga sa sakit at sikip nito. Gelo's face flash on my mind then after it's Angel's. They are all from him,but they were wonderful.

Hindi ko inasahan ang makita siya sooner, kilala niya ang bagong kasal. At posibling kanina pa niya ako pinagmasdan dahil sa reaksyon niya. Malamig at nakakatakot. Pero bakit ako matatakot? Wala akong kasalanan sa kanya. At lalong wala ako dapat ikatakot sa kanya.

"Do you know him?" Santi took me back in reality.

Ano ang sasabihin ko? Na siya ang ama nina Angel at Gelo? Pero ayokong pag usapan ang tungkol sa kanya.

"Bakit kailangan niyo mag usap?"

"Hindi ko alam..."

Alam Kong hindi yun kakagatin ni Santi pero napansin niya sigurong hindi ako komportable Kaya hindi na siya nagtanong.

Dumating kaming reception area at doon ay nakipag kumustahan lang,ayaw kong magtagal dito baka magkita na naman kami.

Ipinakilala ako ni Santi sa mga kaibigan nila doon, kinakabahan man ay nakuha ko paring ngumiti sa kanila. Bago kumain ay luminga ako sa paligid, kung nandoon siya sa simbahan imposibling wala siya dito sa reception.

The whole time I was there was torture Kaya hindi ako humihiwalay Kay Santi,panay ang kapit ko sa kanya.

"You wanna go home? I can see that you're not enjoying."

Mabilis akong tumango, I wanna go home to my kids. I can smell danger in here.

"Okay,I'll just let Suzanne know that we're going." Marahan niyang sabi kahit nangungusap yung mga mata niya.

Tumango uli ako.
"I'll go to the washroom muna." Sabi ko. I need to retouch my face kasi feeling ko namumutla na ako.

I go straight to the washroom when Santi leave me. tama nga​ ako, hindi na maitsura yung mukha ko sa stress na nararamdaman ko. Makikita mo talaga na hindi ako mapakali. I slapped my face gently to calm myself at bumuga ng hangin.

Nag blush on at lipstick​ ako uli para kahit papaano ay maconceal yung nerbyus ko.

Gosh! Why I'm feeling this way?

Looking at him kanina,pansin kong may bago sa awra niya, ngunit yung mga mata ay nanatili kahit pa pinipilit niya iyung pigilan. he looks more alive now and light. May kalungkutan din akong nakikita sa kanyang mga mata na pilit nilalamon ng galit at lamig. He is so unpredictable.

Nang masigurong okay​ na ako ay lumabas na ako ng washroom only to find Jallin standing in the door way. Agad niya akong hinigit sa madilim na lugar at kinulong sa kanyang mga bisig.

Nagpanic ako, nahihirapan akong huminga at inaataki ako ng takot.

"Bitawan- mo- ko!! Ano ba!!!" Pagpupumiglas ko, Pero baliwala lang yung pwersa ko sa lakas niya. Nilukob talaga ako ng takot lalo pa at hindi ito nagsasalita.

"Let me go!!!" Buong lakas ko siyang tinulak kahit hindi naman ito natitibag.

"I miss you so bad..." Pabulong nitong sabi Kaya nahinto ako sa pagpupumiglas.

"Please Yura,we need to talk." Sabi nito nang hindi parin ako binibitawan.

"Wala na tayong dapat pag uusapan pa bukod sa utang ko sayo. Wag kang mag alala babayaran Kita kahit magkano pa ang interest." Kalmado Kong sabi kahit pa para na akong mahihimatay takot at kaba.

"No! That's not what I mean. I don't care about that money." Bumitaw ito ngunit hindi ng tuluyan. Hawak parin niya ako habang namumungay ang mga mata.

"Yun lang ang tanging pag uusapan natin, Jallin. At hindi ako tumatalikod ng utang. Maaaring natagalan pero hindi ko yun kalilimutan...let me go so I can give you the cheque." Kalmado ko paring sabi.

"No!...no." umiling iling ito na parang baliw. I never saw him like this, so sad.

"Your hurting me again." Sabi ko, nadidiin na kasi yung mga kamay niya sa braso ko.

Nanlaki ang mga mata niya at agad akong binitawan. " I- I never meant to- do it."
Bulol niyang sabi. Napakunot ang noo ko, hindi ito ang Jallin na huli Kong nakita. Siya Kaya ito? He's losing hiself.

Hinaplos ko yung nagmarka niyang kamay sa aking braso bago kumuha ng cheque sa aking clutch bag. Inagaw niya sa akin ang bag at tinapon kung saan Kaya nabigla ako.

"What are you doing?" Singhal ko dito.

Nag iba na naman yung ekspresyon niya. Madilim ngunit malungkot.

"I want us to talk."

"To talk about what??"

"About Angel!!!" Singhal niya pabalik sa akin.

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bakit niya nabanggit si Angel? Anong meron Kay Angel? Hindi mapigilang kaba ang nadama ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa kanya?" Malamig nitong sabi.

Hindi ako nakasagot hindi dahil sa wala akong isasagot kundi umakyat sa akin ang galit. Galit kung paano nabuo si Angel at ang mga sakripisyo ko dati na ibinato niya sa akin ngayon. Kung paano man niya nalaman alam kung dahil iyun sa kanyang empluwensiya.

Nakipag titigan ako sa kanya bago nagsalita.

"At bakit ko sasabihin sayo?-"

"Dahil akin din siya!" Sigaw niya sa akin na nagpapikit sa mga mata ko dahil nayanig ako sa boses niya.

"Kung makaangkin ka parang Kay buti mo at ang sama ko! Will infact your a monster trying to hide on an Adonis face! Wala kang karapatan sa kanya!! Ang kapal ng mukha mo!! Hindi niya Kailangan ng hayop at mapanghusgang katulad mo!!" Hiningal ako sa pagsigaw sa kanya dahil parang buong hangin ko na yun.

Bigla naman itong natameme. Pinukol ko siya sa nang nakakamatay na tingin. Ang kapal ng mukhang manumbat!

Napakurap ito at bigla a lumambot ang tingin. Bakit siya ganoon? Ang daming ekspresyong nagpapalitpalit sa mukha niya.

"Just...just let me Know her."
Marahan niyang sabi.

"No!! She is not yours!!"

Namilog na naman yung mga mata niya.

"What?...no! You just lied... please! I wanna know her." Pilit itong lumalapit sa akin ngunit lumalayo din ako.

"No, I didn't! Nakalimutan mo na bang sinabi mo ha? Na hindi ako ang magiging ina ng anak mo, well fortunately I am her mother and that makes her not yours."
Yun lang at tinalikuran ko na siya. Nakita ko si Santi na tila may hinahanap Kaya kumapit agad ako sa kanya at hinigit na siyang bigla palabas ng reception at dumeritso sa kotse. Noong nasa kotse na kami ay saka palang ako nakahinga. Hindi pala ako humihinga habang kausap siya.

Natulala nalang ako habang dumadaloy ang aking luha. Alam niya ang tungkol Kay Angel, paano ang tungkol Kay Gelo?









❤7.30.17

Leora The Stripper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon