Leora
"Baka pwede mo naman sigurong sabihin sa akin ngayon kung ano ang nangyayari,ha Le? Kanina ka pa ganyan, ano ba talaga?" Halong concerned at pagkairita ang tono nito. Nasa bakuran na kami at nagpapakiramdaman.
I feel guilty for not telling him about Jallin kanina sa simbahan. Alam ko ang kanyang mga paninitig na iyun ay nagtatanong. Pero hindi naman namimilit si Santi,but for our friendship sake may karapatan naman siyang malaman ang mga ito dahil tinulungan niya akong makaahon.
"The guy on the church, sino siya?"
May akusasyong nitong tono.Napabuntong hininga ako at muli ay hinaplos yung braso kong may kunting pasa. Napatingin doon ang kanyang mga mata.
"Le, nakakabobo na ha." May halong pagbabanta at pag-alala niyang sabi.
Tumitig muna ako sa kanya bago nagbaba ng tingin.
"Si Jallin yun, Angel and Gelo's father."
Mahina kong sabi."I knew it!" Nahampas niya ang manibila.
Napatingin ako doon."I'll make sure hindi siya makakalapit sa mga bata at sayo." Sabi nito. Hindi lingid sa kaalaman ni Santi ang pinagdaanan ko Kay Jallin. Sa sobrang down ko noon ay kinailangan Kong ilabas lahat ng mabigat sa puso ko at magkaroon ng kakampi. Galit na galit siya noon at gusto niyang malaman ang pangalan ni Jallin at hindi ko alam anong gagawin niya dito, pero hindi ko din alam kung bakit ako natakot sa posibling gawin ni Santi sa kanya Kaya hindi ko sinabi dito ang kanyang pangalan.
Seeing Jallin that way ay masasabi kong may pinagdaanan siya. Iba iba ang makikita mong ekspresyon sa kanyang mga mata, halatang pinilit niyang kontrolin kung ano man ang posibling maghahari sa kanya katulad dati. Ang alam ko short tempered person siya at brutal, wala siyang sinasanto kahit babae pa yan,ganoon siya kasalbahe. Pero ang sabi ni Monique may dinidate na itong babae, siguro ito ang nagpabago sa kanya.
Good to know na nagbago na siya dahil sa isang babae at aaminin kong nalungkot ako doon na hindi ako yun. Hindi nga talaga ako para sa kanya. Pero si Angel gusto niyang makilala,hahayaan ko ba? na alam ko naman kung anong klasing tao siya. Ayaw kong pagdaanan ng anak ko ang pinagdaanan ko sa tatay niya, kung masasaktan lang siya, buti wag nalang silang magkita.
Agad Kong pinuntahan ang kwarto ni Angel upang kumustahin ito, nandoon din pala si Gelo nilalaro niya.
"Nanay!!" Sabay nilang sigaw at nagtatatalon na agad si Gelo, magpapakarga na naman ito.
"Hello big boy!!" Santi giggled and mess his hair. Mas lalo namang humagikhik ang bata. Kinarga ko ito at hinalikan sa leeg, naadik ako dyan sa leeg niya e.
"Kumusta ang rehearsal anak?" I asked Angel when she give a kiss to Santi.
"Nanay, sobrang humble po ni Mr. Bocelli. He give us inspirational message. Tatlong kanta lang naman niya kami kasali at sobrang swerte na po namin noon. He give us this." Ipinakita niya sa amin ang bracelet sa kanyang kamay.
"Wow, ang ganda. Keep mo yan ha, minsan lang yan." Hinawakan ko ang kanyang kamay na naroon ang bracelet, pambatang bracelet lang naman ito na may nakaukit na pangalan ni Andrea.
Pinaglaruan ni Gelo ang earings ko.
"Tito Santi, bukas po ng gabi gusto ko pong sumama sa victory party pagkatapos ng concert ni Andrea Bocelli, pwede po ba?... Nanay?" Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Santi.
Umupo si Santi sa kama katabi ni Angel.
"Hindi ba tayo masyadong gagabihin? Mukhang pang staff lang naman yung Victory party, e mga kids pa kayo." Pagpapaliwanag niya sa anak ko."Yung mga kasamahan ko na nasa accommodation ay sasama, kahit hindi na nila tatapusin."
Pareho kaming napabuntong hininga, kapag interesado si Angel magrarason talaga yan, ayaw ko naman siyang madisapoint.
I let a sigh in defeat. Tumango naman si Santi ng may assurance sa kanyang tingin.
"Okay, but we won't stay long ha." Sabi ko dito.
"Talaga nanay? Tito Santi?" Masaya niyang sabi.
"Of course, everything for our Angel."
Sabi ni Santi at hinalikan ito sa noo. Yumakap naman sa kanya ang anak ko."Thanks po." Lumapit din ito sa akin at humalik sa aking pisngi. Ngiti ang isinagot ko dito at naramdaman din ang malutong na halik ni Gelo sa parehong pisnging hinalikan ni Angel. Naku, Gaya gaya na naman.
"Sige na you sleep na, because it's late." Nakapajama na ito at wala naring laman ang baso ng gatas sa kanyang bedside table.
Tumalima naman ito at humiga na. Kinumutan siya ni Santi at nag goodnight na kami. I look to Gelo na ngayon ay mahuhulog na ang mga mata sa antok. I took him to his room and tuck him to bed. Hindi parin umaalis si Santi sa aking tabi. Nang masigurong tulog na si Gelo ay lumabas na kami, naiwan doon ang kanyang yaya.
"Magdadagdag ako ng security at mas hihigpitan pa lalo ang pagbabantay sa mga bata." Sabi niya ng maihatid ako sa aking kwarto.
I turned to him.
"Thank you so much Santi, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."Ngiti at tango lang ang nakuha kong sagot dito bago kami naghiwalay.
Habang nakababad sa bathtab ay okupado parin ang isip ko Kay Jallin. Nag tatalo na naman ang isip at damdamin ko para dito. Kung hahayaan ko siyang makalapit Kay Angel, ay katangahan na yun, ibig sabihin noon pinapayagan ko narin itong makialam sa buhay namin. Ngunit hinahanap siya ni Angel at hindi tatagal ay hahanapin din siya ni Gelo. Pero tama na naka move on na ako, alam ko kung anong tao siya, natatakot akong makakapanakit na naman siya. Pinatay ko na yung damdamin ko sa kanya, ayokong mabuhay ulit yun dahil alam kung kabiguan lang din ang naghihintay doon.
Ala syiti ng gabi ang concert ni Andrea Bocelli, Kaya tanghali palang ay niriready na sila Angel at ang mga kasamahan niya. Sinamahan ko siya sa lahat ng paghahanda niya at ang saya ng anak ko. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Naiwan sa bahay si Gelo samantalang bumisita naman si Santi sa mga branches ng jewelry shop niya,bukod sa dalawa kong hawak na shop ay may tatlo pa ito around Luzon. Nasa visayas ang apat at tatlo din sa Mindanao.
Mamayang gabi pa ito susunod kapag magsisimula na ang concert dahil may mga VIP tickets naman kami. Nagdagdag nga ng security si Santi, apat ang kasama namin at may apat din sa bahay para Kay Gelo.
Around six ay dumating si Santi sa backstage, hindi na kami nakalapit Kay Angel dahil niready na sila, sila kasi ang unang magwewelcome Kay Andrea at ang tatlo pa nilang kanta kasama ang batikang singer. Hindi man lead singer ang anak ko per sobra akong proud dito.
Inabot ni Santi sa akin ang ang bag ko kagabi, naiwan ko ito sa reception ah.
"Inihatid sa bahay,buti nakita noong waiter at may ID ka naman doon at may calling card ako doon Kaya tinawagan nila ako...ano bang ginawa niya para matapon yung bag mo? May pasa kapa, sinaktan ka na naman nya." Hindi iyun tanong kunde salitang may galit.
Hinawakan ko siya sa kamay upang patahanin. "Hinawakan lang niya ako,at nagkasagutan kami...hindi ko na siya hahayaang saktan ako." Pag assure ko sa kanya.
Nag long sleeve ako ngayon dahil may pasa na naman ako sa braso.
"Buti naman."
He guide me to our seats at napaubaya naman ako ngunit isang mukha ang nagpatigas sa akin. I saw him staring at me from afar.
My heart race, hindi ako sigurado kung sa takot o kaba ba ito o may ibang ibig sabihin.
Bigla naman itong umalis sa kinatatayuan niya at nawala sa aking paningin.
"Are you okay?" Santi asked nang makaupo na kami.
"Yeah- yeah I'm fine."
❤8.2.17
Guys, yung next update ko sa sabado pa.
Sana maintindihan niyo.tnx❤
BINABASA MO ANG
Leora The Stripper [COMPLETED]
Romansa-stand alone- Leora Mitch Legaspi is the long lost daughter of the great tycoon couple who is ambush by vigilantes. Itinago siya ng kanyang tiyahan sa bahay at pinalabas na nawala ito mula noong mamatay ang mga magulang, when she reached the age of...