"Miss Legaspi, I'm sorry to tell but your daughter is getting worse. Hindi na tinatanggap ng katawan niya ang mga gamot kaya siya inatake. Kailangan na niya ng surgery as soon as possible." Straight na sabi ng doctor pagkatapos nitong iligtas ang aking anak sa kapahamakan."Pero doc. Kulang pa po yung ipon ko may ibang paraan pa ba?" Umiiyak Kong sabi.
"I'm giving her higher dosage and a little bit expensive medicine para mapanatili itong concious. But I tell you miss Legaspi this is a risky decision, I'm afraid it will affect her brain condition. And the next time na aatakehin uli ito ay hindi ko maipapangakong Kaya ko pa siyang bigyan ng other dosage dahil sa edad niya ay wala ng ibang gamot kundi ang surgery nalang ang pag asa nitong mabuhay." Seryusong sabi ng doctor.
Piniga ng husto ang puso ko sa sinabi niya, I might lose my daughter Kung hindi ako gagawa ng paraan.
Kailangan nitong e confine dahil napaka delikado na ng kanyang condition, ibig sabihin ay makukulangan na naman ang ipon ko dahil sa gastos sa ospital. Parang mababaliw na yata ako sa pag alala at pag iisip Kung saan ako kukuha ng pampa opera sa anak ko.
Namamaga na yung mata ko sa kaiiyak. She was lying helpless at ang putla niya,may nakasaksak na oxygen. Naaawa ako sa anak ko, kasalanan ko ang lahat ng ito Kaya gagawa ako ng paraan.
And I don't have any choice.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng building nina Mr.Pineda. Alam Kong ang kapal ng mukha Kong humarap dito pero para sa anak ko ay magpapakababa ako. Siguro tanggapin ko na yung alok niyang trabaho at mag aadvance ako para mapa opera na yung anak ko, sasabihin ko na din dito na may sakit si Angel upang papahiramin niya ako ng pera. Kahit hindi na ako sasahod sa magiging trabaho ko mailigtas lang yung anak ko.
"Hello good afternoon...May I help you Miss?"
Magalang na bati sa akin ng receptionist.Ngumiti ako bago sumagot.
"Ahm pwede ko po bang makausap si Mr.Pineda?""Ang Chairman po ba o ang President?"
Nakangiti parin nitong sabi."Ahm, yung matanda." Sagot ko.
Biglang umasim yung tingin niya. Bakit? Anong mali sa sinabi ko? Hindi ko naman kasi alam ang posisyon nito sa Kompanya nila, baka magkamali pa ako sa sasabihin at yung anak nito ang ibig sabihin nila.
May kinalikot ito sa computer bago bumaling sa akin na wala ng ngiti.
"May appointment ka po ba sa Chairman miss? Do you have any ID?" She look at me with doubts.
"Ahm, sabihin mo nalang si Lala. Hindi niya kasi ako inaasahan ngayon eh." Nahihiya Kong sabi. Nakakaabala na yata ako.
"Miss, Mr.Chairman is not around...but if you want nandito naman po si Mr.President-"
"Ah,wag na. Sige miss."
Mabilis akong tumalikod.Ang maliit Kong pag asa ay nawala, si Angel agad ang naisip ko. Saan ako kukuha ng pera para ipanggagamot sa kanya. Gusto ko na naman umiyak, anak ko hindi ako titigil hanggang sa makakita ako ng paraan.
May biglang humatak sa akin at dinala ako sa gilid ng building Kung saan walang mga to. Niyakap ako ng kaba Kaya nagpumiglas ako.
"Bitawan mo ako...ahh!tulong!"
Ngunit hinigpitan lang niya lalo ang pagkahawak sa akin.Padarag niua akong isinandal sa dingding ng building.
"Well.well.well...what are you doing in my territory huh?" Gigil nitong sabi at nakorner niya ako.
Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang taong humatak sa akin.
It's him.
Namutla agad ako, ito pa naman ang pinakaiiwasan ko ngunit nahuli parin ako.
"Pupuntahan mo si dad? Para ano? Magsusumbong ka sa ginawa ko o manghuhuthut ka ng pera?" May diin nitong sabi at naggigitgitan ang kanyang mga ngipin dahil sa pinipigilang galit.
"Wala Kang pakialam sa namamagitan sa amin." Pilit Kong pinapatatag yung boses ko kahit gusto ko ng pumiyok.
"So tama nga ako pera ang kailangan mo...magkano ang gusto mo upang lubayan mo ang daddy ko?"
Hindi pera ang habol ko sa tatay niya,kundi hihingi lang ako ng pabor. Oo at pera din ang sadya ko pero hindi tulad ng iniisip niya. Ngunit kailangan ngayon nang anak ko iyun Kaya sige sasakyan ko ang sinasabi niya tutal wala naman akong inalagaan na pangalan.
"Bakit? Kaya mo bang ibigay?" Pagtatapangtapangan ko.
"Name your fucking price and leave my father alone!"
Para na niya akong kakainin sa talim ng kanyang mga tingin.Sinabi ko sa kanya ang halagang kailangan ko at lalong tumalim ang kanyang titig.
Bumitaw ito sa akin at may kinuha sa loob ng kanyang suit. Hinimas ko naman ang aking braso na may marka ng kanyang mga kamay sa higpit ng hawak nito kanina.
May pinirmahan siyang papel at ibinigay sa akin.
"Here!" Nadapo naman ang tingin nito sa aking braso na may marka. Medyo nanlaki ang kanyang mga mata ngunit binawi agad ang reaksyon at pinalitan ng malamig na titig.
Walang pag alinlangan Kong tinanggap ang papel na alam Kong cheque at tiningnan ang halaga doon. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Dalawang milyon.
Sobrang sobra ito sa sinabi ko.
"Masyado yatang malaki." Sabi ko.
"At nagrereklamo ka pa talaga ha, gusto mo bang dagdagan ko?" Sarkastiko nitong sabi.
Umiling ako, syempre hindi. Sobra na nga diba? Bayad upang layuan ko ang tatay niya.
"Salamat." Nahihiya Kong sabi. Alam Kong hindi dapat ako magpasalamat dahil para naman ito sa anak niya. At nasisiguro Kong walang kabayaran ang ginawa niyang kahayupan sa akin noon.
He laughed sarcastically.
"Syempre hindi libre yan-"
Napatitig ako gwapo nitong mukha, kumalma na ito at hindi na mukha nangangain ng tao.
"Ano?" Napakunot ang noo ko, this sounds danger.
"You are going be my whore. And that would end hanggang sa magsawa ako sayo, naintindihan mo?"
Nanlamig ang ako sa sinabi niya. Ganito ba talaga siya kahayop? Ganito talaga ang tingin niya sa akin. Ang sakit lang. Pero wala akong karapatan na magreklamo,pinasok ko ito Kaya haharapin ko.
He handed me his cellphone.
"Give me your number."
Nagdalawang isip akong kunin ang cellphone niya. Makakaya ko Kaya yun?
Angel's face flash in my mind. Kaya dali dali Kong kinuha ito at itinipa ang aking numero. Basta't para sa anak ko lulunukin ko kahit empiyerno.
"You are not going to see other man than me starting right now. Even my very own father."
Madiin ang bawat bigkas nito."Pero may trabaho ako!" Giit ko dito. Hindi pwedeng tutunganga nalang ako. Madaling maubos ang pera kahit gaano pa ito kalaki.
"Then quit that godamn work!! I can pay every fucking night with you. Understand? You are not going to that cheap club again."
Ayan na naman yung mala lion nitong mukha.Napaigtad naman ako sa galit niyang boses na talagang nagpawindang sa aking kalamnan.
I'm dead...
❤6.16.17
BINABASA MO ANG
Leora The Stripper [COMPLETED]
Roman d'amour-stand alone- Leora Mitch Legaspi is the long lost daughter of the great tycoon couple who is ambush by vigilantes. Itinago siya ng kanyang tiyahan sa bahay at pinalabas na nawala ito mula noong mamatay ang mga magulang, when she reached the age of...