chapter 27

31.8K 791 20
                                    

May dalawang van ang sumundo sa amin sa NAIA.

"Santi, bakit may mga bodyguards?" I asked him in confused.

"For security Le, may mga bata tayong kasama. At ang daming masasamang loob dito." Sabi niya habang karga si Gelo.

"As if hindi ako tumira sa squater." I rolled my eyes. Ang OA lang ha, anim na unipormadong mga malalaking lalaki ang pumlibot sa amin.

"Le, iba kana ngayon." Binigay niya sa akin si Gelo at kinausap ang mga unipormadong mga kalalakihan kaya pumasok na kami sa van."

"Nanay, can I visit my friends?"
Tanong agad sa akin ni Angel ng makapasok ako sa van.

"Of course. Tayong dalawa. Pero bukas nalang ha kasi papahinga muna tayo." Sagot ko.

Nakangisi naman ito at tumango tango pa.

"Nanay, dede!" Gelo exclaimed.

"Sure baby." I giggled to him. Kinuha ko ang bote ng gatas sa kanyang yaya at pinadede ito.

Dumeritso kami sa mansion nina Santi. Ang kanyang Ante Cecel lamang ang tanging nangangalaga dito mula ng pumanaw ang kanyang mga magulang. Their mansion is inspired by Japanese, kasi japonisa ang kanyang nanay at purong pinoy naman ang kanyang tatay na kaibigan at business partner ng aking mga magulang dati.

Hindi mawala sa bahay ang mga malalaking koi at mga pigurin na pinakaiiwasan ko Kay Gelo. Sa kakulitan kasi nito ay nakabasag ito doon sa bahay namin sa Japan ng limang malalaking pigurin at nasira pa ang granite tiles namin,buti hindi ito nasugatan o kaya ay nadaganan.

"Santi, can we remove those figurines for a while? Habang nandito lang tayo. Natatakot kasi ako para kay Gelo."

"Sure! Sure!"

Agad niyang tinawag ang mga bodyguards at pinakuha ang mga pigurin. Hindi ko alam kung saan niya ito pinatago. Si Angel ay tumulak na sa guestroom na para sa kanya at si Gelo naman ay sa akin nalang muna,tabi kami. Bumaba muna ako ng masigurong nakatulog na si Gelo at iniwan ko muna sa yaya niya.

Monique text me and meet her at the shop. Namimiss na daw niya ako. I dial her number para nakausap.

"Hi Yura! Kumusta ang biyahe?"
She exclaimed.

"Okay naman, nasa bahay na kami."

"Meet tayo, sige na! Miss na miss na Kita e."

Natawa ako sa pagkasabi niya.

"Oo naman, saan ba? Sa shop lang?"

"Oo sana kasi hindi ako makaalis ngayon,medyo busy."

"Okay,sige. Papahatid ako Kay Santi."

"Okay bye."

Ibinaba na niya ang tawag kaya pumamnhik na akong baba. Kakapasok lang ni Santi galing sa labas ng bahay. Pababa na akong hagdan ng sulyapan niya ako.

"Hi, Saan ka galing?" I asked.

"Hinatid ko si Geron sa labas."

Nakalapit na ako sa kanya.

"Nandito siya? Nagmamadali?"

"Yeah." Malungkot nitong sabi.

"What's with the face?"

He took me to the sofa at nagtabi kami. Tinaasan ko siya ng kilay, ano bang meron sa taong ito.

"Geron can't make to Suzanne wedding, may fashion show siya sa Hongkong at isang linggo yun." He sighed.

"O, e. Ano naman ngayon? Hindi naman kayo kasali doon sa papaso,diba?" Bahagya akong tumawa. Kinuha ko yung kamay niya at naglambing.

He stared at me.

"What if you'll go with me."

Nangunot yung noo ko.

"Bakit ako?" Kumalas ako sa kanya.

"Para may kasama ako, wala ka namang gagawin dito, kinabukasan pa naman yung concert nina Angel."

Naisip kong wala naman akong gagawin bukod sa echeck yung branch ko dito.

"Well,pwede rin." Ilang beses narin niya akong sinama sa mga social gatherings kaya hindi na ako naninibago sa mga ganito.

Bukas ang kasal ni Suzanne,bandang hapon. Kaya may oras pa ako para bumili ng damit. Papasama nalang ako Kay Santi mamaya pagkatapos ko Kay Monique.

"Hatid mo muna ako kay Monique."

He wrapped​ his arms around me.
"Hindi kaba napagod?"

Humilig ako sa matipuno niyang dibdib.
"Sanay na naman ako." Sagot ko.

He drived me to our branch kung saan si Monique na assign, babalikan nalang niya ako pagkagaling niya sa Isa pang branch namin at sasamahan sa botique ni Geron para sa susuotin ko bukas.

"Wow,ha. Ang sexy mo na uli! Naku maglalaway ang Jallin na yun, panigurado... Mag post ka amega! Sa pinakamaganda mong angulo taz e caption mo ganito.'hi, ako po Yura, yung sinaktan mo.'  ay naku dai, susugod yun." Pagdadrama niya.

"Baliw!"

Hinampas ko siya bahagya, walanyang babae talaga. Tiningnan ko ang mga bagong dating na alahas from China at inisa isa ito. May opisina ako dito at nagtatalak na yung kaibigan ko tungkol sa lalaking  ayaw ko ng makita.

Padarag siyang umupo sa visitors chair.

"Ay, totoo amega. Lahat ng nanakit sayo dati ay wala sila sa kalingkingan mo ngayon." Pagmamayabang niya.

"Tumahimik ka nga, kung ano man ang nakaraan, nakaraan na yun. Isang nalang iyung alala, mamaya bagahe pa yun sa akin."

"Korek ka diyan. Past is past. By the way, kumusta ang mga angels?"
Tukoy niya Kay Angel at Gelo.

"Oh, their pretty good. Nasa mansion ni Santi, pinagpahinga ko muna.  Bukas pala bibisita kami sa looban ni Angel, na mimiss na niya yung mga kaibigan niya doon."
Ibinalik ko na sa kahon yung mga alahas matapos silang inspekyunin.

"Talaga, aabsent ako bukas kung ganoon."
Excited niyang sabi. "Minsan lang din Kaya akong magawi doon." Nakalabi niyang sabi.

Nagkakumustahan at chikahan pa kami bago ako sinundo ni Santi.

"Aalis na kami Monique, may pupuntahan pa kami eh." Paalam ko dito. "Kaw ng bahala sa shop."

Nakangiti ito ngunit wala naman sa akin ang atensyon niya kunde na Kay Santi na naghihintay sa akin sa kotse.

"Hoy, nakikinig ka ba?" Saway ko dito.
Sumimangot itong bumaling sa akin.

"Kukulamin ko talaga yang kaibigan mo, amega. Sa gwapo niyang yan? Sa kapwa lalaki pa nainlove, jusko ang dami naman naming magaganda oh."
Pagmamalaki niya sa kanyang kagandahan. Maganda naman talaga si Monique,kinulang lang sa height at pang upo.

Natawa ako sa sinabi niya, Kay tagal na kasi niyang pinagnanasaan si Santi yun nga lang at pag aari na ito ni Geron.

"Hayaan mo, maghihiwalay din hindi naman sila makabuo ng baby at gustong gusto ni Santi ng baby." Totoo yun, kahit ang kasintahan niya ay lalaki nangarap siyang magka anak na dugot laman niya at hindi ito lingid Kay Geron.

"Talaga? Sinabi niya yun?"
Nagka pag asa ito.

"Oo, kaya lage ka lang handa dyan. At kapag naghiwalay yun,dapat nariyan ka." Pagpapalakas loob ko dito.

Lalaki naman si Santi pero Ewan ko kung bakit lalaki din ang gusto niya. Matipuno, gwapo at ang lakas ng sex appeal. Iniisip ko palang kapag they're​ having their​ time alone, my God nangingilabot ako. Pero syempre kaibigan ko siya kaya all support parin ako dito.

Umalis na kami at tumungo sa botique ni Geron at namili doon ng pwede kong masuot bukas sa kasal ni Suzanne.











❤7.28.17

Leora The Stripper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon