chapter 35

32.3K 833 25
                                    

Muntik na akong maghistirikal sa narinig. Bakit na dengue? Napaka ingat ko sa mga anak ko lalong lalo na sa kanilang kalusugan. Ni hindi ko nga pinapadapuan ang mga yan sa langaw sa lamok pa kayang may dengue? Paano nangyari yun? I'm sure malinis ang kapaligiran  sa mansyon ni Santi.

I glared at Gelo's yaya, may hindi ito sinasabi dahil nakayuko ito.

"Ate, nilabas niyo ba si Gelo ng bahay?" I'm trying not to shout at her dahil naramdaman ko talagang may mali. Hindi naman sa ayaw kong ipalabas ang bata pero dapat kasama ako o di Kaya ay ipapaalam sa akin.

"Sorry Yura, sa parke lang naman ng subdivision at hindi din kami nagtagal." Humihikbi na ito. "Hindi ko sinadya Yura. Naengganyo kasi ako sa ibang yaya na dumaan doon na may dala ding alaga nila, gusto ko lang naman libangin si Gelo dahil hinahanap ka." Umiiyak niyang paliwanag.

Napapikit nalang ako, nanginginig na yung kalamnan ko dahil gusto kong namakit pero hindi rin naman makatarungan kung gagawin ko iyun. Nandito kami sa labas ng laboratoryo upang hintayin ang resulta ng aming mga dugo. Gelo needed bags of bloods at type B- siya. Hindi ako sigurado sa aking blood type pero pwede daw akong mag donate kasi nanay naman niya ako. Santi refuses the blood check kasi type A siya. Ako, si ate Jose at ang tatlong bodyguards ang nagpacheck para maka abuno kay Gelo.

Mabilis ang pag bagsak ng kanyang platelets dahil mabangis na virus ang dumapo sa kanya at posibling tirahin ang kanyang kidney. Kaya para akong mabaliw habang sinasabi iyun ng doctor. Marami din ang dengue cases ngayon kaya pahirapan sa blood bank,kaya kung pwede ay sa mga kamag anak kukuha para ipang abuno sa pasyente.

Madaling araw at hindi ako dinalaw ng antok dahil nasa ICU na si Gelo. Santi called their family doctor upang makatulong sa sitwasyon ni Gelo.

Ang resulta ng aming mga test ay bigo, lalo lamang akong nanggalaiti. Pero sinisi ko rin ang sarili ko, wala ako noong Kailangan niya ako. Walang type B- sa kanila at ako na O- ay pwede sana kaso mababa rin ang aking hemoglobin. Gusto kong magmakaawa sa mga taong nakasalubong ko at magtanong kung B- ba sila o O-, kahit magkano ay magbabayad ako.

I feel hopeless looking at Gelo in that state, minsan na nga lang siyang magkasakit ganito pa kalala. From time to time ay minomonitor siya ng doctor at nurses. Santi was busy on his phone calling somebody to donate a blood for Gelo. Ate Jose is sleeping like a chicken on the bench outside Gelo's unit. Ako, nakatingin lang sa anak kong walang malay habang umaagos parin ang mga luha ko.

May mga iilang yapak akong naririnig palapit sa akin,halos takbo ito.

"Nanay!!"

Angel's voice is roaring the iles... My heart hitch, nakalimutan ko si Angel na nasa ospital din, my God!!.

Niyakap ko siya ng mahigpit ng makalapit na ito sa akin.

"I'm sorry,anak. I'm sorry."
Iyak ko. How could a mother forget his own child, siguro nga ganoon ako ka okupado Kay Gelo.

"It's okay nanay. How's Gelo po?"

Nagpalipat lipat ang mga mata ko sa kanya at saka tumulo na naman ang luha. Everytime I remember Gelo, nanlulumo ako.

"Iuuwi na sana namin siya dahil dinischarge na siya ng doctor, hindi ko naman alam saan siya iuuwi kaya sumunod kami sa bodyguard niyo patungo dito." Jallin interrupted. Tumayo ako at umayos kahit sa loob ko ay hinang hina na ako.

Tumango lamang ako ng wala sa sarili.

"Le, Edgar is type O-, welling siyang magdonate." Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Santi,kasama niya ngayon yung bodyguard na iniwan namin kay Angel.

"Salamat. Salamat Edgar." Sabi ko dito.

"What happen? Bakit kailangan ng dugo?"

Napabaling ako Kay Jallin ngayon na nagtataka,sa likod niya ay naroon ang kanyang ama na nangunot din ang noo.

Leora The Stripper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon