ANDREA'S P.O.V.
Tumatakbo ako papuntang field para magpractice. Late na late na ko, jusmiyo! Kakainis kasi eh. Aish.
"Oh my, I'm sorry", sabi ko sa lalaking nakabangga ko
Tapos tinulungan ko siyang pulutin ang mga hawak niyang libro.
Bakit ba ang malas malas ko ngayong araw? Ilang beses na ko nabangga!
"Hey, it's you again!", sabi niya
Nag-angat ako ng tingin at napakunot-noo.
Teka. Siya yung lalake kanina! Yung nakabangga kong englishero!
"Why do you always bump into someone? You're always in a hurry", sabi niya
Saka niya kinuha sakin ang mga librong pinulot ko. Pero, hindi kagaya kanina, hindi na siya nagsusungit!
"Pasensya na talaga kanina at sa ngayon. Wala na kong oras makipag-usap sayo, male-late na ko sa practice ko. Bye!", sabi ko
Saka na ko tumakbo ulit.
Pero, infairness! Gwapo siya mga bes! Mukhang galing ibang bansa at transferee siya dito. Wiwiwow.
Pero mas gwapo pa din ang Grae ko! Hahaha.
"Oh, nandito ka pa bunso?", biglang sabi ni kuya Spade
Napahinto ako sa pagtakbo. Nandito pa pala sila eh. Nandito rin kaya si Grae?
"Tara na", seryosong sabi ni Grae
Ni hindi man lang niya ko tinignan. Nauna pa siyang maglakad at naiwan kaming nakatayo nila kuya Spade dito.
"Okay ka lang?", tanong ni kuya Stroam sakin
Tumango lang ako at ngumiti tapos tumakbo ako at hinabol si Grae. Sinabayan ko siya sa paglakad.
"Grae, kamusta ka na?", tanong ko sa kanya
Pero nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad at hindi ako pinansin.
"Grae, pwede ba tayong mag-usap? Pagkatapos ng practice", sabi ko ulit
Pero hindi pa rin niya ko pinansin at mas binilisan pa niya ang paglakad.
Hays. I'm so hopeless.
"Grae, pansinin mo naman ako oh. Kausapin mo naman ako please? Bakit ka ba ganyan? Sobra mo na kong nasasaktan", malungkot kong sabi sa kanya
Nagulat ako kasi bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako.
Ang seryoso ng mukha niya. Hindi ko siya mabasa. Blanko ang expression ng mga mata niya.
"Nasasaktan ka na ng sobra? Edi tumigil ka na. Tigilan mo na ko, kasi wala kang mapapala sakin kagaya ng lagi nilang sinasabi sayo. Bukod sa mukha kang tanga, nagmumukha ka na ring desperada sa kakahabol sakin. Ano ka ba? Aso ka ba para maghabol?", sabi niya ng deretsong nakatitig sa mga mata ko
BINABASA MO ANG
Chasing You (EDITING)
RomanceGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...