ANDREA'S P.O.V.
Sabado ngayon at sabi ni Ares may training daw kami. Excited pa man din ako. Pero ang gago hindi sinabi na kasama ko pala sina kuya Third at ate Makspeyn. Although iba naman ang magttrain sa kanila. I just feel awkward pa din kasi.
"Ano na? Haha", natatawang sabi ni Ares
Hinampas ko siya ng bow na hawak ko siya inirapan. Natawa naman siya. Bwisit 'to. Tatawanan pa ko. Psh.
"Sorry na. Haha. Baka kasi hindi ka pumunta kapag nalaman mong nandito sila", sabi niya
"Talagang hindi", sagot ko
"Kita mo na?", sabi niya ulit
Inirapan ko na lang siya at napabuntong-hininga.
Gustong-gusto ko kasi silang kausapin, pero hindi ko alam kung paano. Kung saan ako magsisimula. Gayong, masakit pa din sakin ang nangyari—ang ginawa nila.
Ayoko naman na makipag-usap sa kanila kahit alam kong hindi pa okay sakin. Hindi ako plastic noh. D u h. Never. Over my dead body.
"Tara na", sabi ni Ares
Tumayo siya. Tumayo naman ako at sumunod sa kanya. Sabi niya kasi, etong pana muna ang aralin ko. Mas madali daw kasi 'to sabi niya. Swapang noh? Psh.
"Oh, subukan mong tirahin", sabi ni Ares
Tinignan ko ang sinasabi niya. Tarantado! Ang layo! Pano ko tatamaan? First time ko lang!
"Gago ka ba? Ang layo niyan eh! Hoy! First time ko pre! Bakit ang layo agad!?", singhal ko sa kanya
Siraulo eh. Hindi pwedeng yung malapit muna!? Tapos yung unti-unting lumalayo ganon! Parang yung closeness namin ni Grae. Charot! Bwisit. Grae na naman. Grrr.
"Kaya mo 'yan. Magtiwala ka sa sarili mo", nakangiting sabi ni Ares
Inirapan ko lang siya at pumwesto. Ewan ko ba. Ito talaga ang unang beses na hahawak ako ng ganitong armas pero pakiramdam ko alam ko na gamitin kahit na hindi ko pa nararanasang gamitin.
"Deretso ang tingin. Focus", seryosong sabi ni Ares
Sinunod ko ang sinabi niya. Tinira ko ang napakalayong mansanas and BOOM! Tinamaan ko nga! Ang galing ko! Omg!
"First time daw", natatawang sabi ni Ares
"First time ko talaga promise!", sabi ko
Totoo naman kasi eh. Normal lang naman akong tao dati kasi. Never kong naranasan maghawak ng nga ganitong armas.
"Not bad para sa isang first timer na kagaya mo", nakangising sabi ni Ares
"Hoy, 'wag mo kong minamaliit. Baka tamaan ka neto", sabi ko saka ko tinaas ang hawak kong pana
"Tama lang ng pana ni kupido, ayos na ko", sagot niya saka niya ko nginitian
"Whatever", sabi ko saka ko siya inirapan.
Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko. Naging hobby na niya ang guluhin ang buhok ko. Para tuloy akong aso. Grrr.
"Sumunod ka sakin", sabi niya
Tapos naglakad na siya. Sumunod din naman ako. Sabi niya eh. Anong magagawa ko? Bwahaha!
"Ano 'to?", tanong ko
BINABASA MO ANG
Chasing You (EDITING)
RomanceGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...