ANDREA'S P.O.V.
Sobrang gulo naming dalawa ni Grae. Daig pa namin ang pinagbuhol-buhol na buhok, na hindi mo na maayos at ang tanging solusyon na lang ay ang gupitin ito.
Kung nung isang araw, sobrang kinikilig ako dahil sa paglapit niya sakin ng ganon at dahil sa pagsabi niya sakin ng ganon, ngayon naman, naiinis at nasasaktan na naman ako. Kasi may kasama na naman siyang iba.
Hindi ko na alam kung saan pa ba ako dapat lumugar. Kung ano ba ang lugar ko sa buhay niya. Kung sino ba ko para sa kanya. Pakiramdam ko kasi, pass time lang ako. Na kung wala siyang matipuhang babae, sakin ang bagsak niya.
"Gwapo ni JK noh?", biglang sabi ni Messyne
Sakto namang kadadating lang din ni Hyrie.
"Oh, nakasimangot ka na naman? Ang aga-aga", sabi ni Hyrie
Hindi ko na lang sila sinagot at napabuntong hininga.
Sino ba naman kasi ang hindi malulungkot kung umagang-umaga bumubungad sakin ang pambababae niya?
"Oh bakit? Hindi mo ba nakita sa may pathway? Si Grae at yung bagong babae niya, nandun naglalandian. Aga aga", mataray na sabi ni Messyne
Nakita naman pala nila. Buti pa sa kanila, walang epekto. Wala lang. Tapos sakin, lakas ng impact.
"Di ko napansin. Hindi naman kasi kapansin-pansin. Pake ko ba dun? Psh", sabi ni Hyrie
Nag-kwentuhan na lang kami hanggang sa maya-maya bigla kaming nakarinig ng announcement.
"All marching band members, proceed to the field now", sabi ng nag-announce
"Practice na naman jusko! Ang aga pa", sabi ni Messyne
"Malapit na contest, ano magagawa mo?", sabi naman ni Hyrie
Hindi na ko nagsalita at tumayo na lang. 'Di pwedeng ma-late. Baka dadaan na naman ako nung trainor. Although, alam ko nakakabastos ako that time, pero anong magagawa ko? Ganito talaga ko. Hindi ko na mababago.
"Di man lang naghintay", sabi ni Messyne
Tapos kasunod niya si Hyrie, hanggang sa sinabayan nila ko sa paglalakad. 'Di na ko nagsalita, at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Kami pa ang unang nakarating. The earlier, the better nga naman. Tsk.
"Oh, andyan na sila!", kinikilig na sabi ni Messyne
Tapos pagtingin namin ni Hyrie, sila ate Kyara pala ang tinutukoy niya. Kasama nila si JK. Aba bakit? Nag-marching band na din ba 'to?
"Hi shobes!", nakangiting bati ni ate Kyara
Nginitian lang namin siya tapos ganon din sa iba. Then biglang tumabi sakin si Kuya Third at inakbayan ako.
"Alam mo, may natuklasan akong siguradong ikatutuwa mo", bulong niya sakin
Napakunot-noo akong lumingon sa kanya, pero wrong move kasi putek ang lapit ng mukha niya. Pero imbes na ilayo niya, nginitian niya lang ako ng malawak.
"Oy, ano binubulong mo kay bunso ha?!", biglang sigaw ni kuya Spade
Nagulat ako kaya medyo natulak ko ng malakas si kuya Third. Napatawa pa siya.
BINABASA MO ANG
Chasing You (EDITING)
Любовные романыGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...