Chapter 24

1.6K 27 2
                                    

KEVIN'S P.O.V.

Naghintay ako dito sa labas ng school nila Andrea, pero wala pa rin siya. Kanina pa ang uwian nila. Hindi ko rin matawagan ang phone niya.

"Kevin, anong ginagawa mo dito?", tanong ni Hyrie

Agad akong nag-angat ng tingin at napaayos ng tayo.

"Susunduin ko si Andrea. Nasaan siya? Bakit hindi niyo siya kasama?", nagtatakang tanong ko

Bigla silang nagkatinginan ni Messyne. Napakunot-noo ako. Is there something wrong?

"Nag-cutting classes siya Kev. Hindi siya pumasok ngayong hapon. We tried to call her, pero she's not answering the phone. We don't know where to find her", sabi ni Messyne

Cutting classes?! So may nangyari nga?

"What happened?", seryosong tanong ko

Napabuntong-hininga si Hyrie at lumapit sakin. Saka niya hinawakan ang balikat ko. Bigla ring sumeryoso ang mukha niya.

"If you want to win her back, do everything. Kung gusto mong masiguro ang kaligtasan niya, I think you need to transfer here, for good. Para mabantayan mo siya ng maayos. Hindi kita binabalaan ha? Pinagsasabihan lang kita. Make a move, before you lose", seryosong sabi ni Hyrie

Saka na sila umalis ni Messyne. Naiwan akong tulala at iniisip kung anong gustong sabihin ni Hyrie. Huli na ba ko? Wala na ba talagang pag-asa?

"Gagawin ko lahat para mabawi ka", bulong ko sa hangin

Agad akong pumasok sa kotse at sinubukan siyang hanapin.

Una kong pinuntahan ang sementeryo. Bakit dito? Kasi kapag gusto niyang mapag-isa at nalulungkot siya, dinadalaw niya ang puntod ng lolo at lola niya, sa mother's side. Pero wala siya dito.

Sunod kong pinuntahan ang playground. Bakit dito? Dahil kapag gusto niyang mag-isip o gawing masaya ang sarili niya, dito siya nagpupunta. Ang makita niyang masayang naglalaro ang mga bata, it makes her happy too. Pero wala rin siya dito.

Isang lugar na lang ang hindi ko napupuntahan. Sa dagat.

Agad akong nagdrive ng mabilis at nagpunta sa dagat. Bakit dito? Kapag galit siya o naiinis, dito siya nagpupunta. Para ilabas ang sama ng loob. At para pagmasdan ang alon. It makes her calm. Pero motherfucker, wala din kasi siya dito.

"Fuck it, fuck it", mahinang mura ko sa sarili ko

Saan ko siya hahanapin? Pinuntahan ko na ang mga posible niyang puntahan, pero wala siya. Damn it. Wala man lang akong magawa!

Maya-maya biglang nagring ang phone ko, nung tignan ko ay nakita ko ang pangalan ni Andrea sa screen kaya agad agad ko itong sinagot.

"God damn it! Where are you!?", sigaw ko

Ayoko man siyang sigawan pero hindi ko mapigilan!

"K-Kevin", nauutal niyang sabi

Sinubukan kong ikalma ang sarili ko.

"Where are you? I'll pick you up", kalmado kong sabi

Napatawa siya ng mahina pero narinig ko din ang paghikbi niya. She's crying again. Fuck that Grae del Fiego!

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon