Chapter 22

1.9K 32 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Pag-uwi ko sa bahay, nakita ko ang kotse ni Kevin. He's here? Wala bang klase 'to? Tsk.

"Oh, nandiyan ka na pala anak", sabi ni Mommy nung makapasok ako

"Hi", nakangiting bati ni Kevin

Tinanguan ko siya tapos humalik ako sa pisngi ni Mommy. Tapos, late reaction ako. Nandito pala silang lahat. Ano meron?

"Uh, ano meron? Bakit nandito kayong lahat? May nangyari ba?", nagtatakang tanong ko

Napatawa naman sila. What's funny? D u h. Nagtatanong nga ko anong meron eh. Baka may occassion tapos nakalimutan ko. Brrrr.

"Kevin came here para ipagpaalam ka", seryosong sabi ni Dad

Ano meron? Halah. Bakit ang seryoso ni Daddy? Pagpapaalam saan? May pupuntahan ba kaming malayo? Jusko!

"Bakit? Saan ba kami pupunta?", nagtatakang tanong ko ulit

Napatawa naman si ate. Bwisit 'to. Epal talaga kahit kailan. Psh.

"Pinagpapaalam niya kung pwede ka daw bang ligawan ulit", seryosong sabi ni Dad

Nanlaki naman ang mga mata ko. Mygosh! Hindi ako ready! Omg.

"Okay lang naman samin. Since we know Kevin and his family. And looks like, nagtino naman na ang isang 'to. Pero, nasayo pa din naman ang desisyon anak", seryosong sabi ni Dad

Alam kasi nilang niloko ako ni Kevin dati. Nasabi ko sa kanila, one time. When I was drunk. Arghh.

"He's already courting me Dad", sagot ko

"Pero importante pa rin naman pong makuha ko ang blessing niyo", sabi naman ni Kevin

Napangiti naman sina Mommy sa sinabi niya.

"Sigurado ka bang hindi mo na lolokohin ulit ang apo ko?", tanong ni Lolo sa kanya

"Hindi na po ako gagawa ng bagay na sa huli pagsisisihan ko ulit", nakangiting sagot ni Kevin

"Well then, ikaw na ang bahala sa apo namin?", sabi naman ni Lola habang nakangiti

"Opo. Hindi ko naman po siya pababayaan", sagot ni Kevin

"Bakuran mo. Madami kang kaagaw diyan", natatawang sabi naman ni Ate

Nasa lahi yan. Hindi ko na kasalanan. Hahaha.

"Can we talk Kevin? Privately", seryosong sabi ni Dad

"Ofcourse tito", sagot ni Kevin

Bigla namang tumayo si Dad. Seryoso pa din siya.

"Come to my office", sabi ni Daddy

Tumayo naman si Kevin at sumunod kay Dad. Jusko, ano naman kayang pag-uusapan nila?

"Oh, kalma ka lang. Hindi naman papatayin ni Dad yung manliligaw mo. Pfft", natatawang sabi ni ate

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon