Chapter 17

2K 32 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Pagkatapos ng klase, nag-aya mamasyal sila ate Kyara pero di ako sumama. Pupuntah kasi ako sa bahay nila Grae ngayon. Iimbitahin ko sila sa birthday ko.

"Miss Andy nandito na po tayo", sabi ni manong driver

Tumango ako at bumaba na. Nag-door bell ako. Mga tatlong beses bago ako pinagbuksan ng yaya nila.

"Ma'am Andy kayo po pala. Pasok po kayo", nakangiting sabi niya

"Salamat ate", nakangiting sabi ko saka ako pumasok

Hmm, wala pa din si Grae? Pero kanina pa siya nagpaalam na umuwi ah? Nauna pa siya sakin. Tapos 'di rin naman siya sumama kila ate Kyara.

"Ate andy!", sigaw ni Fire

Tapos agad siyang tumakbo papunta sakin at yumakap. Kasunod niya su Burn, na yumakap din sakin.

"Hello iha. Sana ay dalasan mo na talaga ang pagdalaw dalaw dito", sabi ni tita Celine

"Kapag may oras po tita", nakangiting sabi ko

"Aba'y oo naman. Always welcome ka dito sa bahay. Eh, ano ba ang sadya mo?", tanong ni tita Celine

"Eh kasi po tita—"

Hindi ko natuloy ang susunod na sasabihin ko nung biglang bumukas ang pinto.

"Mommy! Daddy!", sigaw ni Fire

Tapos agad siyang tumakbo papunta sa Mommy at Daddy niya. Kasunod nilang pumasok si Grae at si ate Hyo.

What the efff! Hindi ko alam na darating sila. Gosh!

"Hello babygirl. How are you?", nakangiting sabi ni tita Dei

"I'm fine and happy mommy because ate Andy is here!", sagot ni Fire

"Uh, magandang gabi po tita, tito", nakangiting bati ko

"Good evening iha. Gabi na ah. Hindi ka ba hinahanap sa inyo?", sabi ng tito Rey

"Uhm, saglit lang naman po ako. Hindi po ako magtatagal", sabi ko

"Oh, sayang naman iha. Why don't you eat dinner here? You know, we have a lot of things to catch up", sabi ni tita Dei

"Mabuti pa nga. Ipapatawag ko na lang ang driver mo at kumain na din", sabi naman ni tito Rey

Halah! Nandito lang ako para mag-imbita pero mukhang sa ibang bagay pa mapupunta. Errr. What a nice day for me!


"Ate tabi tayo!", sabi ni Fire

"Sure baby", sagot ko

Tapos inayos ko pa yung upuan niya saka ako umupo. Umupo naman sa kabila ko si Burn. Tapos sa tapat ko si Grae. Galing. Galing ng pwesto mga tol.

"So, kamusta ka naman iha?", tanong ni tito Rey

"I'm okay tito. Actually I'm here to invite you po. Birthday ko po kasi bukas", sabi ko

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon