LAST CHAPTER (REWIND)

2K 28 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

"Kung ito lang ang paraan para mapansin mo ko, para kausapin mo ko, handa akong magpakatanga at maging desperada ng paulit ulit", sagot ko sa kanya

Napatawa siya ng mahina tapos napailing iling siya. Tapos tumingin ulit siya sakin.

"Umalis ka na sa buhay ko. Ayokong nakikita ka, hindi ba obvious? Pero dahil nasa iisang school tayo, malabong mangyari. Pero ako na ang umiiwas. Pero patuloy ka pa din sa paghahabol.  Ano ka ba? Aso? Habol ng habol? Damn it. Lubayan mo na ko. Kalimutan mo na ko. Tantanan mo na ko!", sigaw niya sakin

Napaatras ako at napikit sa sinabi niya. Medyo napatalon din ako sa gulat dahil sa biglang pagsigaw niya.

"Pero Grae sinubukan kong kalimutan ka, ilang beses na. Pero hindi ko kaya. Hindi ko magawa. Wag ka namang ganyan oh? Hindi naman tayo ganito dati ah. Ano bang nangyari? Bakit biglang ganito?", naiiyak kong sabi sa kanya

"Wag kang umiyak. Wag mo kong dramahan dahil wala ring mangyayari. Wala ka pa ring mapapala sakin kahit lumuha ka ng dugo diyan. Ang mabuti pa, tigilan mo na lang ako. Baka sakaling mas matuwa pa ko sayo pag ginawa mo yun", seryoso niyang sabi

-

"Type mo?", tanong ni Grae

Himala? Kinausap niya yata ako? Gosh kinikilig ako! Paano kumalma?!

"Hmm. Gwapo siya. Mabait. Matangkad. Gwapo ngumiti. Masaya kasama", sagot ko

Bigla namang sumama ang tingin niya sakin tapos bigla niyang hinampas yung lamesa. Kaya medyo napatalon ako sa gulat.

"Type mo nga?", seryoso niyang tanong

Halata sa boses niya ang pagkainis. Pero inaano ko ba siya?! Nakakainis!

"Bakit ba? Kung type ko? Bakit? Magseselos ka ba? Hindi naman diba?", sabi ko sa kanya

Tapos bigla siyang natahimik at napairap. Bwisit, bading! No, hindi pala siya bading. It can't be! Hahahaha.

"Ano? Magseselos ka? Sabihin mo. Lalayuan ko siya. Haha", pang aasar ko sa kanya

Nagulat ako nung inilapit niya ang mukha niya sakin at tinitigan ako ng seryoso. KINIKILIG AKO MGA BES!!!

"Ang akin ay akin. Kung akin na, hindi na pwedeng makuha o maagaw ng iba. Kuha mo?", seryoso niyang sabi sakin

-

"Why? Is he your boyfriend? Are you together? If yes, I'll back off. If not, then I won't", sabi ni JK

"H-hindi k-kami", nauutal kong sagot

"Oo nga naman, walang kami. At kahit kailan hindi magiging kami", seryosong sabi ni Grae

Tapos bigla siyang tumayo at umalis. Napapikit na lang ako at nagpigil ng iyak.

-

"What? You like her? You love her? You care for her? Then why don't you tell it straight to our faces!? Why do you need to hide!?", sigaw ni JK

Unang bess ko siyang makitang sumigaw. Unang beses ko din siyang makitang galit.

"What?! You love her!? C'mon! Say it! Then I'll fcking back off!", sigaw ni JK

"I.don't.love.her", madiing sabi ni Grae

Unti-unting bumagsak ang luha mula sa mga mata ko. Ang sakit. Ang sakit sobra. Akala ko sanay na kong marinig mula sa kanya ang mga yon, pero hindi pa pala. Masakit pa rin pala.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon