Chapter 9

2.3K 30 2
                                    

AGATHA'S P.O.V.

Agatha Zimhea Punzalan, kaibigan nila Grae.

It's been one week simula nung insidenteng 'yon'. Dapat ngayon na ang contest namin sa marching band, pero na-postpone daw at nai-move. Next week na lang daw. Okay na din 'yon, para mas maigihan pa namin lalo ang mag-practice.

"Nagugutom ka na shobe?", tanong ni Kyara kay Andrea

Umiling naman at ngumiti si Andrea. Sabi kasi nila Hyrie hindi pa siya kumain ng breakfast.

Simula nung mangyari 'yon, naging tahimik na ulit si Andrea. Hindi kagaya dati na, madaldal siya. Okay na sana kung atleast nagtataray siya, pero hindi din eh. Madalang na din ang pag-ngiti niya.

One week na rin silang hindi nagpapansinan ni Grae. Ang dahilan? Hindi ko alam. Silang dalawa lang ang makakasagot niyan.

Hindi rin namin alam kung ano ba ang pinag-usapan nina Andrea at Kevin noong iniwan namin silang dalawa. Sinubukan naming tanungin si Andrea pero hindi niya kami sinasagot. Sinubukan din naming tanungin ni Hyrie si Kevin pero hindi rin siya nagsasabi.

"Hays. Kumain ka naman shobe. Kita mo, namamayat ka na oh", sabi ni Kyara

"I'm fine achi", sagot ni Andrea

Ganyan, ganyan kaikli ang mga sagot niya. Daig pa niya ang na-trauma na hirap magsalita. Kung bibilhin ang bawat salita niya, siguro aabot ka ng bilyong bilyong pera.

"Excuse, sagutin ko lang", sabi niya

Tapos tumayo siya at umalis. Nagpunta siya sa gilid at sinagot ang tawag. Nagkatinginan naman kaming lahat.

"It's Kevin", sabi ni Hyrie

Napatingin kami sa kanya. Paano niya nalaman?

"Nakita ko sa screen kanina", sabi ni Hyrie

Tumango na lang kami.

Nagkabalikan na kaya sila ni Kevin? Eeksena na ba si Kevin? Ano nw kayang meron sila?

Pero mas mabuti na siguro 'yon—na kay Kevin siya mapunta. Napatunayan naman ni Kevin na nagsisisi na siya eh. Deserve naman siguro niya ang second chance. Hays.

"Pabayaan niyo na lang siya. Magtiwala tayo sa mga desisyon niya. Alam na niya ang ginagawa niya", sabi ni Makspeyn

Saming lahat, si Makspeyn ang pinakamatino. Pinakatahimik samin. Siya ang pinaka-ate ng grupo na 'to. Lahat kami, tiklop sa kanya. Siya ang batas.

"Mas mabuti na rin yan. Para naman maibaling niya sa iba ang atensyon niya. Hindi yung puro na lang siya Grae", sabi naman ni Spade

Kung sabagay, tama sila. Siguro nga, eto na ang tamang panahon para kalimutan niya na ang nararamdaman niya para kay Grae.

"Okay okay! Positions!", sigaw ng trainor namin

Agad naman kaming nagsipwesto. Sakto ding natapos na makipag-usap sa phone si Andrea. Ni hindi man lang niya kami nilingon.

She's back to her old self. Yung Andrea na nakilala namin nung unang salta siya dito. Yung walang kibo. Yung walang expression ang mukha. Hindi mo mabasa ang mga mata. Walang bahid ng ngiti sa mga labi niya.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon