ANDREA'S P.O.V.
Muling bumukas ang ilaw. Napatingin ako sa paligid. Nasa gilid pa din si Principal kasama ang ibang teachers.
"Tara", sabi ko kay Ares saka ako naunang naglakad
Pinuntahan namin kaagad kung nasaan ang tropa.
"May nangyari bang masama sa inyo?", tanong ko
Nagulat pa sila sa pagsulpot ko at nanggigilid ang luha nila. Pero hindi ko inintindi 'yon. Wala akong oras para sa iyakan ngayon.
"Wala naman bunso. Bakit?", tanong ni kuya Spade
Tinanguan ko lang siya bilang pagsagot.
Isa-isa ko silang tinignan para i-check. Pero may isang kulang.
"Nasan si ate Cheo?", tanong ko
Nagkatinginan sila dahil sa tanong ko.
"Teka. Nandito lang siya sa tabi ko kanina", sabi ni ate Kyara
Napalingon ako sa kanya pero bakante ang upuan sa tabi niya.
Kung ganon, tama ang hinala ko.
"Sinabi kong bantayan mo silang mabuti!", bulyaw ko kay ate Makspeyn
Tumayo siya at yumuko sa harapan ko.
"Pasensya na pinuno", sagot niya
"Teka! Anong nangyayari!? Anong pinuno ang sinasabi mo Makspeyn!?", nagtatakang tanong ni ate Agatha
Pinuntahan ko ang upuan ni ate Cheo at nakita ko ang isang maliit na piraso ng papel.
May nakasulat na kung ano, pero hindi ko mabasa. Hindi k matukoy kung ano.
"Akin na", biglang sabi ni kuya Third
Itinapat ni kuya Third yung papel sa may ilaw at biglang naglitawan ang mga nakasulat roon.
GYM.
"Diyan lang kayo! Bantayan niyo sila! Isang tao pa ang mawawala, kayo ang mananagot sakin", seryoso kong bilin kila Ate Makspeyn at sa iba pang nandun
Aalis na sana ako para puntahan si ate Cheo pero hinila ni ate Venus ang kamay ko.
"Bakit ate?", tanong ko
"Nawawala si Alyssa", seryosong sabi niya
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"Ano!?", sigaw ko
Mabuti na lang at malakas ang soundtrip dito kaya hindi naririnig ang pagsigaw ko.
"Nakita ko 'to. Nasa gym siya", sabi ni ate Venus saka niya ipinakita sakin ang isang piraso ng papel.
Kagaya ng nakita ko sa upuan ni ate Cheo.
Napagala ang tingin ko para hanapin ang principal. Pero wala na siya.
Sinasabi ko na nga ba.
Tama ako. Alyssa and ate Cheo aren't the villains here. They are the victims.
"Tara sa gym ate. Bilis", sabi ko
BINABASA MO ANG
Chasing You (EDITING)
Roman d'amourGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...