Chapter 39

1.7K 26 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Sa loob ng iisang araw, ang daming nangyari. Ang dami kong nalaman. Pakiramdam ko, kakaiba akong tao. Pakiramdam ko, hindi nababagay ang katulad kong makisalamuha sa iba, na hindi ako normal.

"Kamusta ang pakiramdam mo?", tanong ni Ares

Si Ares—hindi pa pala ko nakakapagpasalamat sa kanya. Dalawang beses na niyang ibinuwis ang buhay niya para sakin pero hindi man lang ako nakapagpasalamat.

"Okay na ko. Salamat sayo", sagot ko

Ngumiti lang siya at lumapit sakin. Tapos, kumuha siya ng kutsilyo at nagbalat ng mansanas.

"Walang anuman. Tungkulin ko ang protektahan ka. Tungkulin ni Venus ang protektahan ang kapatid mo. Pasensya na at hindi namin nagawa ng maayos ang trabaho namin", sabi ni Ares

"Hindi, nagawa niyo naman. Pasensya na sa nasabi ko sa mga magulang niyo at sa inyo na din. Hindi ko sinasadya, nadala lang ako. Hindi ko rin kasi alam kung anong gagawin ko oras na may mangyaring masama sa kapatid ko", sabi ko

Ngumiti lang si Ares at nag-abot ng mansanas.

"Kumain ka, magpalakas ka. Kailangan mo 'yan", sabi niya

Tumango ako at ngumiti. Tapos nag-alok ko kung gusto niya ba, pero umiling lang siya at ngumiti.

"Alam mo, dalasan mo ang pagngiti. Bagay sayo, lalo kang nagiging gwapo", nakangiting sabi ko sakanya

Totoo naman kasi. Gwapo siya at astig niyang tignan kapag seryoso siya palagi. Pero mas gwapo siya at mas maaliwalas tignan kapag nakangiti siya.

"Mawawala ang angas ko kapag ginawa ko 'yon", natatawa niyang sabi

"Eh bakit sakin ngumingiti ka? Nagagawa mo din tumawa", sabi ko

"Ewan ko. Hindi ko mapigilan. Basta ang alam ko, masaya ako kapag nandiyan ka", sagot niya

Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Hades. Totoo kaya yon? Posible bang may gusto sakin si Ares?

"Huwag kang mag alala. Hindi ko naman balak guluhin ka. Hindi nararapat ang tulad ko sa isang espesyal na kagaya mo", sabi ni Ares

"Wag ka ngang ganiyan. Kung pwede nga lang turuan ang pusong magmahal, ginawa ko na. Para ikaw na lang ang minahal ko. Baka sakaling mas naging masaya pa ko. Hahaha", sabi ko

Naalala ko na naman ang nangyari sa party. Ni minsan walang nabanggit sakin si Fire tungkol sa pinsan ko. Actually, hindi ko purong pinsan si Alyssa. Dahil anak siya ng pinsan ni Daddy.

"Bakit naman? Mas magiging magulo lang ang buhay mo kung sakin ka mapupunta. Palagi kang madadawit sa gulo. Gagawin ka nilang pain para makuha ako. Alam nilang ikaw ang kahinaan ko", sagot ni Ares

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Ayaw mo nun? Exciting buhay nating dalawa. Hahahaha. Parehas tayong hahabulin ni kamatayan kapag nagkataon. Hahahaha", tumatawa kong sabi

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon