Chapter 37

1.7K 23 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Punyeta 'tong mga 'to. Sila na naman yung dumukot sakin dati. Ano ba kailangan sakin ng mga 'to? Psh.

"Kamusta ka?", tanong nung isa

Nagtataka ko siyang tinignan. Bakit naman niya tinatanong? Close ba kami? D u h.

"Hades ang pangalan ko", sabi niya

"So? Pake ko? Hindi ko naman tinatanong. Feeling close ka?", sagot ko

Tumawa naman siya. Tawang demonyo, luh.

"Patawa ka. Baka gusto mong masaktan?", sabi ni Hades

"Baka ikaw gusto mong mawalan ng buhay?", maangas kong sabi sa kanya

Hindi ko alam, pero bakit ganon? Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lahat ng sinasabi ko ngayon. Wala rin akong maramdaman na kahit anong takot.

"Matapang ka rin eh. Akala mo naman may ibubuga ka? Ordinaryong tao ka lang naman", sabi nung Hades

Bakas sa boses niya ang pagkainis. Pikon amputek. Grrr.

"Isang pitik ka lang", sabi ko

Tumawa siya ng malakas. May lahi yatang abnormal ang lalaking 'to. Kapag talaga ako nakawala sa pagkakatali, babangasan ko mukha nito. Kahit isa lang.

"Hades, nandito na sila Ares", sabi nung Zeus

Oo, Zeus ata pangalan niya. Narinig ko kanina eh. Psh.

"Ano na naman ba 'to Hades?", seryosong tanong ni Ares

Teka, magkakakilala ba sila?

"Para makuha ka. Ano? Handa ka na bang makitang mamatay ang babaeng 'to?", sabi ni Hades

Tapos may itinutok siyang kutsilyo sa leeg ko. Aba, gago 'to ah. Kapag ako, nakawala dito, sakanya ko itututok 'yang kutsilyong hawak niya.

"Eh ikaw? Handa ka na bang maparusahan?", sabi ni ate Venus

Teka, kilala niya rin ba ang lalaking 'to? Ngayon ko lang nakita si Ate Venus na ganyan ka-seryoso. Maliban na lang nung unang beses nila kong niligtas. Nung inaway niya si ate Cheo.

"Anong parusa naman ang sinasabi mong babae ka ha? Patawa ka din eh", sabi ni Hades

"Ang gumamit ng iba bilang pain sa pagkuha ng kalaban nila", sabi ng isang lalake

Pamilyar ang boses niya. Teka. Si...... si daddy ba yon?

"At sino ka naman? Magpakita ka", maangas na sabi ni Hades

Unti-unti lumabas mula sa madilim na bahagi ang lalaking nagsalita kanina. Pagtingin ko, tama ako! Si Daddy nga! Pero bakit!? Anong kinalaman ni Daddy dito!?

"T-teka! Bakit kasama niyo ang n-nakatataas!?", gulat na sigaw ni Hades

"Dahil 'yang babaeng tinututukan mo ng kutsilyo ay anak ko", seryosong sabi ni Daddy

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon