Chapter 63

1.5K 25 0
                                    

ARES' P.O.V.

"Ate, san na yung ipapakilala kuno?", nagtatakang tanong ni Andrea

"Wala. Nagbibiro lang ako. Iniiwas lang kita sa kanila. Kahit naman palagi kitang iniinis and so on, I can't afford seeing you hurt", sagot ni ate Abigail

"Ate talaga", natatawang sabi ni Andrea

"I saw how you looked at them Andy. You still love him. Hindi ka magaling magtago ng nararamdaman for your information. And seeing him with our cousin, I know it hurts. I know you're hurting", sabi pa ni ate Abigail

Napabuntong hininga na lang si Andrea.

"Maiwan ko muna kayo rito. Pansamantala, dito muna kayo. Wag ka na munang bumalik don", sabi ni ate Abigail kay Andrea

"Fine", mahinang sagot ni Andy

"Ares, ikaw muna bahala sa kapatid ko ha? For now, he needs someone. Alam ko yun", nakangiting sabi ni ate Abigail

"Ofcourse ate. Kahit naman hindi ako kayang mahalin nyan, aalagaan ko pa din", sagot ko

Nginitian lang ako ni ate Abigail at tinapik sa balikat bago siya umalis.

Naupo ako sa tabi ni Andrea. Malungkot na naman siya.

"Lalim ng iniisip ah? Care to share?", nakangiting sabi ko

Hindi niya ko nililingon at nanatili siyang nakatitig sa baba.

"Akala ko okay na. Akala ko handa na ko. Akala ko kaya ko na. Hindi pa pala. Sabi ko non, ihahanda ko muna ang sarili ko bago ako bumalik. Para kapag nakita ko siyang may kasamang iba, ayos lang sakin. Pero mali ako. Akala ko kaya ko na. Akala ko handa na kong makita siyang may kasamang iba. Pero hindi pa pala. Masakit. Sobrang sakit", mahina niyang sabi

Hindi ako nagsalita at nakinig lang ako sa kanya. Wala naman akong ibang magagawa kundi ito lang. Palaging ito lang. Ang makinig sa kanya. Ang pakinggan ang mga hinaing niya.

"Sabi ko, tatanggapin ko ang kalalabasan ng desisyon ko. Kasi kasalanan ko naman. Ako ang nang-iwan. Ako ang umalis. Ako ang nagpakalayo-layo. Ako yung masyadong naging duwag. Akala ko kaya kong tanggapin. Akala ko kaya kong maging masaya. Hindi pala", sabi pa niya

Kailan ba tayo naging masaya kapag nakita natin ang taong mahal natin na masaya sa iba? Na may kasamang iba. Nasasabi lang natin na, oo, sige, tanggap ko, kaya ko, masaya ako na masaya siya. Pero sa kaloob-looban, may bumubulong na, sana ako na lang yun. Sana ako yung mahal niya. Sana ako yung nginingitian niya. Sana ako yung dahilan ng bawat pagngiti niya. Sana ako ang dahilan ng pagiging masaya niya. Pero hindi ako.

"Nung bumalik ako dito, confident akong kaya ko na. Pero nung narinig ko ang boses niya. Nung makita ko ulit siya. Bumalik lahat lahat. Hindi ko maikaila yung katotohanan na, mahal na mahal ko pa rin siya. Na kahit ilang taon ko siyang di nakita, nakasama, nakausap. Walang nagbago sa nararamdaman ko. Still, siya pa din ang mahal ko. Sa kanya pa din talaga tumitibok ng ganito ang puso ko", sabi ni Andrea

Ang swerte ng lalaking minamahal nito. Kasi, madalang lang ang makahanap ng babaeng kagaya ni Andrea. Oo, mataray siya, masungit. Pero at the same time, palaban. Higit sa lahat, masyado siyang mapagmahal. Tipong mamahalin ka niya kahit sino ka pa. Kahit na tarantado ka. Kahit na ipagtabuyan mo siya palayo. Kapag mahal ka niya, hindi ka niya susukuan.

Pero, minsan hindi ko maiwasang sisihin si Grae. Oo, pinili ni Andrea ang lumayo. Pero may choice si Grae. Hinayaan niyang umalis si Andrea. May magagawa siya. Mapipigilan pa niya si Andrea. Pero hindi niya ginawa. Ano? Habang buhay na si Andrea na lang palagi ang maghahabol ganon ba? Hindi ba pwedeng, nung mga panahong 'yon, siya naman? Siya naman ang maghabol. Siya naman ang di magsasawang umintindi. Na kahit ipagtabuyan siya ni Andrea, hindi siya susuko.

"Nung umalis ako, alam mo ba, inantay ko siya. Akala ko kasi hahabulin niya ko. Akala ko kasi, susundan niya ko. Akala ko hindi niya susundin ang sinulat ko dun. Pero nakakagago, kasi binigay niya ang hinihingi ko. Pinagbigyan niya ko. Nasaktan ako sobra. Yung, ineexpect ko kasi na, pipigilan niya ko. Inaantay ko lang siya. Pero wala akong naantay. Madali lang niya kong mahahanap. Pero hindi niya ginawa. Wala siyang ginawa. Pinabayaan niya ko. Hinayaan niya kong lumayo", sabi ni Andrea

Kahit ako mismo, gustong gusto ko siyang puntahan non. Pero hindi ko siya mahanap. Siguro nga, kung may taong nakakakilala man sa kanya ng lubos, si Grae yun. Si Grae lang.

"Dahil don, inisip ko, siguro nga, ako lang ang nagmamahal. Haha. Hindi pala. Siguro, mahal namin ang isa't isa, pero ako yung mas nagmamahal saming dalawa. Kaya in the end, ako ang mas nasasaktan. Sakin lahat ng sakit. Sakin lahat", dagdag pa niya

Pagtingin ko sa kanya, umiiyak na pala siya. Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang luha niya. Bigla siyang napatawa ng mahina.

"Ngayon, may kasama na siyang iba, mas dapat ba kong matuwa? Kasi, siguro, dahil sa pagmamahal niya sakin, sinunod niya ang sinabi ko. Sinunod niya yung nasa sulat ko. Should I be happy seeing him happy? Or should I be sad because I am not the reason behind that happiness?", umiiyak niyang sabi

Hinigit ko siya at niyakap ko siya ng mahigpit. Bakit ganito? Nagmahal lang siya. Pero bakit kailangang siya ang masaktan ng ganito? Bakit kailangan niyang pagdaanan ang ganitong klase ng sakit? Bakit siya pa?

"Ares, ang sakit. Aaminin kong may kasalanan din ako. Pero ginawa ko lang kung ano sa tingin ko yung tama. Pero tama nga sila, masyadong nakakasakit ang tama. Truth hurts. Truth really fcking hurts", umiiyak niyang sabi

Hinaplos ko ang buhok niya at mas hinigpitan pa ang yakap ko pa siya.

"Cry. Just cry until you get tired. I'm just here. Hindi kita iiwan. You'll be okay, someday", sabi ko

Patuloy siya sa pag-iyak. This party should be happy because she's finally back. But shit that man. He made her cry. Again.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon