ANDREA'S P.O.V.
It's been a week since that incident happened. Hindi na rin kami nagpapansinan ulit ni Grae. Hindi ko rin siya kinukulit. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko mas napalayo pa siya lalo sakin dahil sa nangyari.
Pero iniisip ko, kung hindi ko sinabi 'yon, may mangyayari ba? May magbabago ba? May mapapala ba ko? Mapapansin ba niya? Hindi na ba niya ko iiwasan at ipagtatabuyan? Mamahalin na ba niya ko?
"Shobe may naghahanap sayo!", nakangiting sabi ni ate Kyara
Break kasi namin, katatapos ng practice sa marching band.
"Sino achi?", tanong ko
Biglang may nagtakip ng mata ko. Nagulat ako. Pero yung pabango niya, alam ko. Could it be...
"Ate Hyo?!", excited kong sabi
Tinanggal niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa mata ko at hinarap ako. Binigyan niya ko ng isang malawak na ngiti.
"Ate! I missed you!", sigaw ko saka ko siya niyakap ng mahigpit
Si ate Hyo ang nakatatandang kapatid ni Grae. Tapos yung bunso nila, babae din, si Fire.
"I missed you too Andy. Kamusta ka na?", nakangiti niyang sabi
Binigyan ko siya ng isang malungkot na ngiti. Sasabihin ko bang okay lang ako kahit na alam ko namang hindi? Kahit halata namang hindi.
"Hmm, let me guess. May ginawa na naman bang katarantaduhan ang kapatid ko sayo?", sabi ni ate Hyo
"Palagi namang meron ate eh", sabi naman ni Hyrie
"Oo nga ate. Palagi niyang pinapaiyak si Andy", sabi ni ate Agatha
"Palagi pang may ibang babae ate. Halos every hour yata nagpapalit ng babae si Grae eh. Psh", sabi naman ni ate Cheo
Lumungkot naman yung mukha ni ate Hyo tapos hinaplos niya yung buhok ko.
"Pagpasensyahan mo na si Grae, Andy ha? Alam mo naman yun. Hays. Makakatikim talaga sakin ng sapak yun", inis na sabi ni ate Hyo
Pero umiling ako at nginitian ko si ate Hyo tapos hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya.
"Hindi na kailangan ate. Sanay naman na ko", sagot
Sanay na ko sa ganong ugali niya sakin. Yung harapan akong ipahiya. Harapan akong saktan through hurtful words. Harapan niya ipamukha sakin na hindi niya ako gusto. Harapan kung mambabae.
"Aish. He's so damn lucky to have you, but he's so stupid because he can't keep you", sabi ni ate Hyo
Nah, I'm lucky because he changed my life. The thing is, he can't love me back.
"Anyways, hindi mo ba gustong bumisita sa bahay? Miss ka na daw nina Tita Celine. Lalo na sina Fire at Burn. Lagi ka nilang tinatanong sakin. Hindi mo na daw sila binibisita", sabi ni ate Hyo
Si Tita Celine, kapatid ng papa nila. Si Burn naman pinsan nila. Anak siya ni Tita Celine.
Kilala ako ng pamilya ni Grae. At aware din sila sa nararamdaman ko para sa kanya. Lalo na sa mga katarantaduhang ginagawa niya sakin. Lagi nilang pinagsasabihan si Grae, pero hindi siya nakikinig.
BINABASA MO ANG
Chasing You (EDITING)
RomanceGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...