ANDREA'S P.O.V.
Nung makarating ako sa school, agad akong pinapunta sa faculty room para sa meeting. Ano meron? Aish.
"Oh, there you are, finally", sabi ni Principal
"Good morning teachers. What is this all about?", tanong ko
Nandito rin kasi ang tropa eh. Hindi ako na-informed na may meeting ngayon.
"Oh, hindi ba nila nabanggit sayo?", tanong ni Principal
Ngumiti ako at umupo kung saan medyo malayo sa kanila.
"I'm sorry sir, but we're not in good terms", nakangiting sagot ko
Napa-ohh naman si Principal at napayuko ang tropa. What? I'm just telling the truth. Ano gusto nila? Magsinungaling ako? Hays.
"It's about the grand ball. Instead of doing it after the graduation, we have decided to do it a week before the graduation", sabi ni Principal
"And?", tanong ko
"I want it to be a mascarade ball", sagot ni Principal
Bigla akong nagtaka. Bakit? Bakit gusto niya ng mascarade ball all of a sudden? We already had plans for that ball.
"I'm sorry sir, but I think it'll be better kung normal na ball na lang. Haha. Last year na ng juniors, pagmamaskarahin mo pa ba?", sabi ko
Pakiramdam ko kasi may hindi magandang mangyayari. And I think this principal is into it.
"Last year na ng juniors, hindi niyo man lang ba ko mapagbibigyan?", sabi ni Principal habang nakangiti
There's really something wrong here. Kakaiba yung ngiti at tingin niya.
"Okay then. Mascarade ball it is", nakangiting sagot ko
Sa tingin ko, kailangan kong makausap ang sina Ares tungkol dito. Tsk. Kakailanganin ko ang tulong nila.
"If thats all for today then I'll go first", sabi ko
Napatingin pa ko kunwari sa relo ko at umasta na may importanteng pupuntahan. Kahit wala naman talaga.
"Pwede naman po kayong mag-usap usap na wala ako and then you can just inform me kung ano ba ang napag-usapan niyo. May importanteng quiz ho kasi ako ngayon. Pasensya na", pagsisinungaling ko
Ngumiti ang principal. Kakaiba ang ngiti niya. Parang nakita ko na yan dati—kay Cronus.
"Okay, you may go iha", sabi ni Principal
Tumango ako at ngumiti saka ako nagmadaling lumabas ng faculty room.
Habang naglalakad ako, kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ares. Agad naman niyang sinagot.
"Nasaan ka?", tanong ko
"Room. Why?", sagot niya
"Kailangan nating magkita. Urgent 'to. I have to tell you something 'bout—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko at nabitawan ko ang phone ko dahilan para masalo ko ang isang palaso na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Napalinga-linga ako sa paligid at nagmasid pero wala along makita. Sinubukan ko ring makiramdam pero wala. Saan nanggaling ang pana na 'to? Sino naman ang gagamit ng pana sa school na 'to?
BINABASA MO ANG
Chasing You (EDITING)
RomanceGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...