ANDREA'S P.O.V.
Nagdaan ang mga araw, andaming nagbago. Kagaya ng sinabi Ares, talagang ginagawa niya lahat para umiwas sakin. Kapag nagkakasalubong kami, titigil siya saglit tapos lalagpasan ako bigla. Sa tuwing susubukan ko siyang kausapin, iiwasan niya ko at tila wala siyang naririnig.
Hindi ko rin alam kung bakit apektado ako sa kanya. Pero pakiramdam ko kasi talaga, parang malapit siya sakin eh. Pakiramdam ko nakilala ko na siya dati pa. Pero hindi ko lang maalala.
"Chevrolet", tawag sakin ni Grae
Isa pa 'to. Simula nung nakita niyang dikit ng dikit sakin non si Ares, biglang umepal 'to. Sunod nang sunod, kala mo aso. Dada ng dada, daig pa ang babae. Ewan ko ba diyan.
Oo, aaminin ko, may parte sakin na masaya kasi ganun nga. Parang bumabalik na kami sa dati. Pero sa tuwing titingin ako sa mga mata niya, nasasaktan ako. Naaalala ko lahat ng masamang nangyari saming dalawa.
"Easy tol. Kanina pa nakukulitan sayo si Andy. 'Di mo ramdam? Haha", sabi ni kuya Third
"Eh kung batuhin kaya kita nitong plato?", inis na sabi ni Grae
"Magtigil ka nga! Inaasar ka lang, pikon ka naman. Psh", inis kong sabi
Kahit kailan kasi napaka-pikon. Konting asar mo lang, mabbwisit na siya sayo. Di na nagbago. Psh.
"Sorry", malungkot niyang sabi sakin
See? Hindi na rin siya nakakapagtago ng emotions niya ngayon! Kung dati 'di ko siya mabasa, pwes ngayon basang basa ko na! Kaloka.
"Sus. Ano? Nauntog ka na ba dre? Haha. Habol habol din 'pag may time. Feel mo na ba mga pinaggagagawa mo dati kay bunso?", natatawang sabi naman ni kuya Stroam
"Dati ko pa ramdam. Tss", masungit na sagot ni Grae
Dati pa daw, pero wow! Enjoy na enjoy siya sa pagpapahirap sakin! Grabehan lang!
"Shut up", sabat ko
Umaksyon naman si Grae na parang ni-zipper niya bunganga niya saka siya ngumiti sakin. Inirapan ko lang. Bwisit. Psh.
Ewan ko! Naiirita ako sa presensya niya! Siguro dahil malapit na ko magkaron? Err! Ewan basta! Naiinis ako sa kanya!
"Wala. Tiklop ka pala kay shobe eh! Hahahaha", sabi ni ate Kyara
"Under siya! Hahahaha!", sabi naman ni ate Cheo
"Wag niyo ngang ginaganyan si Grae", sabi ni ate Agatha
Napalingon kaming lahat sa kanya.
"Baka kasi umiyak eh! Hahahaha", sunod na sabi ni ate Agatha
Nagtawanan kaming lahat. Pero si Grae, inis na inis na. Halos mamula na ang buong mukha. Hahahaha.
"Isa pa, tatamaan kayo sakin", pagbabanta niya
"Tamaan mo sila, mananagot ka sakin", sabat ko
Tumingin lang siya sakin tapos parang bata siyang inagawan ng pagkain. Kaloka.
"Bakit ba ang sungit sungit mo sakin?", nakasimangot niyang tanong
"Wow! Nahiya ako sa pagsusungit mo sakin dati ha? Hiyang-hiya ako grabe!", sagot ko
"So bumabawi ka sakin ganon?", seryoso niyang tanong
"Hindi! Bakit ko naman gagawin yon? Oh, please! Nag-quit na ko sa pagiging tanga, okay?", sabi ko
Biglang sumeryoso ang mukha niya. Kagaya ng dati. Yung hindi ko siya mabasa.
"So kahit pala, lumuhod ako ngayon sa harapan mo, hindi mo pa rin ako tatanggapin ulit?", seryoso niyang tanong
Tinignan ko lang siya ng masama. Ano ba nakain neto? Nag-drugs kaya 'to?! Kung anu-ano pinagsasabi! Baliw na yata!
"Ano bang dapat kong gawin para maniwala kang nagpapakatotoo ako sayo? Para maalis 'yang pagdududa sayo", seryoso niyang sabi
Mind reader ba 'to? Pano niya alam? Jusko!
"Hindi mo na ba ko mahal? Tuluyan mo na ba kong nakalimutan? Tuluyan mo na ba talaga kong binitawan? Wala na ba kong chance?", sunod-sunod niyang tanong
Napabuntong hininga na lang ako saka napapikit at napasandal sa upuan. Mygod! Pinapasakit niya ulo ko, sa kakaisip! Hindi ko ma-absorb! Jusmiyo!
"Okay. Naiintindihan naman kita. Freshen up your mind. Kung nakukulitan ka sakin, fine. Didistansya muna ko sayo. Kapag naniwala ka na sakin. Kapag may tiwala ka na ulit sakin, kausapin mo na lang ako. Kasi alam mo? Hindi lang ikaw ang nasaktan noon, at nasasaktan ngayon. Kung ano yung nararamdaman mong sakit, triple non yung sakit na nararamdaman ko. Kaya kung ginagawa mo 'yan para bawian ako. Sige lang. Tatanggapin ko. Deserve ko naman 'to eh. Masyado kasi akong naging gago", seryoso niyang sabi
Saka niya kinuha ang bag niya at sinuot ito saka siya tumayo.
"Grae, that's not what I meant okay?", mahinahon kong sabi
Binigyan niya ko ng isang tipid ng ngiti.
"Okay lang naiintindihan kita. Punta ka sa birthday ko ha? Hindi na bale ang regalo. Presensya mo lang, ayos na ko. Masaya na ko", nakangiti niyang sabi
Saka siya umalis at naglakad palayo. Yung ngiti niya, hindi 'yon ang totoong ngiti niya.
"Okay?", sabi ni Messyne
"Anong drugs kaya tinake ng lalaking 'yon?", kunot noong tanong ni Hyrie
"The old Grae's back", sabi ni ate Makspeyn
"Back?", nagtatakang tanong ni kuya Third
Tumango si ate Makspeyn, pero nanatili siyang seryoso.
"He's back to his old self", sabi ni ate Maks
Ano na? Maniniwala na ba ko? I mean, ramdam ko naman ang sincerity niya. Pero natatakot na ko. Natatakot na kong magtiwala at maniwala ulit. Hindi ko na alam.
Pero isang bagay lang ang sigurado ako. Mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon, siya pa din talaga.
BINABASA MO ANG
Chasing You (EDITING)
RomanceGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...