Chapter 50

1.6K 25 0
                                    

ARES' P.O.V.

Ngayon ay iyak nang iyak si Andrea. Maski ako ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Halos kasama kong lumaki ang mga 'yon. Hindi kami magkakaparehas ng age pero kingina parang sarili ko na ring kapatid ang mga 'yon.

"Sino ang guardians ng mga pasyente?", tanong ng isang doctor

Agad kaming tumayo ni Andrea.

"Kaibigan ho namin sila", sabi ni Andrea

"Nasaan ang mga magulang nila? Sila ang kailangan kong makausap", sabi ng doctor

Nagulat ako nung kwelyuhan ni Andrea yung doctor.

"Sasabihin mo ba sakin ang nangyayari o ikaw ang ipapalit ko diyan at sisiguraduhin kong dederetso ka sa morgue?", seryosong sabi ni Andrea

Mukhang natakot naman yung doctor. Inilayo ko si Andrea at tumalikod siya. Sinipa niya yung isang upuan. Inayos naman nung doctor ang damit niya.

"Ano ho bang meron doc? Pwede niyo namang sabihin samin at kami na ang bahalang magpaliwanag sa mga magulang nila", mahinahon kong sabi

"Well, maaring maulit ang ganitong pangyayari. Ang mag-agaw buhay sila. Ang mga machines na 'yan na lang ang bumubuhay sa kanila. Kapag natanggal 'yan, mawawalan na rin sila ng buhay. Kaya naman, isang milagro na lang talaga kung isang araw ay gigising sila bigla", paliwanag ng doctor

Napapikit na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Pasensya na iho. Ginagawa namin lahat, pero hindi na namin hawak ang mga buhay nila", sabi ng doctor saka niya tinapik ang balikat ko at umalis na

Napatingin ako sa loob ng ICU at nakita ko silang nakahiga roon habang andaming nakaturok na kung anu-ano na siyang bumubuhay na lang sa kanila.

"Kasalanan ko 'to lahat kingina!", sigaw ni Andrea

"Wala kang kasalanan. Sinubukan mo lang silang iligtas pero wala kang kasalanan", sabi ni Messyne

"Nailigtas ko sila, pero pinahamak ko ang iba", umiiyak na sabi ni Andrea

Maya-maya pa ay dumating na sila Daddy, kasama ang ibang magulang ng mga nandito. Yumuko sila para magbigay galang kay Andrea.

Pagkaangat na pagkaangat nila, halos lahat kami nanlaki ang mata.

"Andrea", umiiyak na sabi ni Hyrie

Si Andrea, nasa harapan ng mga magulang namin. Umiiyak habang nakaluhod. Ang isang mas nakatataas samin, nakaluhod.

"Sorry. Sorry po. Sorry. Dahil sakin nag aagaw buhay sila. Kasalanan ko lahat. Sorry. Patawarin niyo ko. Patawad", umiiyak na sabi ni Andrea

Ni minsan ay hindi ako nakasaksi ng mas nakatataas samin na humihingi ng tawad. Siya ang kauna-unahang nakatataas na gumawa ng ganito.

"Tumayo ka pinuno", sabi ni tita Anoushka saka niya inalalayang tumayo si Andrea

Nung makatayo siya ay niyakap niya si Andrea.

Ramdam ko ang lungkot na nararamdaman nila ngayon para sa mga anak nila, pero alam kong alam nila na balang araw ay mangyayari ang ganitong bagay.

Ang mapapahamak kami para lang protektahan sila. Ang pamilya nila. Nakahanda kami sa kamatayan para lang sa buhay nila.

"Wala ho kayong kasalanan pinuno. Ginawa lamang nila ang inyong pinag-uutos. At tungkulin namin ang sundin ang lahat ng inuutos niyo", sabi ni tita Anoushka

"Sana hindi ko sila inutusan. Sana hindi ko na lang sila dinamay. Sana mag isa ko na lang hinarap ang lahat ng 'to", umiiyak na sabi ni Andrea

"Utusan niyo man kami o hindi pinuno, ay tungkulin namin ang protektahan ka at ang iyong pamilya. Gayundin ang mga taong malapit sa inyo. Kaya 'wag niyo pong sisihin ang sarili niyo sa nangyari. Dahil nakahanda kami. Alam naming darating ang araw na 'to", sabi ni tita Blaeze

Ramdam ko ang lungkot sa mga boses nila. Pero wala kaming magagawa. Nangyari na. Hindi na maibabalik pa.

"Ang anumang mangyari sa kanila ay nakahanda kaming tanggapin. Masaya pa rin kami kahit papano pinuno dahil nagawa namin ng maayos ang aming tungkulin. Wala kaming pinagsisihan at alam kong maski ang mga anak namin ay ganon din", sabi ni tita Ashiera

Buti pa sila nakahanda. Ako? Hindi ako nakahanda. Hindi ako handang mawalan ng mga kapatid—ng mga tunay na kaibigan. Hindi ko kaya.

Nangako kami sa isa't isa noon. Na kahit anong laban ay magkakasama kami. Walang iwanan, walang tatalikod. Laban ng isa, ay laban ng lahat.

Pero heto, wala man lang akong magawa para sa kanila. Nandito ako, maayos na nakatayo. Samantalang sila, lumalaban para sa mga buhay nila. Kingina. Pakiramdam ko ay wala akong kwenta. Kasi wala akong magawa para sa kanila.

Kung sana ay may kapangyarihan lang akong bumuhay ng tao, sana ginamit ko na para buhayin sila. Pero wala. Wala akong ibang magagawa ngayon kundi ipagpasa-Diyos ang lahat. Ang buhay nila. Ang kalagayan nila.

ANDREA'S P.O.V.

Walang wala ako sa sariling umuwi. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Siguro nga, tama si ate Agatha. Kasalanan ko 'to. Pinahamak ko silang lahat. Ako ang nagdala ng kapahamakan sa lahat.

"Anak", tawag sakin ni Mommy

Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap. Niyakap naman niya ko pabalik at hinagod ang buhok ko.

"Mom, ayoko na. Sobrang sakit na. Kasalanan ko lahat Mom. Wala akong kwenta. Hindi ko sila nagawang iligtas. Wala akong magawa para isalba ang buhay nila. Ipinagkalulo ko ang mga buhay ng mga inosenteng tao mom", umiiyak na sabi ko

"Shh. Don't say that anak. Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. Ginawa mo lang ang sa kung anong alam mo ay tama. Gagaling sila. Gigising sila. Maniwala ka. Magtiwala ka", sabi ni Mommy

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Ayoko na. Ayoko na ng ganito. Lahat na lang ng napapalapit sakin ay napapahamak. Nadadawit sa gulo. Kasalanan ko lahat.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mommy at agad na tumakbo papunta sa kwarto ko. Tinawag pa ko ni Mommy pero hindi na ko ulit lumingon pa.

Sa ngayon, gusto ko na lang mapag-isa. Gusto ko makapag-isip isip. Ano pa ba ang kaya kong gawin para sa kanila? Ano pa ba ang pwede kong gawin para sa kanila? Ano pa ba ang maaari kong maitulong sa kanila?

Kung sana madaming buhay lang ang meron ako, at kung pwede lang ipapasa, ginawa ko na. Mabuhay lang sila. Magising lang sila. Pero hindi. Hindi ako Diyos. Isang ordinadyong tao lang ako.

Isang ordinaryong taong walang magawa kundi ang panoorin at tignan sila habang nakahilata sa kamang yon. Isang ordinaryong taong walang kwenta at walang magawa.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon